:41// Ways of Love

105 8 0
                                    

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Van. E basta! Bahala siya sa buhay niya. Aawayin niya ako tapos ganon na lang yung?! Hindi ko rin siya aamuhin. Tss. Nakakaasar naman kasi 'to si Vanessa eh!

" E kasi naman.." anas ni Vanessa habang nakatingin sa laptop at umiinom ng kape. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

" E kasalanan mo kaya." nakangusong sabi ko habang tinititigan yung kape ko. " Nag-away kami dahil sa pinapagawa mo." alam ko namang maling sisihin si Vanessa dahil ako naman ang may ayaw non. Pero parang gusto kong sisihin lahat ng taong nasa paligid ko.

" What? Duh.. ikaw kaya. Kung gagawin mo na lang kasi yung sinabi ko. Di ba? Edi sana happy happy kayo ngayon ng kapatid ko." anas niya habang nagtatype.

" E anong gagawin ko ngayon? Paano kami magbabati?! Nakakaasar naman kasi yung lalaking yun eh."

" Wow. Ang bilis naman magbago ng isip mo. Kanina lang sabi mo pa, bahala siya sa buhay niya. Ngayon, ano ka 'teh? Kesyo paano kayo magbabati?! Ewan ko sa inyo. Mai-stress ang beauty ko."

" Tulungan mo naman ako Vanessa. Please?"

" E.. Ano ka? Sinuswerte? Hindi ka na nga tumutulong sa'kin sa pag gawa ng report na'tin mamaya. Buti na lang talaga matalino ako. I'm so perfect." nakahawak sa dibdib pa na sabi niya habang nakapikit.

" Weh?! Perfect ka? Perfect ka?"

" Oo. Of course. Talaga."

" Hindi mo nga ako tinutulungan sa'min ni Van." anas ko at sinara niya yung laptop niya at tumayo. Napatingin naman ako sa kanya.

" Hay nako Cyxa. You're not gonna fool me. Aalis na ako at tatapusin ko pa 'tong report na'tin. Maghanap ka na lang ng ibang kausap mo dahil gusto ko pang maka-graduate ng college."

" Oo na. Sige na. Alis na. Madapa ka sana."

" K. Bye." maarte na sagot niya at umalis na talaga siya. Tumayo na rin ako. Haaaaaist. Paano na 'ko? Paano na yung forever namin ni Van? Paano na si Van? Pag walang nangungulit sa kanya? Paano na siya pag namiss niya ako? Hays. Kawawa naman si baby ko. Aish! Ano ba Cyxa.. Ayos na kasi!

" Uy! Cy!" napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa tumawag sa'kin. Si Waren.

" Hi" sagot ko na lang.

" Mag-isa ka lang?"

" May nakikita ka bang kasama ko? O baka may nakikita ka na hindi ko nakikita" asar na sagot ko. Natawa naman siya.

" Galit agad? Panira ba"

" Ikaw? Oo" Biro ko at natawa naman siya.

" Tara. Samahan na kita." aya ni Waren. Sinabayan ko na lang muna si Waren maglunch. Haist. Miss ko na si Van. Nakakaasar talaga.

Akala ko ba sasamahan niya ako. E ako pa nga tong sinasamahan siya. Tss.

" Mukhang may problema ka ngayon Cy?" anas ni Waren. Napatingin naman ako sa kanya. Ang babaw naman kasi ng away namin. Hindi na talaga ako magiging pikon.

" Ah. Wala."

" Weh? Nakakatampo ka Cy ah. Minsan na nga lang ulit tayo nagkita, di ka pa magkukwento." sagot niya habang umaakto na nasasaktan habang nakahawak pa sa puso niya.

" Kung gusto mo ng taong kukwentohan ka, hanapin mo si Lola Bashang ha? Wag ako." mataray na sagot ko. Aba. Stress na nga ako, gusto pa akong magkwento.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon