:45// With A Smile

86 2 0
                                    

At dahil dyan.. Click on the external link guys! First time kong itry to so go na! Dahil With A Smile ang chapter na to, sabayan natin ng kanta. Though dapat meron din nito sa last chapter dahil isa to sa kanta dun. Medyo abnormal ano po? Hahaha so enjoy gaas!

--x

" Cyxaaaaa! Gising na." at.. ARAY!

" Lumayas ka nga! Naasar ako sa mukha mo!" Wala na. Nagising na ako. Asar naman e. Andami daming pwedeng bulabugin, ako pa.

" Tsk.. ikaw na nga nang-iwan, ikaw pa galit." nagtatampo na naman to. Hay. Mamimiss ko pa rin to si kuya Fritz.

" Eh! Correction. Mang-iiwan pa lang. At correction uli. Aalis lang ako. Pero babalik din." at ngumuso si kuya. Kailan pa siya natuto magpacute?

" Nagpapacute ka pa. Akala mo bagay?"

" Hindi ko naman kailangan magpacute. Kasi gwapo na ako." at umupo siya sa kama. Pumasok naman na ako sa CR para magtoothbrush. Pero iniwan kong nakabukas yung pinto.

" Wala. Ganyan kana talaga. Kami ni Benj na mabait sayo, iiwan mo. Tapos ang masakit pa, pinagpalit mo kami kay Gab. Na sooobrang sama sayo. Grabe. Nagtatampo talaga ako. Asahan mo pagbalik mo, wala ka nang kapatid na Fritz ang pangalan. At wala na rin akong kapatid na babae." at may papunas punas pa siya ng luha effect. Natatawa tuloy ako habang nagt-toothbrush.

" Hays. Pagbalik mo dito, papalayasin ka na namin. Kaya wala ka nang bahay na titirhan o babalikan. Pati si Gab. Papalayasin ko na rin yung hinayupak na yun. Magsama kayo. Tss. Kung sino pa yung masamang ugali, siya pa sinamahan. Iwanan pala tayo dito." at sakto tapos na 'kong magtoothbrush.

" Sige. Makakarating rin yan kay kuya Gab." nang-aasar na sabi.

" Joke lang. Ito naman. Ikaw lang pala palalayasin dito." di man lang binawi yung pati sakin. Si kuya Gab lang.

" Grabe. Kung makapagsalita ka, kuya. Ikaw rin naman. Iniwan mo ko si ere tapos si kuya Gab, kukupkupin mo." hehe. I'm just returning the favor.

" Kita mo na? Ngayon alam mo na nararamdaman namin. Tss." at tumayo na si kuya. Nako. Mukhang nagtatampo nga talaga si kuya Fritz. Tumakbo ako papalapit sa kanya saka ko siya niyakap.

" Sorry na kuya. Alam mo namang kailangan lang talaga ni kuya Gab ng kasama. Diba? At saka pag-uwi ko dito, marami akong pasalubong sa inyo. Promise--"

" O sige! Mauna ka na don! At mukhang excited ka pa yatang iwan kami dito." at lumabas na talaga ng kwarto si kuya. Napailing na lang ako at napatawa sa inasal ni kuya. Grabe.

Ngayon mapapatunayan kong mahal na mahal ako ng isang yun. Kahit na mapang-asar yun si kuya Fritz, mahal ako nun at mamimiss ko rin sila.

Napatingin ako sa maletang gagamitin ko. Kagabi, ilang oras kong chineck kung okay na ba yung dadalhin ko. Ayun, okay naman daw. Kulang na lang magsalita yung maleta sakin na, "OKAY NA AKO! OKAY NA OKAY NA KO!" para lang tigilan ko yun kagabi.

Grabe lang kasi. Hindi pa talaga ako ready umalis. Hindi pa ko ready. Lalo na't alam ko na hindi ko makakasama yung mga importanteng tao na nasa paligid ko. Sila kuya. Papa. Vanessa. Waren at Kayumi..

.. Si Van.

Ang dami dami kong ginawa kasi ayokong masaktan siya tapos ganun lang pala kadali yun. Pumayag si Van. Naintindihan niya daw. At hihintayin niya ako. Sweet diba? Pero ganito ang pagkakasabi niya.

" Sige okay lang. Mas importante naman talaga ang kuya mo kesa sakin kaya naiintindihan ko. Saka bibilisan mo naman umuwi diba? Hihintayin kita karamay ang mga chikababes ko."

Ayun. Nasapak ko tuloy siya. Tapos nakatulog siya nang mahigit isang araw. Pero naguilty naman ako sa ginawa ko kaya inalagaan ko siya. Pag gising na pag gising niya, binawi niya yung mga sinabi niya. Na kaya lang naman daw niya sinabi yon para hindi na daw ako umalis. Sobra talaga yung tawa ko nun. Dagdag mo pa na sobrang pula niya non.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon