:14// In the Rain

177 6 0
                                    

" A-aah! Ang sakit! Chill ka lang! Mahapdi eh!" angal ko habang ginagamot ni Waren yung kamay ko. Pagkalabas na pagkalabas kasi ni Van ay hinila ako ni Waren paupo at eto nga. Ginagamot niya yung kamay ko.

" Tsh! Manahimik ka. Ang ingay mo.." Mahinahong saway ni Waren sa'kin.

" Kainis naman kasi talaga yung Van na yun!" Kwento ko.

" Akala mo kung sino. Nagmanage lang ng coffee shop akala mo kung sinong rich kid na! Hay! Kung wala lang talaga akong utang kay tita hindi ko siya magiging amo! Walangyang unggoy yun!" pagkukwento ko at napatigil ako dahil kay Kayumi. Nakiupo siya sa table namin at nakinig.

" Badtrip talaga. Psh! Napapaisip na lang ako kung nanay niya ba talaga si Tita Kelai na sooobrang bait. Tsh.. 'Di mo malaman saan niya namana ugali niya! Psh-- O? Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Waren ng mapansin kong nakatingin siya sa'kin ng kunot noo at itinigil niya yung paggamot sa kamay ko.

" May gusto ka ba dun?" tanong niya.

" To hell with that. Mamamatay muna ako bago mangyari yun." sagot ko at napailing na lang siya saka tinuloy yung ginagawa niya.

" Haaay! 'Di ko talaga mapapatawad yun! Gwapo nga. Pangit naman yung ugali. Wapoys din. Pero kainis pa rin talaga. Lalagyan ko na dapat ng lason yung mga pinagpapakuha kuha niya sa'kin eh! E kung hindi naman kasi siya isa't kalahating tanga at one-fourth na bulag-- Eh hindi lang naman ako yung crew dito diba--?"

" Oh." napatigil ako sa biglang pagbitaw ni Waren sa kamay ko at sa bigla niyang pagtayo. Napatingin naman kaming dalawa ni Kayumi sa kanya.

" Tapos na. Pwede mo nang ituloy yang sinasabe mo." walang emosyong pagkakasabi niya saka naglakad palabas ng shop.

" Anyare?" tanong ni Kayumi at hindi ko rin nasagot yung tanong niya. Bumalik na si Kayumi sa harap ng register at tumayo na rin ako para sundan kung saan pumunta sa Waren.

Naglalakad na ako sa may malapit sa school bumuhos ang pagkalakas lakas na ulan pero naglakad pa rin ako.

Mas masaya nga yon eh. Pag nagkasakit ako, hindi na ako papasok sa school, hindi pa ako makakapasok dun sa impyernong pinapasukan ko. Also known as The Coffee Shop.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may sasakyan tumabi sa'kin at..

ANO BA NAMAN EH! KAINIS TALAGA HUHUHU AYOKO NA MAMA!

Sa bilis niyang magpatakbo, nabasa tuloy ako ng tubig baha. Okay sana kung ulan lang eh. Pero tubig BAHA! Naiintindihan niyo ba ako?

Tubig baha!

E putek! Eto ang poultry ng mga ipis at daga!

Napapikit ako sa inis at saka ako humarap sa sasakyan. Nakita ko namang bumababa yung bintana at hinintay ko na lang na tuluyang bumaba yung bintana at..

SI VAN? NA NAMAN?!

" Working hour ngayon. Diba dapat ay nasa shop ka? Eh bakit nandito ka?" tanong niya.

" Dahil sa gravity of the earth."

Bakit? Tama naman ako diba?

" Kausapin mo 'ko ng maayos. Working hour ngayon."

" Ah. Teka, sandali. Nahulog ata yung pake ko sa daan. Hanapin ko lang." sagot ko saka binilisan ang paglalakad.

" Hey! Bumalik ka sa shop!"

" Blah blah! Wala akong naririnig!" Sabi ko habang nakahawak pa sa dalawa kong tenga.

" Balik sabi!"

" Wala akong naririnig! LALALALA.."

" Ano ba, Sisa?" sigaw niya. Napalingon naman ako sa kanya saka ko siya tinignan ng masama. " What? Ikaw pa may ganang magalit ngayon? Amazing.."

Ano? Amnesia agad ? Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga. Pinadugo mo na nga yung kamay ko tapos eto pa. Alangan magdiwang pa ako diba?

" Close ba tayo?" mataray na tanong ko.

Tawagin ba naman akong 'Sisa'? 'E ayoko nga sa pangalan na yun! Ang kulit naman!

" Stop being so childish, Cyxa! 'Di ka ba titigil?"

" Potek ka! Pagtapos mo 'kong tawaging 'Sisa' tingin mo babalik pa ako sa shop? Hindi na uy!" sagot ko at mas binilisan pa ang paglalakad. Nakita ko namang bumaba siya ng sasakyan at sinundan ako.

Feel na feel yung ulan?

" Hindi ka na ba talaga babalik?"

Hindi! Bahala ka!

" Hindi na talaga?" at umiling ako. " Okay. Sabi mo eh." at..

Anong ginagawa nito?! Siraulo ba to?

" Ibaba mo 'ko! Unggoy! Akala mo ba romantic tignan? Mukha tayong timang dito!" sigaw ko. Paano naman kasi? Siguro kug ibang tao lang ako? Iisipin ko na isa akong prinsesa at binubuhat ako ng prince charming ko. Pero ngayon? HINDI!  Isa akong prinsesa na binubuhat ng mukhang paa!

" Cyxa?!" Napalingon kami ni Van at tama nga ang hinala ko. Si Waren nga. Agad naman akong ibinaba nitong unggoy na to.

" Bakit nagpapaulan ka? Baka magkasakit ka." anas ni Waren at saka ako niyakap at..

Parang may kiliti sensation na nangyayari sa tyan ko. Alam niyo yun? Yung parang nasa roller coaster ka na bumubilis yung tibok ng puso mo tapos parang may kumikiliti sa tyan mo?

" Akala niyo ba romantic tignan? Nakakasuka." singit ni Van at..

Luh? Gaya gaya 'tong isang 'to. Walang originality.

" Kung nasusuka ka edi pumikit ka!" sagot ko.

" Tara. Ihahatid na lang kita sa bahay ni--" anas ni Waren pero pinutol siya ni Van.

" Working hour niyo pa."

" Bawal na ba magpalit ng damit ngayon?" tanong ni Waren at natahimik siya. Bumalik na si Van sa kotse niya at matulin na nagpaandar at binusinahan pa kami.

Ugh! Basag ka ngayon.

Tumingin naman ako kay Waren at rin siya sa'kin.

" Tara?" aya ko at tinanguan niya ako. Masaya kaming lumusong sa ulan papunta sa bahay.

Pero.. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? Hay! Wala lang yan Cyxa! Wag ka na mag-isip ng kung ano ano! Sa ulan lang yan. Sa ulan. Masyado na kasing polluted ang utak ko ng mga napapanood ko.

---x

End of chapter 14

VOTE, COMMENT AND SHARE

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon