:6// Bully

251 10 0
                                    

" Oo. Ako--" tatayo na sana si Van pero inunahan ko siya sa pagtayo at hinawakan ko siya sa balikat at saka ako nagpabigat kaya napaupo siya sa ayaw at sa gusto niya.

" A-ah. H-hehehe.. Kuya Gab, Kuya.. Fritz, mah men! Kuya Benj.. Gusto niyong.. juice?" pahina ng pahina yung boses ko kasi tinignan nila ako ng masama. " Oo. Siya nga.." napapahiyang sagot ko na lang saka naupo.

Naupo rin naman sila kuya. Masama pa rin ang mga tingin nila pero kay Van na sila nakatingin. Ramdam na ramdam ko rin ang itim na aura.

" Ano namang ginagawa ng ugok na 'to--" pagsasalita ni kuya Gab at pinutol ko agad siya. Yumakap uli ako sa leeg ni Van at saka pilit na ngumiti.

" Bestfriend ko siya kuya!" nakangiting sagot ko.

" Bestfriend?! Eh, diba nga sinapak mo pa siya kahapon?!" tanong ni kuya Fritz at pinanlakihan ko siya ng mata.

" Oo nga? May magbestfriend bang ganun?" Si kuya Benj.

Hay nako..

" Lambingan naming magbestfriend yun kuya." pagsisinungaling ko.

" Diba?!" tanong ko habang pinanlalakihan ko ng mata si Van. Tumango naman siya sa'kin.

" E bakit may mga pasa pasa ka?" tanong ni kuya Gab.

" E kasi napagtripan ako sa bilyaran--" sagot ko pero pinutol ako ni kuya Benj.

" Hahahaha! Sino?! Yung mga dinaya mo? Hahaha.. Sabi ko sayo napansin ka nu-- Teka.. May nasabi ba akong masama?"

Nako naman kuya! Madudulas ka na lang nga, sa harap pa nila papa!

" Kuya?!" Sigaw ko sa kanya. Napatingin naman ako kila mama. " Mabuti pa siguro, umuwi ka na Van." sabi ko na lang.

" Mabuti nga kung ganon." pagsasalita ni mama at napalunok ako. Tumayo na kaming dalawa ni Van at hinatid ko na siya palabas ng bahay.

" May tanong ako.." pagsasalita ko. Paalis na sana siya pero nilingon niya pa ako. " Nung umulan ba ng kamalasan, sinalo mo lahat?" inis na tanong ko at humarap na siya sa'kin.

" Bakit? Kasalanan ko ba kung sadyang matigas yang ulo mo?" tanong niya at mas napikon ako.

" Alam mo? Kasalanan mo lahat 'to eh! Kung 'di ka sumama sa
loob, edi sana- hindi nadulas sila kuya sa mga kasalanan ko!" sigaw ko at inilingan niya na lang ako. Dumeretso na siya sa sasakyan niya saka nagdrive. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

" Oh? Nanggulo ka na naman, Sisa?" sulpot ni mama. Nagulat naman ako.

" E siya naman po kasi yung nagsimula." Sabi ko saka yumakap sa kanya. Lumapit din sa'min si papa kaya niyakap ko rin siya.

" Sige na, Cyxa. Matulog na." sabi ni mama kaya humiwalay na ako sa yakap saka tumakbo papuntang hagdan.

" Pumasok ka na bukas ah?!" pahabol ni papa at natatawa naman akong tumango sa kanya saka ako tuluyang tumakbo papuntang kwarto at natulog.

KINABUKASAN.

" Hoy. Kayong dalawa! Hindi na kayo makakahiram ng susi ng sasakyan kahit kailan." banta sa'min ni kuya Gab saka nagdrive.

SCHOOL.

" Sige. Una na kami." sabi ni kuya Fritz saka sila umalis na ni kuya Gab.

" Ay, Sisa! May pinapagawa pala sa'kin si ma'am. Mauna ka na muna sa classroom okay?" paalam ni kuya saka tumakbo palayo.

Sadlayf. Forever alone.

Pagkapasok na pagkapasok ko naman sa classroom. Kung 'di ba naman ako naliligo ng kamalasan ngayong araw..

Pinagbababato agad nila ako ng lobo. Sabihan niyo na akong baliw, e kung 'di ka ba naman batuhin ng lobo na may tubig?

" Ano ba?!" sigaw ko at tinawanan lang nila ako. " Potek! 'Di ba kayo titigil?!"

" Hahahaha.. Hindi! Anong akala mo sa'min? Hahaha.." biglang sabi sa'kin nitong lalaki na 'to.

" Tuwang tuwa ka sa'kin ah?!" tanong ko.

" Hindi naman.. Hahaha.. Ganito lang talaga kami magwelcome sa school na 'to ng mga newbies at hindi alam kung saan sila lulugar."

Newbies?! Anong ibig niyang sabihin?

" Nababaliw ka na ba?! Kung ano ano yang pinagsasabi mo!"

" Sorry ah? Napagutusan lang!"

" Sino namang ugok ang nagutos sa inyo na gawin sa'kin 'to?!" inis na talaga na pagtatanong ko.

" Si Van. Hehehe.. Hindi kasi siya makakapasok ngayon kaya sa'min niya pinagawa 'to."

Ang abnormal naman nun! Ililigtas ako tapos ipapa-bully ako?! Siguro may disorder yun sa pagiisip. Hehehe.. Halata naman eh.

" E asan naman yung unggoy na yun?!" tanong ko.

" Bakit? Namiss mo na ba siya?-_-"

Ah, ganun ah?

PAK*

" Eto rin. Mamimiss mo 'to." gigil na sabi ko saka ako lumabas ng classroom. Pupunta sana ako kela kuya para sabihin yung nangyari sa'kin pero nakasalubong yung mga naghamon sa'min sa bilyaran.

Pati ba naman sila?! Dito rin nagaaral?! Malas..

Agad akong yumuko saka naglakad. Papalapit na ako ng papalapit at kasabay rin nun ang mga paglunok ko. Malalagpasan ko na sana sila pero itinulak ako pabalik nung nasa gitna pero nanatili pa rin akong nakayuko. Yung parang leader ata nila. Siya rin yung naghamon sa'kin.

" Teka, miss. Parang namumukhaan kita ah?" sabi niya pa at nanlaki ang mata ko. " Pwede ko bang makita ang mukha mo?" tanong niya at mas lalong nanlaki ang mata ko.

" H-hi?" sabi ko matapos kong tumingin sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng aura ng mukha nya.

" I-ikaw nga--!" sigaw niya pero 'di ko na siya pinatapos pa at tinulak ko siya saka ako tumakbo. Nagpadala lang ako sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Kaso mukhang pati yug mga paa ko ayaw ako pakisamahan at dinala ako sa rooftop.

Kung saan akong makocorner ng mga bully!

Bakit ganoooon?! Dalawang beses yung balik sa'kin ng karma?!

---x

End of chapter 6

VOTE, COMMENT AND SHARE

P.S. Sorry po. Ngayon ko lang po naupdate. Naskip-an ko po kasi eh.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon