:46// Her Bad Boy

67 3 0
                                    

" Bye ma." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng kotse. Gumaan yung pakiramdam ko. Buti nabisita ko si mama. Hay. Parang pursigidong pursigido na talaga ako. Kaso iiwan ko sila Van.

O. Yung mga nagdidiwang jan hindi pa ako mamatay!

Aalis lang ako.

I looked at my hands which were interwined with his.

Weh. Cyxa? Weh. Trying hard lang ako mag-english ngayon dahil pupunta na ako sa America. Alangan namang kausapin ako ng Kano dun tapos tagalugin ko sila.

Edi para akong alien. Pero okay lang. Atleast bagay na bagay na kami ni Van. Siya si Kokey. Pluto na pluto na datingan namin nito. O diba? Sweet na, unique pa. Kung sakali, kami ang kauna-unahang alien na masasaksihan ng mundo kung paano maglandian.

" Anong iniisip mo jan?" Tanong ni Van. Napatingin ako sa kanya. Ay. Nakangiti pala ako. Baka imbis na sa Amerika ang punta ko, sa mental ngayon bagsak ko.

" Ikaw. Iniisip ko kung paano ka iiyak pag-alis ko." Sabay binitawan yung kamay ko! Aba! Gusto yata ng away eh!

" Baka umiyak?" saka niya ako tinalikuran. " Baka ikaw."

" Ha-ha. Matutuwa pa nga ako kasi syempre marami akong makikitang gwapo dun. Maraming MAS pa sayo."

" Baka makakita ka?" At nakangisi siyang humarap sakin. " Baka hanap hanapin mo ko dun at bumalik ka agad pag hindi mo na ako matiis."

" We'll see."

" Talaga. Baka pasakay ka na ng eroplano, habulin mo pa ako."

" Puro ka baka. Puro ka drawing. Patunayan mo muna." at inakbayan niya ako. Ngumiti siya sakin.

" Okay then. If that's what you want."

" Mga madam. Ser. Nandito na po tayo. Baka gusto niyo pong bumaba." Singit ni kuya Fritz at sinamaan ko siya ng tingin.

" Nakakabitter kayo ah! Maghihiwalay na kayo mamaya uy!" Si kuya Benj.

" You should bid your goodbye's ngayon pa lang." biro ni kuya Gab. At hindi kami natatawa.

" Last mo na yan kuya ah." at saka ko tinulungan si Van sa pagkuha sa maleta ko.

" Corny ba?" mayabang na tanong ni kuya Gab. Nagtinginan kami nila kuya Benj.

" Wag mo nang isiping corny ka Gab. Hayaan mo na lang kami magisip nun." At nagtawanan kami. Binatukan ni kuya Gab si kuya Benj.

" Wag ka kasi magjokoke Isagani. Hindi kami natutuwa ah!"

" At tuwang tuwa ka na naman sa pangalan ko Florante!" at lalapitan na sana ni kuya Gab si kuya Fritz pero tinaas niya yung parehang kamay niya saka tinuro si kuya Benj.

" Uy! Inutusan lang ako ni Basilio!" At tumingin si kuya Benj kay kuya Fritz.

" Umayos ka ah! Nanahimik ako. Nako, Florantino! Kokonyatan kitang hayop ka."

" Basilio, mas matanda ako sayo ah! " pikon na naman. Hays. Hindi pa rin sila tumatanda.

" Alam ko. Wag mo na isipin yun. Baka lumabas na yung mga signs of aging mo."

" Pakyu, men!"

" I love you too brad!"

" Mandiri ka nga! Hindi ka ba kinikilabutan!" HAHAHAHA! Ang sama ng mukha ni kuya Fritz. Hinabol naman siya ni kuya Benj at tumakbo naman siya.

" Andito na ako kapatid! Payakap naman!"

" Tigilan mo ako!"

" UUUY! Paisa lang!"

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon