:8// SBF & I

238 9 0
                                    

Tumayo na ako at lumabas na ng clinic. Pumunta muna ako ng cr saka nagpalit. Mamaya pa dapat ako magpapalit para pag gumala ako kaso, ang dumi na at basa basa pa yung damit ko.

Nakakainis naman!

Paglabas ko naman ay biglang may lalaking humatak sa'kin.

Bakit puro problema na lang!?

" TULOOOOOOOOOONG!" sigaw ko at tinakpan nito yung bibig ko. Inalis naman na niya yung pagkakatakip saka ko siya nakita.

Sino naman 'to?

" Sino ka ba?!" tanong ko.

" Wag kang lalapit sa kanila." sagot niya. -____-

Ang gandang sagot. Promise. Saka teka. Bakit ba ang daming mukhang paa dito? Eto rin eh! Makahila akala ko naman kikidnappin na ko.

" Teka nga! Sino ka ba talaga?!" tanong ko uli.

" Ako si Grey." sagot niya at napatango naman ako. Pa-mysterious effect pa to. Hindi naman bagay. Psh! Mga weirdo mga estudyante dito. Yung iba sipsip. Yung iba bully. Yung iba pacool. Mukha namang paa.

" At saka ano bang sinasabi mo? Sinong sila?!" tanong ko. Mala-Sherlock Holmes.

" S-sila Van! Delikado ang buong school year mo kung babanggain mo sila." nanginginig pa na pagkakasabi niya at napalunok ako. Pero ano naman mga magagawa nun? Kasama ko naman sila kuya.

" Pinapanood kita mula nung first day of school hanggang ngayon at mukhang ikaw ang trip ni Van." dagdag niya.

" Bakit--? Teka. Nakita mo rin yung sa classroom?" tanong ko at tumango siya.

" Classmate pala tayo?! Ayos!" sabi ko saka nakipag-apir pa sa kanya kaso hindi niya ako inapiran. Napakamot na lang ako sa batok. Kala naman nito. Baka nga pinaglololoko lang ako nito. Parang imposible kasi. Diba sa libro lang yung mga ganun?

" Teka.. Kung nandito ka.. Tapos na yung first period?!" tanong ko at tumango siya. " Nagcheck ba si ma'am ng attendance?" tanong ko.

" Hindi." sagot niya at nakahinga naman ako ng maluwag. " Pero ang sabi ni ma'am, kabisado niya raw ang bawat tao na nakaupo sa upuan." dagdag niya at napahawak ako sa mukha ko.

" Patay! Pero bahala na. Tara. Kain muna tayo." Aya ko sa kanya at parehas naman kaming pumunta na sa canteen.

Nang makabili na kami ng pagkain ay agad kaming naupo at saka ko siya kinausap. Nakaka-curious kasi siya. Bigla bigla na lang na sumusulpot.

" Ano namang kinalaman mo kay, Van?" Sabi ko saka kumagat sa sandwich.

" Yung sa classroom kanina. Wala pa yan sa one-eight ng mga naranasan ko. Naisipan ko na ring mag-drop pero ayoko. Naranasan kong maospital dahil kina Van. Hindi siya ordinaryong tao na nakakabangga mo o kahit yung mga kasama niya." tuloy tuloy na pagkakasabi niya at binigyan ko siya ng tubig.

" Easyhan mo lang, Grey. Hehehe." biro ko pero tinignan niya lang ako.

Alien ba 'to? Ano ba 'tong kasama ko?! Nakakainis. Parang iisa lang yung emosyon na nakikita ko sa mukha niya mula kanina. Teka. May makikita bang emosyon sa paa?

" At ayun nga. Pero dalawang tao pa lang ang nakilala kong hindi pa nila napapatumba. At ngayon ay tatlo na." sabi niya pa at napalunok ako.

Sino yun?

" Mukha ngang malalakas sila." Kahit na mukhang silang paa. Hindi ko lang talaga masabi kasi sobrang seryoso nito. Parang wala man lang humor sa katawan.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon