:35// Moment Of Truth

147 7 0
                                    

" Pwede pakibilis?!" sigaw ko kay Van habang pinagdadrive kami papuntang ospital.

" Teka! Mababangga tayo! Traffic kaya!" sabat ni Vanessa.

" Basta! Bilisan mo!"

" Anong gusto mo?! Paliparin ko 'to?!" asar na sagot ni Van saka lang ako natahimik.

" Wala ka pala eh." pagpaparinig sa'kin ni Vanessa. Kumuha naman ako ng gunting sa bag saka palihim na ginupitan yung buhok niya. Onti lang naman.

---

" A-anong nangyari kay mama?" tanong ko kay kuya Fritz na sinalubong ako sza hallway. Andito kami ngayon sa ospital. Dinala raw kasi dito si mama. Napatingin ako sa katabi ko. Si Vanessa nasa kanan ko. Si Van naman nasa kaliwa.

Napatingin kami ng magbukas yung pinto kung saan nagaabang si kuya Fritz kanina. Lumabas yung doctor saka tinanggal tung mask.

" Dok? Ano po bang nangyari kay mama?" tanong ni kuya Fritz.

" I'm sorry pero we have detected na may breast cancer ang mommy niyo." at napapikit ako bg madiin saka napalingon sa kaliwa saka yumakap kay Vanessa.

" Bakit? Bakit nangyari 'to? V-vanessa.. Ang sakit. Mamamatay na ata ako. Bakit.."

" Wag, Cyxa.."

Huh?! Teka.. Bat nagboses lalaki si Vanessa?

" Vanessa. B-bakit ganito boses mo? M-magaling ka palang mag-impersonate." umiiyak at nakapikit na tanong ko kay Vanessa.

" Cyxa.."

" Vanessa. Please. Hindi ako nakikipagbiruan. Itigil mo na yan." anas ko habang nakapikit at nakayakap pa rin kay Vanessa.

" Cyxa!" Sigaw ni kuya Fritz pero nakayakap pa rin ako kay Vanessa.

" Kuya.. please. Alam ko walang matutulong 'tong pagiyak ko. Pero hayaan mo muna sana ako." Sagot ko.

" Cyxa ako 'to."

T-teka.. Vanessa.. asa kanan kanina. Waaaaaaaaaah! S-si Van pala 'tong nayakap ko! Nakakahiya naman! Vanessa pa ako ng Vanessa! Shet!

Idinilat ko ang mata ko at tumingala sa mukha ni Van. Para namang asar siyang nakatingin sa iba. Humiwalay ba ako sa pagkakayakap sa kanya saka pinagpagan yung damit ko.

" S-sorry. Nadala lang ako ng feelings ko." anas ko at bigla akong inabutan ni Van ng panyo. Tumingin ako sa kanya pero hindi pa rin siya nakatingin sa'kin. " H-hindi n--" at tumingin na siya sa'kin kaya napatigil ako.

" Yung sipon mo. Makipunas. Tumutulo eh." at nanlaki yung mata ko. Buti na lang at nakaramdam ata yung d doctor kaya umalis. Pinunasan ko naman yung sipon ko gamit yung kamay ko.

" Baaaaboooy!" nandidiring sigaw ni Van kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" E bat ba nangingialam ka?!"

" Eh kasi.." at inilapit nya yung mukha niya sa'kin. " Baboooooy ka. Nakakaturn-off."

" Bat-- Sinabi ko bang maturn on ka sa'kin?" at hindi na siya sumagot. " Kearte arte. Kalalaking tao. Oh! Panyo mo!" At inabot ko sa kanya.

" Sayo na yan. May sipon mo na eh."

" Maselang alien! Tse!"

---

" Lord? Bakit po?" at tumingin ako sa langit. Mag-isa ako sa rooftop ngayon. Nagpapahangin. Pinapasink in yung sinabi nung doctor kanina.

" Mabait naman po si mama eh. Kahit lagi kaming nong binabaril ng bibig niya, mahal na mahal po namin siya. Pero bakit naging ganito po? Malakas pa po si mama nung isang araw lang ata pero bakit may cancer na siya ngayon?" at umihip ang hangin saka ako pumikit. Napahinga ako ng malalim.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon