:29// Fall Apart

161 8 1
                                    

Ring* Ring* Ring*

Yoooown! Dismissal na! Kumakaway na ang mga puso at masusundan ko na naman daw si Van. Oo. Sinusundan ko siya. Ayoko namang sabihan na stalker yung sarili ko. Sabihin na lang na'tin na.. Hindi ko kayang mawala si Van sa paningin ko at hindi magiging kumpleto ang araw ko pag hindi ko siya nakita.

" Sisa!" tawag sa'kin ni kuya at nilingon ko siya. " Sasabay ka ba umuwi? Gagawa kasi ako ng project eh." paalam ni kuya at nag-isip muna ako ng onti.

" Ah.. Sige sige." payag ko at ngumiti si kuya saka ginulo yung buhok ko. " Pero kuya.."

" Oh?"

" Gawa mo na rin ako ng project. Tinatamad ako eh."

" Tsh! Ikaw na! Malaki ka na! Kaya mo na yan. Wag kang tamad.." 

" Hindi ako tamad. Sadyang alam ko lang kung saan ko ibubuhos yung kasipagan ko." sagot ko kay kuya at bumuntong hininga siya. " Sige na kuya. Gawa mo na ako, ha? Sige. Thank you! Aylabyu kuya!" anas ko pa saka ko kiniss si kuya sa pisngi saka lumabas na ng classroom. Wala naman nang magagawa si kuya kasi nakaalis na ko.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makita ko na si Van. Nakasandal sa pader saka nakapikit. Naagaw naman ni Ericha yung paningin ko nang lumapit siya kay Van saka niya inabot yung kamay niya dito. Maya naya pa dumilit na si Van saka nilagpasan si Ericha pero kinuha rin naman niya yung kamay ni Ericha at saka niya hinila paalis.

" Sus! Paka-choosy pa! Kukunin din naman!" anas ko at biglang sumulpot si Waren sa tabi ko.

Naalala ko na naman yung sinabi niya sa'kin nung gabing niyakap niya ako.

May gusto siya sa'kin. Nakakatawa talaga kung maglaro yung tadhana. Sana ako na lang saka si Waren yung unang nagtagpo. Edi sana hindi kami nasasaktan parehas ng ganito. Hindi namin nakikita yung taong mahal namin na nakatingin sa iba.

" Sus.. Nagseselos ka naman?" nang-aasar na tanong ni Waren at nabalik ako sa Earth.

Ang layo ng nadating ko eh. Abot hanggang Mars.

" Hindi, 'no!"

Wala naman kasi akong karapatan. E kaso wala eh. Tao rin naman ako. Nakakaramdam din ako ng selos. 

" Weh?"

" Ang kulit mo pala?" 

" Ngayon mo lang napansin?" pabirong tanong niya at biglang lumungkot yung mukha niya. " Oo nga pala. Lagi ka nga pala kasing nakatingin sa kanya." anas niya at bigla akong na-guilty.

" T-tumigil ka nga. Andrama mo!"

" Bakit? Wala na bang karapatang magdrama ang mga gwapo ngayon?"

" Hindi kasi bagay." sagot ko at nakita kong naglakad na palayo sila Van kaya naglakad din ako para sundan sila.

" Aah.. So umaamin ka na na gwapo ako?" tanong niya at nilingon ko siya. Sumusunod din pala siya sa'kin. 

" Wow.. Ang hangin! Baka liparin ako." 

" E hindi ka naman kasi umangal nung sinabe kong gwapo ako." anas niya at hindi na ako sumagot. Alam ko namang hindi magpapatalo 'tong gago este gwapong 'to sa'kin.

Sinundan ko lang sila Van hanggang sa makarating kami sa parking. 

" Ba't ba tayo nandito?" tanong bigla ni Waren at nagulat ako kaya nilingon ko siya. Malay ko ba na kasunod ko pa rin siya hanggang dito?!

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon