:37// One Last Time

138 5 0
                                    

Dahil kinikilig pa rin ako, simula nung last last thursday pa ata hanggang ngayon. Wiieee:) Here's an update.

---

" Sir!" tawag ko kay kuya habang nakataas yung kamay ko. Nagtuturo siya samin ngayon at sooobrang boring ng subject na pinili ng kuya ko. Wala rin si Vanessa kaya wala akong mapagtripan.

" Yes? Anong problema miss Blanco?" masungit na tanong ni kuya.

Haaaaay nako.. Period na naman ni kuya.

" May I go out?" tanong ko at napabuntong hininga si kuya bago sumagot.

" Yes. You may." sagot niya saka bumalik sa pagtuturo. Lihim naman akong napangiti dahil magagawa ko ang happiness ko. Madali akong nakakapagcut ng klase simula ng magcollege ako. May nalaman kasi akong technique.

Iniiwan ko sa locker ang bag ko at dinadala ko na lang ang mga gamit ko para sa mga susunod na subjects. Tapos nung huling punta ko sa clinic, kumuha ako ng permit to leave school. Pina-photocopy ko yun kaya marami akong stock sa locker. Ginagamit ko yun pag nagkacut ako ng klase tulad na lang ngayon. Okay lang kasi nakalimutan sulatan ni miss nurse yung date kaya walang problema.

" Miss Blanco?" tawag pa sa'kin ni kuya ng palabas na ako ng pinto. Napasimangot naman ako saka ko nilingon si kuya.

" Be sure, you'll be back after 5 minutes. Kung hindi, sa dean's office ka pupulutin." seryosong anas ni kuya. Hindi naman na ako kinakabahan kasi sanay na ako.

" Yes."

" Pardon?"

" Yes 'po', 'sir'." sagot ko. Mukha namang nabadtrip si kuya kasi diniinan ko talaga yung po saka yung sir. E okay lang. Sinadya ko naman.

Lumabas na ako ng classroom at dumeretso sa locker ko para kunin yung bag ko.

" Lalalala.. Ang saraaaap magcutting.. lala.." kanta ko habang binubuksan ko yung locker ko. " Hmmmm.. Cutting is my happiness.. yeaah.."

" Cyxa?"

Patay! Ayan ang napapala ng mga kanta ng kanta, para namang ano yung boses.

" Cyxa?" tawag pansin uli sa'kin ni kuya Benj. Hindi ko siya pinansin at binuksan ko lang yung locker ko para hindi niya ako makita.

After 2 minutes. Haaaaay. Tahimik na. Mukhang wala na si kuya kaya makakahinga na ako ng maluwag. Sinuot ko na yung bag ko at saka nakangiting isinara ko yung locker habang nakapikit.

" Huy!"

" Ay kabayo!" napadilat ako sa gulat ng magsalita si kuya sa harap ko. " Kuya naman! G-ginulat mo 'ko!" asar na anas ko at tawa siya ng tawa.

" Ang gwapo ko masyado para maging kabayo." at sinamaan ko siya ng tingin. " Bakit ba kasi dala mo yang bag mo?"

" Pinakuha lang ni ma'am. Pinagalitan ako kasi daw yung locker daw ba yung nag-aaral." Pag sisinungaling ko. Tumango tango naman si kuya. Magkaiba kami ng schedule ni kuya kaya hindi niya agad malalaman.

" Yan kasi! Tamad tamad mo!" Pang-aasar ni kuya.

" Sige na kuya. Una na ko." paalam ko at naglakad na papunta sa gate ng school.

" Hoy! Dun classroom niyo diba? Bat jan daan mo?!" sigaw ni kuya.

" Asa AVR kami kuya. Ge! Bye!" sagot ko saka tumakbo na. Baka kasi marami pang itanong yun si kuya.

Lagi pa naman akong hinuhulog nun kila mama. Baka makasama pa kay mama kasi may sakit siya. Lagot pa ako papa. Naglalakad na ako papalabas ng school ng makita ko si Van na nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa. Nanlaki ang mata ko saka ako napayuko para hindi niya ako makita.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora