Chapter 28

422 13 2
                                    

Perfect

Our schedule for the next two weeks is very hectic. Ang dami naming kailangang tapusin para ipasa dahil sa nalalapit na finals.Tryne and I are currently eating in the school’s cafeteria. Pagtapos nito ay tuloy tuloy na ang mga kailangan naming gawin.

"Hey!" Zolen waved his hands at us. Nakaporma na naman siya na akala mong palging may run away na sasalihan. I rolled my eyes at him because he was smirking at me, teasing us with his stares. Wala yatang araw na hindi ako maiinis kay Zolen.

"Wala ako sa mood makipag utuan sa’yo Zolen, kung gusto mo ay gawin mo na lang ang pending school works ko," sabi ko. Sobrang desperada na akong mabawasan ang school works. Kumbaga sa jeep loaded na pero may isa pang pasaherong sumakay kaya mas naipit ako dahil malapit na rin ang deadlines.

"I'm not here for you! Kahit kailan talaga ay feeling ka," sabi niya at saka umakbay kay Tryne. "Dude, let’s hang out." He patted Tryne's shoulder and looked at me with his irritating smile.

"I can't. We're busy,” Tryne replies, lowkey declining Zolen’s offer.

Tinignan ko si Zolen kung maiinis ba siya dahil ito yata ang unang pagkakataon na may tumanggi sa mga alok niya, maliban sa akin syempre. Kayang kaya kong gulpihin si Zolen gamit lang ang isang daliri.

"Okay." Tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa lalaki at saka ito lumapit sa akin para makidukot sa aking kinakain.

May malaking ngiting naka-plaster sa bibig niya habang nagpapalit palit ang tingin niya sa amin ni Tryne. Kataka takang pumayag siya kaagad at take note hindi siya nainis.

He mouthed, "Approve!" before he turns his back on me.

"Hindi kailangan ang approval mo Zolen." Bulong ko sa sarili ko.

Nang matapos kaming kumain ay nag diretso na kami sa room para sa next lesson. The professor was late and grumpy. Ewan ko ba sa prof na ito at masama yata ang timpla sa buhay niya ngayon.

I borrowed some books from our library before we leave the school. We went to the cafe that has a lot of free books to read. Ang pangalan ng coffee shop ay Liverary. I like the name and it sounds witty to me. Coffee makes our system alive and this is library-themed kaya bagay na bagay ang pangalan. Hindi rin ito katulad ng ibang cafe na pwedeng mag-ingay, dito ay para kang nasa library talaga. May nagbawal pa nga sa na- ingay na babae kanina kaya this place is perfect if you want to study.

Umupo kami sa table na malapit sa mga shelf para madali na lang sa amin kung kakailanganin namin ng libro. He ordered for our coffee habang ako naman ay inilalabas ang laptop mula sa tote bag na dala ko.

Inilibot ko ang tiningin habang nag-iintay sa kanya. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. I saw Troye with Windy on his side, inaalalayan ni Troye si Windy. She looks pale and thinner than the last time we met. She smiled at me when our eyes met. I don't know if I will smile at her back or I'll just keep a straight face. Why did she smile at me? The last time I check we were in a not-so-good relationship.

"Hey!" Tryne snapped his finger in front of me. I looked around to find Windy and Troye but they were nowhere to be found.

"Looking for something?" Tanong niya.

"No, I was just amazed by this place’s beauty," pagdadahilan ko. Seeing Windy right now made my questions gush down in my head but I must know what’s my priority right now. I need to focus on my work if I don’t want to fail.

"Here's your coffee and cake. Eat first before anything else."

I look around for the last time,nagbabakasakaling makita ko ulit ang dalawa pero wala na talaga sila kaya kumain na lang ako.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now