Chapter 52

382 9 2
                                    

Moon

Ang una kong ginawa pagpasok ko sa kwarto ay pagiimpake ng damit. I booked a flight online. I will leave this place instantly. I'll just leave a note for Xywon, wala na akong oras para hintayin pa siya.

Alam na niya kung nasaan ako at hindi ko kakayaning mag chill lang dito dahil sa katotohanang nalalapit lang kaming dalawa. I want to hide, I need to hide... for me, for my heart's sake.

Japan is the only country that had a flight tonight. I grabbed that opportunity. Sa airport agad ako dumireso. I wore my sunglasses. Kahit na gabi na at nagmumukha akong tanga ay hindi ko tinanggal. Mas ayaw ko namang makita ng mga tao ang mugto kong mata.

Maghihintay lang ako ng pagkakataon at uuwi na rin ako sa Pilipinas pero hindi sa amin. I'll take my time and I will travel.

Tulala ako buong byahe. Ni pagpikit ay nahihirapan ako kaya hindi rin ako nakatulog. Hindi ako makapaniwalang naka-usap ko siya ng ganoon. Wala naman sa plano iyon but my emotions got into my way and it just burst out like that.

Hindi ko na nagawang makalibot nang makarating ako sa Tokyo. Nagkulong lang ako sa kwartong kinuha ko. Ilang araw na ako dito pero hindi ko magawang labasin ang mga magagandang tanawin. It feels like my body was glued onto the clean sheets on my bed.

I laughed at my own reflection on the bathroom mirror. Hindi na ako umiiyak pero ang eye bags ko ay masado ng nangingitim. Ilang araw na akong hindi nakakatulog. I pulled myself together and gather all my courage to go out. Sayang naman ang ipinunta ko rito kung hindi ako lilibot. Hindi naman ako palaging nakaka-alis kaya susulitin ko na.

Binuksan ko ang cellphone ko para magkaroon naman ako ng guide sa lugar na ito. I will be my own tourist guide. Madaming tawag at text akong natanggap. Hindi ko na pinansin pa iyon dahil hindi naman importante. I blocked them para hindi na nila ako matawagan pa. I was enjoying myself when I saw Jem's name requesting a facetime. I accepted it immediately.

"Waigey! Nasaan ka?" Maligsa niyang tanong. Ilang taon ko ng tinatanong ang sarili ko kung saan kumukuha ng energy ang babaeng ito. Sa bawat pagkakataon na makikita ko siya ay nagliliwanag ang pagkatao niya.

"Bakit?"

"Gaga ka! Anong bakit? Ilang buwan na ba tayong hindi nagkikita? Kung hindi ko pa tanungin si Zolen ay hindi ko pa malalaman kung nasaan kang babae ka." She scolded.

"Ano namang ang mapapala ko kung sasabihin ko sa 'yo kung nasaan ako. Pupuntahan mo ba ako?"

"Just say it and I'll be there." Inilapit niya ang mukha niya at saka ako pinakatitigan. "Alam mo, forget it. State where you are right now and I'll get a flight as soon as I can and a little update to your girlfriend won't hurt, you know?"

Natawa ako sa pagmamadali niya. Ilang sandali lang ay nasa closet na siya. Ibinaba niya na lang basta ng cellphone sa kung saang bahagi ng kwarto niya.

"Ano Waigey? Hindi mo ba sasabihin. I need to know where it was para makapaghanda ako ng damit." Dinig kong sabi niya kahit na hindi ko siya nakikita sa screen ay alam kong naiirita na siya dahil hindi man lang ako nagsasalita. Padagkos niyang kinuha ang cellphone, masama siyang tumingin sa akin. Napatawa na lang ulit ako.

"I'm in Tokyo."

"All right. Text me where you are staying. Aayusin ko lang ang mga gamit ko."

Hindi na ako nakapagpaalam dahil pinatay na niya kaagad ang tawag. Bumalik na lang ulit ako sa hotel para hintayin siya kahit na alam kong magtatagal pa bago siya dumating. Sabay na lang kaming lumibot para may kasama ako.

Tulog ako nang dumating siya. Agad kong narinig ang sunod sunod niyang tanong nang makita niya ako. Hinayaan ko lang siya, wala naman akong magagawa para patigilin siya.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now