Chapter 2

1.1K 30 13
                                    

Cinderella

Para akong si Cinderella sa bahay. Linis dito, linis doon. Hindi ko tinigilan ang bahay hangga't hindi ito kumikintab sa linis. Wala naman kasi akong maaasahan sa kasama ko sa bahay. Kanina ay kinaldabog pa niya ang kwarto ko para ipag luto ko siya ng almusal. Ngayon ay wala siya sa bahay kaya payapa akong nakakapaglinis.

Pagtingin ko sa orasan ay lagpas tanghalian na. Hindi na naman ako nakakain. Ipinag kibit ko na lang ng balikat ang hindi pagkain at naligo na.

Nang mayari ako sa pagligo ay tumunog ang cellphone ko para sa isang text.

Xywon:

Hey, Cinderella! Are you busy? Punta ka sa condo.

Ps. bring extra shirts. As in madaming s.

Nangunot ang noo ko sa natanggap na mensahe. Ano naman ang gagawin ko sa condo niya? At mag dala ng damit? Baka naman paglilinisin na naman niya ako sa condo niya, no thanks.

Last time na nag punta ako doon ay pinaglinis niya ako at kinabukasan ay may malaking pera na pumasok sa account ko. Hindi ko siya no'n tinigilan hangga't hindi ko naibabalik sa kaniya ang pera. Porque't mayaman ay walang pakialam kahit hindi ko siya tinigilan. Nagawa pa nga niyang mangibangbansa para lang hindi makapagpakita sa akin ng ilang buwan hangga't sa nabawasan ko na ang pera at hindi ko na naibalik pa sa kaniya.

Nang hindi ako magreply ay nagvibrate ang cellphone ko para sa panibagong mensahe mula sa kaniya.

Hindi lang isang mensahe ang natanggap ko sa kaniya. Nagsunod-sunod pa ang pagv-vibrate ng cellphone ko dahil sa mensahe niya.

Xywon:

Hindi na ako mag papalinis ng condo, promise. Mamatay man si Zolen ngayon din. Punta ka na and don't forget to bring clothes.

Ayaw mo talaga mag punta? I'll send a pic of my condo. Malinis talaga, promise.

You know that I'm not breaking a promise, right?

Xywon sent a photo.

Malinis nga ang condo ni Xywon base sa isinend niyang picture pero wala pa rin akong balak na pumunta. Gustuhin ko mang umalis ay madami pa akong kailangang gawin.

To Xywon:

I can't. I'm really sorry, Xywon. Babawi ako next time.

Xywon:

I know you're going to say that. I really need you right now.

Please!

I'm hurt, Waige.

I can't take it anymore.

Please, Waige.

Just this one.

What the hell happened to him?

Kaka-send niya lang ng picture ng condo niya kanina, paano siya na hurt? Is he playing with me? Paano kung totoong nasaktan nga siya? Malala kaya ang kalagayan niya?

Hindi na ako nagdalawang isip at kumuha na ako ng mga damit. Nagmamadali akong bumaba para maka-alis kaagad. Baka napaano na yung lalaking 'yun.

"Ano, makikipag tanan ka na ba? Mabuti nga yan at solo ko na ang bahay. Umalis ka na at wag ka ng babalik," Windy said.

Pinili ko na lang na ignorahin siya at nagdiretso na palabas pero bahagya akong natigil dahil sa sinabi niya.

"Madaling madali ka talaga. Hindi ka na ba makatiis? Kating-kati ka na ba?"

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن