Chapter 51

334 8 3
                                    

Reasons

Pagkagising ko pag-aaayos kaagad ng gamit ang inatupag ko. Nakakuha na kami ng flight kahapon. We will be leaving at one in the afternoon. Hindi pa ako nagpapa-alam kay Kuya pero alam kong papayag naman siya. Hindi naman ako magtatagal at saka siya rin ang nagsabi sa akin noon na susuportahan niya kung ano man ang gusto kong gawin. 

Now that I want to leave I want his full cooperation. Kahit hindi siya pumayag ay hindi niya ako mapipigilan. My decision was final, no one can break it. Lalo na siya. He was the reason why I'll go. At asa naman akong pipigilan niya ako. I was just a foolish woman who believes in his words. Akala ko ako ang may kontrol sa aming dalawa pero sa huli ako pala yung maloloko. 

My phone was turned off. I asked Yno to contact me through our house telephone. Ayos na ang mga gamit ko nang maligo ako. Pagbaba ko nakita ko si Kuya na naka-upo sa high chair. Hindi siya nakagayak para sa pagpasok sa opisina. Napapadalas yata ang pagliban niya sa trabaho. 

"What's with the luggage?" 

"I'll go to Canada," simpleng sagot ko bago kumuha ng bread. 

"Do you think it is good to run away?"

It's not but... it is for my own development. 

"When are you going? I'll give you a ride." Saad niya matapos ang mahabang katahimikan. He knew that there is no use if he goes against me. 

"Hindi na. Sasabay na lang ako kila Yno." 

"Hayaan mo na ako kahit na paghatid lang. I won't be able to see you for a while." 

"Huwag na Kuya."

Ilang sandali siyang natahimik bago tumango. Si Zolen ang sumundo sa akin sa bahay. Sabi niya nauna na raw si Yno dahil may dinaanan pa ito. 

"Mag-ingat ka." Iyon ang huling sinabi ni Kuya bago ako pakawalan paalis. He kissed my forehead before I get inside Zolen's car. 

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo?" Zolen asked as he looked at the luggage in the backseat. 

"Oo. Ayos lang ba kung sasama kayo? I know you two are busy." 

"Ano ka ba? We were not busy at kung busy man kami handa kaming iwan ang trabaho namin para samahan ka. Ang lakas mo kaya sa 'min." he chuckled. Tinapik tapik niya ang kaniyang kamay sa manibela habang sumasabay sa tugtog ng kotse. 

His hummed filled the car. Minsan sumasabay siya sa pagkanta. Naalala ko tuloy yung mga panahon na sabay sabay kaming kumakanta tuwing nasa kotse kaming apat. Zolen had a good voice, I envied him for that. Kaso nga lang hindi niya naman masyadong ginagamit dahil mas focus siya sa kautuan. 

"Kung isama kaya natin si Jem. Sa tingin mo anong magiging reaksyon ni Xywon?" lokong tanong ni Zolen. Kahit ano talaga ang mangyari hindi mawawala sa kaniya ang ka-utuan, parang anino niya na iyon. Hindi na sila mapaghihiwalay.

"Gagi ka talaga. Wala ka talagang naiisip na matino." 

"Easy ka lang!" 

Nakatulog ako nang makasakay na kami sa eroplano. Ginising na lang nila ako nang makalapag na kami. I was excited to see Xywon. Pinilit ko na lang ipasok sa kokote ko na narito ako para kay Xywon hindi para sa kung ano mang bagay na nangyayari sa buhay ko. I'll treat this as my vacation and I won't let myself think about him... about them.

Sinundo kami ni Xywon sa airport. I hugged him as soon as I saw him. He looks fresh. Nakaclean cut ang kaniyang buhok habang nakasuot naman siya ng puting dress shirt at slacks. Doctor na doctor na si Xywon ah. 

"Dude!" nagfist bump ang tatlo habang ako naman ay nanonood lang sa kanila. 

Kumpleto na kami!

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu