Chapter 32

565 12 1
                                    

His passion

Ipinakita ko kay Tryne ang location na itinext sa akin ni Xywon. Kagabi ko pa kinukulit ang tatlo sa group chat namin para itanong kung saan ang punta namin. They said that it was a surprise pero pinilit ko sila at sinabing hindi ako sasama kung hindi nila sasabihin sa akin ang location.

"Do you know where it was?" Tanong ko kay Tryne. Kahit na ibinigay nila ang location ay hindi ko pa rin alam kung saan ang eksaktong lugar. Masyado yata akong ignorante pagdating sa mga loca-location.

"Yes. I will give you a ride later," sabi niyang may ngiti sa labi.

Mamaya na ang alis namin. Hindi ko alam kung overnight ba kami dahil ayaw naman nilang sabihin, mga impaktong 'yon! The only information that I got is where we're going.

"No, no, no." Umiling-iling ako. Hindi na niya ako kailangang ihatid dahil may meeting siya mamaya. Ayoko naman ng maka-abala dahil pwede naman na akong sunduin nung tatlo. "Gumayak ka na. Baka ma-late ka pa."

Inihatid ko siya hanggan sa labas. Kanina pa vibrate nang vibrate ang phone niya, malayo pa man sa tinakdang oras ay hinahanap na siya ng Mama niya.

"Just text me if you are already there, alright?" I nodded. I gave him a kiss on the cheek. I waved my hand to bid my goodbye to him. Uuwi pa siya sa condo niya para maligo at magpalit ng damit.

I was still in the hallway when I heard my phone ring, I saw Xywon's name on the caller ID. I swipe the accept button to answer his call.

"Yow!" bungad niya sa akin.

"Hey."

"We're on the way."

"What?" Hindi pa ako nakabihis. Kakaalis lang ni Tryne at hindi naman nila sinabi kung anong oras kami aalis, location lang ang sinabi nila sa'kin! Hindi naman siguro sila excited para madaliin ako sa pagbibihis mamaya, 'di ba?

Narinig ko ang pagbubukas ng elevator kasabay ng paglapat ko ng card key sa pinto ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang tatlo papalapit sa akin. Sabi ni Xywon on the way pa lang sila pero bakit nandito na kaagad sila?

"Bakit ang aga niyo?" Tanong ko habang binubuksan ang pinto ng unit para makapasok na kaming lahat.

"We plan to surprise you..." makahulugang ani Zolen. Surprise? Ano naman ang nakaka-surprise sa pagpunta nila dito? "To catch you to be exact," sabi niya. Tumaas taas ang kilay niya, hindi ko siya maintindihan.

Ano ba ang gusto niyang palabasin?

"Inagahan na namin, malay mo makakita kami ng live na make out."

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung ano ang pinapalabas niya. Anong akala niya palagi kaming nagme-make out?

I hit Zolen on his arm as hard as I could. Sana magkapasa siya!

"Asshole!" sabi ni Xywon. Si Yno naman ay nakangisi lang sa amin. Is he on a good mood? Hindi yata lumilipad ang kaniyang utak ngayon.

"Magbibihis lang ako. Papatayin ko na si Zolen pagbalik ko."

Iniangat ko ang kamao ko at itinutok iyon kay Zolen. Habang tumatagal naiinis ako sa mga lumalabas sa bibig niya. I should be immune by him and his silly mind by now, pero iba yata ang plano ng nasa taas para sa akin. Mas gusto yata nilang mapatay si Zolen sa kamay ko.

Hindi naman formal ang suot nila kaya kumuha na lang ako ng highwaist jeans 'saka crop top. Hindi ko alam kung ano ang tamang damit para sa pupuntahan namin kaya naka-casual lang ako. Ayoko ng maulit 'yung time na nagpunta kami ng beach, nakapantalon ba naman ako no'n.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now