Chapter 14

470 11 0
                                    

Chase

"Hindi ba sapat ang pinapadala kong pera?" mataas ang tono ng pananalita ni Lola, halatang galit siya.

Hindi ako nakasagot kaagad. Nanatili akong nakayuko. Hindi alam ni Lola na na kay Windy ang pera. Ayokong magreklamo. Malaki na nga ang pasasalamat ko dahil kahit papano ay tinutulungan pa rin nya kami.

Nasa salas kami sa bahay. Ang tatlo ay tahimik lang na naka-upo sa couch. They didn't say anything, they can't. It's a problem between me and Lola, they can't butt in.

"Apo, alam kong hindi tayo mayaman pero kaya ko naman. Hindi mo na kailangan kumayod para sa pag aaral mo. May pera na nakalaan para do'n." Nawala ang mataas na boses ni Lola nang sabihin nya iyon.

"Lola, hindi naman po kailangan na pati 'yon ay bayadan niyo pa. May sarili po kayong pangangailangan," sabi ko habang nananatiling nakayuko. "Use those money to buy your needs. Kaya na po namin ni Windy."

"Apo. Hangga't kaya ko, magbibigay ako. Masyado ka pang bata para magbanat ng buto." Lumapit sa akin si Lola at marahan akong hinawakan sa braso.

"And your sister said that she had a card that can satisfy your needs, pero bakit ka nagt-trabaho?" She asked, looking so worried.

"La, nagsasabi po ako pag hindi ko na kaya. I am happy that you are helping us but we were on age na po. Windy can work and I can work too," I said. It's a shame to ask Lola for money. Oo Lola namin siya but that doesn't give any mean that she'll need to give us her money.

"Alam kong hindi ka magsasabi sa akin Autumn Waige. Kilala kita." Madiin ang pagkakabigkas nito sa salita. Right, I don't have any plan to tell her because I don't want to worry her.

"Lola. Hindi na po talaga kailangan. Kaya ko naman po."

"Waige, apo ko. Hayaan mo ako, hayaan mo akong punan ang kakulangan ng magulang mo. Hindi mo alam kung nasaan sila. Hindi naman pwedeng hayaan na lang kita na naghihirap sa pagkayod para sa pangangailangan mo."

I gulped. I don't know what I am going to say.

I remember all the hard works that I made just to fulfill the gap in my heart. I remember how hard I am thinking about where they are every single moment. But even how hard I tried, walang nangyayari. I longed for them. I longed for their hugs, their love.

Nasaan ba kasi kayo? 

My tears fell. Hanggan ngayon umaasa pa rin ako na babalik sila sa akin kahit na wala namang kasiguraduhan.

"Apo. Why are you crying? I just want you to enjoy life. Hindi na tayo bumabata. Kung gugugulin mo ang oras mo sa trabaho ay paano ka pa magsasaya?"

"Apo. I just want the best for you. I want you to live without any burden."

"Lola, kaya ko po talaga. Tignan niyo po ako, nakaya kong wala sila mama. Nakaya kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko man po alam kung nasaan sila pero sila po ang inspirasyon ko kahit ang mga ala-ala na lang nila ang pinanghahawakan ko."

Umiling iling si Lola, parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya kaya.

"Apo, umaasa ka pa ba na makikita mo ang mga magulang mo?" she asked. Nakaramdam ako ng panghihina. She's asking that because she knew something. She won't ask if she doesn't.

Hindi ko alam kung gusto ko pa silang makita. May parte sa akin na gustong sabihing oo at may parte sa akin na gustong sabihing hindi.

Oo dahil gusto ko sabihin sa mga magulang ko na kinaya ko ng wala sila, gusto kong ipamukha sa kanila na kayang kaya ko kahit wala sila. Pagkatapos kong ipagmalaki iyon ay aasa akong lalapit sila sakin at hihingi ng kapatawaran dahil sa pang-iiwan nila.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن