Chapter 33

117 4 0
                                    

Spy


Being in college was not easy. Hindi ako nagsisi sa mga pinasok ko pero parang gusto ko na lang tumigil ang oras. Parang gusto ko na lang manatili sa panahon na 'to. Oo, gusto kong umusad para malaman ang katotohanan pero may parte sa akin na natatakot sa mga malalaman ko.

"Saan mo gustong magtrabaho pag grumaduate na tayo?"

"Bakit mo natanong 'yan?" sabi ko kay Tryne na tahimik na kumakain ng nachos na in-order namin kanina.

"Just that. I think you will be successful."

Ibinaba ko ang nachos na kinakain at saka matamang tumingin sa kaniya.

"Promise me, you will be there when I achieve everything."

Ngumisi siya at lumapit sa akin.

"I will. Saan sa tingin mo ako pupunta?" sabi niya habang tumatawa ng marahan.

"Ikaw? Are you planning to have your own studio?"

Lumaki ang ngisi niya at saka ginulo ang buhok ko.

"Do you think it will be successful?"

"Of course. Ikaw pa."

"You spoil me so much. Nasasanay na ako." pinisil niya ang pisngi ko. Tinampal ko ang kamay niya.

"I'll spoil you as much as you want. 'Wag ka nga lang magpapabili ng mamahaling bagay, wala pa akong pera."

"You don't need to spoil me on that aspect, I will provide on that. Spoil me with your kisses instead."

He grinned at me.

I look at him in disbelief. We just shared a kiss a moment ago. I rolled my eyes on him when he started kissing my cheeks.

Nakatayo ako ngayon sa lugar kung saan madaming yate. Bigla na lang kasi akong iniwan ni Tryne dito, hindi ko alam kung saan siya pumunta. Katabi ko lang kanina 'yun, hindi ko alam kung naging hangin ba siya o ano kaya mabilis nawala sa paningin ko.

Kasalukuyan akong naglalakad sa wooden path, hindi ko alam kung gaano kalalim ang tubig sa ilalim nito. The wind blew my hair. Mabuti na lang at hindi ako naka-dress. Kung nagdress siguro ako ay hindi lang ang nawawalang si Tryne ang pro-problemahin baka pati na ang nililipad kong saya ay iisipin ko pa.

Nasa parteng dulo na yata ako dahil wala na akong masyadong makitang yacht. Mas malakas nga lang ang hangin dito. Dinama ko ang lamig ng hangin sa aking balat, imbes na ma-stress kay Tryne ay magrerelax na lang ako. Bahala siya kung saan man siya nagpunta.

I spread my arms widely. I almost fell to the water because someone suddenly held my waist.

"Relax," he whispered right in my ears. His breathing tickles me but I like it. I like it whenever I feel his warm breath on my skin.

"Saan ka galing?"

"D'yan lang," sabi niya. Kahit yata hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakangisi siya.

He slowly moves his arms to hug me from behind. Isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso niya. Kahit palagi kong nadadama ang tibok ng puso niya ay para pa ring bago ang bilis ng bilis nito, parang hindi ako nagsasawa.

He gave a peck on my nape. I felt the cold feeling of metal on my neck. His hands were gliding on my nape softly which gave me chills.

Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na ikinakabit niya sa leeg ko. I let my hands caress it.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now