Chapter 34

555 7 4
                                    

Windy

I never know that I will feel happy for them after all those things that Windy has done to me. I am not certain if she was really pregnant but if it is the case, I will personally congratulate them with all my heart.

Hindi ko na sila mas sinundan kanina. Natatakot ako na nahuli nila. I stop to save my face from all the possibilities.

I can ask my friends for information, they can help me. I just want to know if Windy's bearing a child and after that, I won't do anything that may make her angry at me.

I called them earlier and they are on their way now. I told them that I know the truth about Windy but in truth, I don't. Nakapagtataka nga ang pagkataranta nila sa kabilang linya.

Hindi na rin naman nagtagal ang pagdating nila. Minuto lang ang pagitan ng pagdating nilang tatlo.

"Wanna drink something?" I asked them. Pantanggal guilty man lang.

"Water will do," Yno said.

"Kayo, ano'ng gusto niyo?" tanong ko sa dalawa. They look exhausted. Kung noon si Yno ang nililipad ang utak ngayon sila namang dalawa. Problema nila?

"Liquors," sabay nilang sabi.

Nangunot ang noo ko. "Wala akong liquor dito."

"Don't mind them, Waige. Just give them water."

Tumango ako saka tumayo para kumuha ng isang pichel ng malamig na tubig, inilagay ko iyon sa mini table sa sala kasama ang mga baso. Pinagmasdan ko si Yno na magsalin ng tubig. Palaisipan pa rin sa akin ang nangyari sa kaniya noong nasa party niya kami. Hindi pa siya nagsasabi sa'kin simula nun, ilang araw na rin 'yon.

"So... you know about it already, huh," pag umpisa ni Yno.

"Yes," masigla kong sagot. I'm not really sure if she was pregnant but I'm excited.

"Are you happy or is it just your usual self?" Zolen asked me. He looks so confused.

"I'm happy. Who wouldn't?"

"Why?" Xywon asked. He's also confused like Zolen and Yno.

"Well, I am not really sure about what happened but—" naputol ang pagsasalita ko nang nagsalita si Zolen.

Zolen's always easy going and seeing him like this, it's just making me gulped. He has this serious aura that's hugging his whole body.

"Alam namin kung ano ang nangyari sa inyo ni Windy, Waige. Pero hindi naman yata tama na maging masaya ka dahil nagkakaganon na 'yung tao," Zolen said, raising his voice a bit.

I don't have any idea what he was talking about, it was making me confused. May batas na ba na hindi pwedeng maging masaya para sa kapatid mo.

I'm even prepared to lower my pride for her.

"What did you say?!" I asked in disbelief.

Sila nga dapat ang nakakaintindi sa akin ngayon dahil all this time alam nila kung ano ang trato sa akin ni Windy. "Hindi ba ako pwedeng maging masaya para sa kanya? I'm just happy, masama ba yun?" I asked, my voice raised a bit too.

"Zolen's right, Waige," Xywon said and sigh.

Mas nagulo pa ang utak ko sa sinabi ni Xywon. Kinakampihan pa niya si Zolen, samantalang si Zolen ang biglang sumasabog d'yan. Hindi naman ako magtataas ng boses kung hindi siya nauna. I just want them to help me.

"Stop it! We can talk without raising our voices. Calm yourselves," Yno said while holding my shoulder.

Walang patutunguan ang usapang ito kung hindi kami kakalma.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now