Chapter 4

824 21 0
                                    

Beat

"What's your order, sir?" I asked the customers in front of me.

Balik trabaho na naman ako pagkatapos ng gala naming apat. Hindi naman kami nagtagal doon sa resort. Ilang oras lang ang aming tinagal doon at bumalik na rin kami kila Xywon. They asked me to go with them. Akala may pupuntahan pa kami. Gusto lang daw nilang mag mall.

They framed me. Akala ko lilibot lang kami sa mall pero hinitak nila ako sa isang boutique. Our Fashion. Iyon ang nakalagay sa labas. They bought at least twenty pairs of clothes. Sabi nila, it's a gift for their girlfriends but I was framed. Nang ihatid na nila ako sa bahay ay bigla na lang nilang iniwan ang mga paper bags.

Pagkatapos kong kunin ang order ng isang customer ay nilapitan ko si Zolen. There is a girl on his side. She looks like a clown because of her thick make-up. Ang iba ay maganda naman kapag nakamake-up. Bakit iba yata ang isang 'to? Mas makapal pa yata sa semento ang kaniyang foundation.

Zolen eyes were all on me. Ang babae sa kaniyang harap ay nakatitig lang sa kaniya. Hinitak lang siguro ni Zolen itong babaeng 'to sa kung saan. He usually prefers those who have soft features.

I need to ask them about those clothes last night. Malilintikan na silang lahat sa akin. How dare they do that to me?

"What's your order?" I sarcastically asked him with what-are-you-doing-here-look. He just looks at the woman and answered me with I-have-a-date-look.

I made a face—hindi naniniwala sa sinabi niya. I am more than sure that he is not serious with that woman. He was always like that. He's always jumping from one girl to another. He's never serious. He's just fooling around.

Akala ko pa naman nakumbinsi ko na sila kahapon na 'wag ng magpunta dito sa trabaho ko, pero ngayon eto naman siya at nag dala pang props.

The next day si Xywon naman ang nakita ko. They rented the whole place. May kasama siyang isang battalion. I glared at him, waiting for his explanation but he just shrugged at me.

The next-next day I saw Yno. He wasn't with anyone. Tahimik lang siyang nakaupo sa isang gilid. May hawak siyang libro. Nakayuko siya habang seryosong nagbabasa.

Talaga nga naman oo. Bakit ba naniwala ako sa kanila na hindi nila na sila pupunta dito? I should have threatened them.

Lumapit ako kay Yno habang nanlilisik ang mga mata. When he saw me approaching, he calmly placed his books on the top of the table.

"What are you doing here? Akala ko ba malinaw na sa inyo na hindi niyo na 'ko bibisitahin sa trabaho?"

"Hindi naman kita binibisita," sabi niya habang nakasandal sa upuan. His arms were crossed.

"E, bakit ka nandito?"

"Hindi lang ikaw ang pwede kong puntahan dito, Waige. Gusto ko lang ng kape," he said nonchalantly.

"You can fool everyone but not me. We were friends for years. Alam kong hindi ka naman nagkakape."

"Then why are you only nagging at me? Xywon was also here yesterday."

So, he knew. They probably took schedules to fool around here. This place wasn't a playground.

"Okay, okay. Just this one. I'll let this pass, but go home after you had a drink, all right?" I said as I inhale sharply. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung narito na siya? He's a customer, I can't just shoo him away.

Nilapitan ko ang isang customer na may pamilyar na mukha. He was a regular customer. Hindi dadaan ang isang araw na hindi siya tatambay rito. Ang dami niyang oras sa buhay. Well, ganyan naman silang mayayaman. They have the money so they don't need to work. Nakahain na sa kanilang hapag ang mga kailangan nila.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Where stories live. Discover now