"Nica?"

Napatalon pa ako nang magsalita siya.

"Opo," ani ko.

Ate Kat laughs at my answer. "'Wag mo na 'kong i-po. Para namang matandang matanda na 'ko n'yan." She walks at my place. "Karl told me about you." Napalunok ako at titig na titig sa itim niyang mata.

Ano naman kayang sinabi ng unggoy na 'yon sa akin? Alam ko namang sisirain niya ako sa harap ng ate niya? 'Di ba? Bibiruin at lalapastanganin ang pagkatao ko! Bwisit! Nagngingingit na agad ako sa inis sa naiisip ko.

"Alam ko kung saan 'yong lugar." My eyes lit up. Oh. My. Gosh.

"Ate!" Napahawak ako sa kanyang balikat.

Ate Kat laughs at me, again. "Sa Sta. Maria. Sinabi ko na 'to kay Karl, hindi mo ba siya nakasalubong kanina? Alam ko hinahanap ka niya, e?" aniya.

Oh. My. Gosh.

Hindi ko nga pinansin si Karl kanina dahil ayokong makipag-usap pagkatapos noong sa nangyari sa amin ng kapatid niya. Pero binalewala ko lang siya.

"Salamat, ate." Inalis ko ang kamay ko sa kanya. I slight bow my head. "Salamat talaga." Napayakap pa ako at kinalas agad iyon.

"You're welcome."

"Alis na po 'ko." I bow my head again. Ngumiti naman siya sa akin. Tumalikod na ako at binuksan ang pinto pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay may narinig akong sinabi ni ate Kat.

"Nica, I think, you've just started a war."

**

"Saglit lang ba 'yon?" ani ko habang titig na titig kay Karl.  Ngunit ni isang tingin at mahabang usapan, pinagkakait niya sa akin. Noong umalis ako sa kwarto ng ate niya ay nakita ko siyang inaayos ang kotse sa labas. Mabilis ko siyang nilapitan at pinakiusapan na umalis kami para pumunta sa Sta. Maria. Sinabi naman niya sa akin na kinuwento niya sa ate niya itong paghahanap ko kay Aly pero ni isang kulit o pang-iinis wala akong natanggap sa kanya. Tahimik lang tuloy kaming bumbyahe at sobrang boring na gusto ko na lang pukpukin ng martilyo si Karl sa ulo.

"Half an hour," walang kalatoy-latoy niyang sabi.

Argh.

I gave up. Bahala siya kung ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na makipag-usap ng maayos sa kanya. I mean-ayoko lang ng boring na byahe.

I fished out my phone from my pocket. Agad ko nilagay sa gallery at tinitigan ang photo. Masayang nakataas ang kamay ni bes sa larawan. Sa gilid niyang may malaki at matandang puno ng mangga. Well, what's with mango tree, bes, e? Favorite mo ba talaga 'yon? Sa isang gilid naman niya nandon iyong hindi gaanong malaking bahay, siguro sa lola't lolo niya? Hindi naman kasi madalas makwento ni Aly 'tong probinsya nila? Mayroon din siyang kuha sa kalabaw at baka na tila tinuturo niya iyon. Katabi nito iyong palayan. Napapikit ako para itatak ang imahe sa aking isipan. This should be the town. This should be. Dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nang huminto ang sasakyan ay napabukas ako ng mata. Siya namang baba ni Karl sa kotse na hindi man lang akong sinasabihan. I roll my eyes. Bumaba na rin akong kotse at bumungad sa aking ang malakas na hangin na pumalibot sa akin. Nakakapuwing din dahil bigla na lang napapikit ang aking mata.

"Ito na," Karl said.

I opened my eyes slowly. Sobrang nanlaki ang mata ko sa nakikita ko dahil itong ito talaga 'yong nasa picture ni bes. Itong-ito talaga ngunit may kaunti lang na pagbabago dahil iyong nag-iisang bahay ay may kasama ng isa pang bahay na katabi nito. Pero wala ng baka't kalabaw dahil iyong bahagi ng palayan ay sementado na. Iyong puno na lang at 'yong bahay 'yong pagkakakilanlan.

Naglakad na ako papunta sa bahay. Kumakabog na aking dibdib sa kaba.

Bes, please be here. Bes, please.

Ilang beses kong sinabi sa aking sarili ang katagang ito. Sana. Sana nandito siya at hindi na ako mag-alala ng sobra. Na malaman ko lang na maayos siya, titigil na ako sa pag-alala.

"Nica, stop." Napalingon ako kay Karl. "Aly is not here." Napatikom siya ng kanyang bibig nang makita niya kumunot ang aking noo.

"What? Paano? E hindi pa nga tayo nagtatanong! 'Di ba? 'Di ba? Hindi pa nga tayo pumapasok sa loob e!" Humangin ng malakas at naramdaman kong tutulo na aking luha dahil alam ko-alam ko na hindi nagbibiro si Karl. Pero naniniwala pa rin ako sa imposibleng posibiladad na nandito ang best friend ko.

"I went here. Nang malaman ko kay Ate 'tong lugar, pumunta na 'ko. Nagtanong na 'ko pero wala. Tinanong ko kung may nakita ba silang babae rito. Pinakita ko 'yong picture ni Aly pero wala. Nothing, Nica. Aly is not here. Hindi siya pumunta rito." Karl walks. Huminto siya pwesto ko at nilagay ang kamay sa aking balikat.

"Ba't hindi mo sinabi!" Tinulak ko siya.

"Kasi hindi ka naman maniniwala sa akin hangga't hindi mo nakikita." Napatikom ako ng aking bibig. Nakakainis. I hate him because he's right! I hate him! Nakakainis! Sana sinabi niya! Pero nakakainis!

Wala na. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Halos lahat napuntahan ko na. Lahat ng alam kong pwedeng puntahan niya. Tapos na ba ang byaheng 'to? Tapos na ba?

"Wala na!" I shouted at him-no-to no one. "Dalawang linggo ba akong nandito? O tatlo? O isa? Pero walang nangyari. Hindi ko alam kung nasaan siya! Walang nangyari byahe na 'to!" Naramdaman ko ang aking luha na bumagsak. Napakagat ako ng labi para mapigilan ang aking hikbi. Kung ano-ano na rin ang nasasabi ko sa lungkot, inis, at takot na nararamdaman ko.

Paano kung hindi naman siya okay?

Paano kung may nangyari sa kanya? Kay bes?

Paano na?

"Ba't ako iba natagpuan ko sa byaheng 'to, Nica?" Napatingin ako ng mabilis kay Karl.

"Wala akong pakelam kung anong natagpuan mo rito, Karl! Walang binunga 'tong ginawa ko!" My face goes red with rage. I felt all my muscles tensed at my actions and words. Hindi ko na alam kung sobrang harsh na ba ng sinasabi ko? O harsh na talaga akong magsalita. "Wala, Karl!"

Karl stares at me, jailing me and making me weak. Hinawakan niya ang aking baba. I was about to jerk his soft touch on my chin pero hindi ko nagawa sa kalaliman ng tingin iyon. I saw his lips are trembling. Pero tinikom niya iyon at napapikit din siya. "Meron ka dapat pakelam, Nica. You should care because I've fallen in love with you." Humugot siya ng hininga. At hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "I heard what Keziah said, Nica. I told him about you that I like you...that I want you! Pero anong ginawa niya? O, goddammit, Nica! Bakit hindi mo ba pansin!" Karl steps backward ngunit hindi niya ako inaalisan ng tingin. "I am hopelessly in love with you, Veronica. And may the best de Vera win."

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now