Chapter 9

13.8K 278 10
                                    

Chapter 9

Confusion

Tahimik kaming bumyahe ni Karl. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya hindi na rin ako. Well, hindi naman ako nadadala sa mga banat ni Karl. Alam ko namang inaasar niya lang ako dahil madali akong mapikon kapag sa kanya. Talagang malandi lang siya.

Kinuha ko na lang ang phone ko at tinignan iyong pictures na nakasave doon na kinuha ko sa facebook ni bes. Nakakita ako ng mga bayan o baranggay katulad ng Binan, Lolomboy, tapos iyong Marilao na. Pero wala namang kapares iyong nasa picture na kubo tapos may palayan. Wala nakapares hanggang sa nakating na kami sa mall. O baka hindi ko lang talaga nakita talaga iyong bawat bayan o barangay ng maigi?

Karl parked the car. Halos sabay kaming bumaba ng kotse. Tinignan niya lang ako sandali at naglakad na papasok sa mall. Nakasunod lamang ako sa kanyang hanggang sa maghiwalay kami dahil kakapkapan kami ng security guard.

"Karl." Napakagat ako ng labi. At napatingin sa paligid. Bumungad sa akin ang archade na parte ng mall sa kanan habang sa kaliwa ay bilihan ng gamit na may kinalaman sa sports? Dahil may bola, tapos, running shoes, then dumbbells? Basta!

Hindi lumingon si Karl kaya napatakbo ako para masabayan siya. "Karl." Our shoulder brushed and it sends me chills to my spine. O, damn it. Napalunok ako nang tumingin na siya sa akin.

His brow arched while looking at me. "O, yes, Veronica?"

I scowled. I roll my eyes and speak, "Mamaya pwedeng libutin natin 'yung mga dinaanan natin?" I asked and looked away. Kumaliwa kami at napapunta kami sa hilera ng fast food. Walang ganong tao sa mall dahil week day.

I heard him sighed so I look at him. Nakasimpleng t-shirt lang at pants si Karl. Simpleng-simple at parang mong hindi Manager ng isang department sa Autohub. "'Yon naman pinunta mo rito di ba? You asked for my help and nothing more," seryoso niyang sabi at napatingin ng diretso. There is something on his words, though. "Of course, pupuntahan natin 'yun." Patuloy na naglakad si Karl at sinundan ko na lang siya.

Nagkibit balikat na lang ako. Pero napapairap ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi ako sanay. Mas gusto ko pang nag-aaway kami kaysa ganito. Kaya ako na ang nagsalita. "Mga pinsan mo ba 'yong mga nakalaro mo noong umaga? Iyong dalawa don?"

"Oo."

I scowled, silently. Sumagot pa 'tong si Karl ng isang salita, sasapakin ko na talaga.

"Magkapatid sila?" tanong ko ulit.

Pumasok kaming hypermarket. Nakalagay sa bulsa ni Karl ang kamay niya. "Oo." Putek. I glared at Karl. Pero hindi siya tumitingin. Isa pa. Isa pang ganon ang sagot niya, masasapak ko na siya talaga.

Kumuha si Karl ng cart. Kinuha niya sa bulsa iyong listahan ng bibilhin niya. At nag-umpisa na siyang tumingin-tingin. Nang makarating kami sa de lata, kumuha siya agad ng tatlong tuna in canned at nilagay sa cart.

"A ganon ba. Siguro close kayong lahat ng mga pinsan mo. Pati si Kez, yung kapatid mo. Halatang close na close kayo no?" Subukan lang niyang sumagot ng oo, walang biro tatadyakan o sasapakin ko siya.

"O—" Poporma pa lang ang bibig niya sa pagsalita ng oo ay sinuntok ko na ang braso niya. Karl groaned at pain.

"Bakit pa 'oo' ka na lang ng 'oo'?" Napataas ako ng boses. "Gumagawa na nga ako ng pag-uusapan a!"

"Sumasagot naman ako a." aniya. Napahinto siya sa pagtutulak ng cart at biglang tumingin sa akin. His mouth twitched. His jaw is tensed like hell. And his smile grows wider. "Now, you want me." My eyes went wide.

"Ha?"

"You want me. You want my attention now, Nica. You want me, desperately and eagerly."

"Baliw ka na ba?" Tinignan ko siya ng masama. Napayukom na ako ng kamay at handa na itong dumapo sa mukha niya. Baliw na siguro 'tong lalaking 'to? Bakit kaya naging best friend to ni Gideon? Ano kayang nangyari? Nabanog ba 'to nung bata siya?

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon