Chapter 29

11.2K 260 15
                                    

Chapter 29

Ikaw kasi

Halos mapatakbo ako makarating lang sa pwesto ni Karl. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila palabas ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong sara ang ginawa ko sa pintuan namin. Naghihimutok ang aking inis at hindi ko malaman kung paano uumpisahan ang kilos ko.

I breathe. Pero hindi ako mapakalma.

“Anong sinasabi mo?” mataas ang aking kilay.

Nakakawala ng hangin ang distansya naming dalawa. Pinanggigilan ko pa rin ang kamay niyang hawak ko. I think my face went red with disgust.

“I’m gonna court you. Ayaw mo?” ngising-ngisi niyang sabi. Lumitaw ang kanyang dimples na nagpairita pa sa akin.

“Ano?”

“Liligawan kita.” Buong pagmamalaki niyang sinabi ang mga salitang iyon. Nalaglag ang aking panga at hindi na yata mababalik sa dati nitong katayuan.

Humihip ng malakas ang hangin. Wala na akong araw na nakikita. Napayakap ako sa sarili sa lamig na tumatagos sa buto ko. I’m not sure if it is because of the cold weather or to Karl’s presence.

“Bakit? Bakit ako?” I didn’t know why I ask this stupid question. Maybe because I need an answer…a closure or what? Putek! Ano ‘tong iniisip ko? Normal pa ba ‘to? E kasama nga niya ‘yong Lea! Tapos makaganito ako? Putek.

Napasuklay siya ng kanyang itim na buhok. Inayos niya ang kwelyo ng sky blue niyang polo na bukas ang dalawang butones. Napalunok at nagsalita, “Bakit Nica kapag ba nagmahal may pamantayan? Wala.” He shook his head.  “Kasi bumababa ‘yong pamantayang sinet mo sa sarili. At winawasak ka non hanggang sa patuloy ka ng mahulog at ‘di mo na madala ang sarili mo.” Buong puso niya akong tinitigan. His lips are partly open. Sinara niya iyon at napapikit. “At dinala ako nito sa’yo.”

My heart is beating fast. Wala pang nakakapagsabi sa akin nito. I used to have walls pero—pero bakit ganito? Alam ko dapat wala akong mararamdaman. My heart should not be beating this fast at his words or his actions or whatever it is.

“I’m sorry. I’m sorry. Pinigilan ko.” Napailing muli siya.

I don’t like this. Hindi ko gusto ‘tong pagkaseryoso niya. At wala pa rin akong masabi.

“I’m sorry. I’d dated girls again to stop. I’d called Lea to forget you. You damn rejected me. But it did not stop me. Nandito ako ngayon sa’yo. Lalo mo lang akong tinutulak papunta sa’yo. At wala ng balikan ‘to, Veronica.” Lumakad si Karl. Lalong nakakawala ng hangin ang distansya namin. Lalo na nung lumapit ang kanyang mukha sa aking tenga. “Sa akin din ang punta mo.”

**

Ala sais ng umaga nang magising ako. Kapag umaga dito sa amin, nakasanayan ko na tumingin sa dagat mula dito sa kwarto namin. Napatayo at naningkit ang aking mata nang makita si tatay sa laot na may kasamang ibang tao?

Nagmamadali akong lumabas ng aming bahay na hindi pa nagmumog o naghihilamos. Wala na akong pakelam gusto ko lang makasiguro kung sino ‘yong kasama ng tatay ko sa pangingisda. Anak ng pating! Malaman ko lang kung tama ang hinala ko babatuhin ko ‘to ng puting buhangin sa mata.

Papadaong na rin sila nang makalapit sa dalampasigan. Napayukom agad ako ng kamay ng tama ang hinala ko.

“OY!” sigaw ko.

“Good morning, my sunshine.” Ngiting-ngiti sabi ni Karl.

Napatawa naman si tatay.

“Anak, may muta ka pa sa kanang mata mo,” ani tatay ng makarating sa pwesto ko. May dala siyang isang tiba ng bangus at alam ko pupunta na siyang Grecia Public Market para ipagbili iyon.

“Tay!” tawag ko. At pasimple na kinapa ang gilid ng mata ko.

Wala naman!

Ngunit nang lumingon ako kay tatay ay malayo na siya. Biglang kumabog ang aking dibdib ng malamang dalawa na lang kami ni Karl. Fresh na fresh pa rin ‘yong sinabi niya sa akin kahapon. At nakakainis. Nakakainis. Nakakainis lahat. Humarap ako sa kanya. Hindi dapat ako ma-awkward.

“Good morning.”

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. I crossed my arms above my chest. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Karl is wearing one of my father’s long sleeve and pants. May sombrero rin siya at mukhang hiniram niya it okay tatay. Nakapaa lang siya at may hawak na timba na puno ng bangus at tilapia.

“Wow, ha. Lakas din ng tama mo,” saad ko.

Biglang lumawak ang ngiti ni Karl at tinaas pa ang timbang hawak niya. “Kailangan. Dagdag points din ‘to sa nanay at tatay mo,” aniya.

Magsasalita na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Penpen. “Ate! Kakain na! Tawagin mo rin daw si kuya Karl. Sumabay na raw sa ‘tin!” Napaawang ako ng bibig sa narinig ko. Tama ba? Tama lang ba ‘yong narinig ko sa kapatid? O bingi na ako? Tama lang ba’t pati sa agahan makakasabay ko ang unggoy na ‘to? Anak ng—“

“Leggo!” May akbay akong naramdaman sa aking balikat.  Napatingin ako na nakakunot ang noo kay Karl. Hindi ko na nakuhang makapalag dahil mahigpit ang pagkaka-akbay ni Karl sa akin.

**

“Nak, aalis daw kayo ni Karl mamayang alas sais ng gabi? Ba’t di ka pa nag-aayos? Mag-alas sais na o,” tawag ni nanay na nag-uumpisa ng magluto ng hapunan.

Unti-unti akong napalingon sa orasan namin. Bumaba ang sampa ko sa mesa namin at napalunok.

Ano raw?

Aalis? Hindi ko alam? Hindi ako na-inform!

Dali-dali akong napatayo at napapunta sa kwarto. Napabukas ako ng aparador namin at biglang napatigil dahil bakit ako natataranta? At anong karapatan kong kumilos ng ganito sa lakad na hindi naman ako na-inform? At si Karl ang kasama? No way!

“Bahala siya! Lumakad siya mag-isa niya!” Pero papaupo na ako sa aking papag nang marinig ang nakakairitang boses ng kapatid ko.

“ATE!  Nandito na si kuya Karl!”

“LETSE!” sigaw ko.

“Aalis na kayo!”

I scowl.

Wala na akong magagawa kung hindi kumilos dahil raratratan ako ng pamilya ko tungkol dito. Kanina lang gusto ko ng maglaho kakausap nina tatay at nanay kay Karl. Halos ikwento buong pagkatao ko, ‘yong nakakahiya pangyayari sa buhay ko, at kung ano-ano pa. Itong si Penpen halos ginagamit na ako may maka-close lang si Karl. Ano namang nagustuhan niya doon sa unggoy na ‘yon?

Nagpalit na lang ako ng simple shirt at maong short na binigay ni bes sa akin nung minsang nag-mall kami. Pinusod ko na lang ang aking buhok ng medyo mataas at sinuot ang sandals. Pagkaayos ay agad-agad konG binuksan ang pinto na walang nililingon sa pamilya ko at hinatak na lang si Karl makalabas lang ng bahay namin.

“Ano namang pakulo ‘to?” angal ko. Marahas kong hinawi ang aking buhok. Nakakunot ko siyang tinitigan at lalo akong naiirita sa ngiti niya.

Umiling si Karl at nagsalita, “Date tayo.”

I gulp.

Bumaba ang aking balikat at tinitigan si Karl. He is wearing polo and khaki short. Naka-sun glasses pa siya. Mayabang niyang tinanggal iyon at inayos ang kwelyo ng polo niya. “Nakaayos ka na nga.” Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi. Nilaro pa niya ang kilay niya at sobra akong nairita.

“KAPAL!” I gasped.

“Hindi ba?” asar niya.

Sinapak ko na sa panga.

Karl winced. Pero tumawa pa rin siya.

Aba! Aba! Gusto pa rin ata niya ng isa pang sapak—ewan ko lang kung gusto niya sa alagang-alaga niyang mukha!

“Lakas talaga ng tama mo!” I shrieked.

Karl grins. “Oo nga.” Napailing siya. He looks away. He smiles. And his dimples appear on his cheeks. “Ikaw kasi.”

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now