Chapter 13

12.6K 283 18
                                    

Chapter 13

Hindi nakakaramdam

Biglang napabukas ang mata ko nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking mukha. Napaupo ako at bumagsak sa aking hita ang isang damit? Napakunot ako ng noo habang pinagmamasdan iyon.

Kay Karl? Kay Karl ‘tong damit na ‘to! I mean ito ‘yong sinuot ko sa kanya!

Napatayo ako. Bigla akong humikab at muntik na akong mapaupo ulit. Argh! Nica! Pinagmasdan ko ang papag na parang may nawawala.

Bakit wala? Bakit wala si Karl sa papag? Bakit hindi ko siya katabi?

Napakagat ako ng labi sa naisip ko. My cheeks go red. Naisip ko ‘yung nangyari kahapon. Kung ano naging pwesto namin…kung paano nakabaon iyong mukha ni Karl sa leeg ko at hinayaan ko na lang siya. Napalunok ako at hindi na ata mawawala sa pagkapula ang pisngi ko.

For your info, Veronica, tinulungan mo lang si Karl dahil may sakit siya.

Putek! Ano ba ‘tong iniisip ko?

“You’re awake.”

Unti-unti akong napalingon sa boses na iyon. Napalunok ako ng bumungad ang mukha niya sa akin. Karl gave me a lopsided grin than makes my heart beats faster that I couldn’t imagine why? Why it is beating fast? And his dimples. Oh my God, ano ng nangyayari?

“Mamaya makakauwi na tayo. Sinampay ko muna ‘yung damit natin sa labas,” aniya.

I don’t move. Hindi ko alam kung bakit. Nakatitig lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Kung paano niya igalaw ang kamay niya. Kung paano niya sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay. Kung paano gumalaw ang panga niya sa pagngiti. At kung paano bumaba taas ang nakakapaso hubad niyang dibdib.

I gulped.

Say something, Veronica! Say something!

Nang hindi ako magkapagsalita ay bumida si Karl. “Hindi ka pa ba nagsasawa, Nica?” His mouth curved. Tumaas ang isang kilay niya. At nakakaloko ang tingin niya. “Magdamag mo na akong hinahawakan tapos hanggang ngayon tinitignan mo pa rin ang katawan ko?” My mouth hangs open. Umiling siya at napatawa sandali. “Come on, babe. Tell me if you want to touch me, I will always allow you.” And he laughs, hoarsely.

“Hayop!” Binato ko siya ng kahit ano na madampot ko. “Kapal ng mukha!” Hinagis ko ang maliit na kahoy na nadampot ko.

“’Girl’ friend naman!” natatawa niyang sabi at iniwasan ang hinagis ko sa kanya.

“Kapal-kapal!” Hinagisan ko ulit siya. Nag-iigting ang inis ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi siya saktan sa sinabi niya sa akin. Bwisit! Bwisit! Kapal ng mukha ng unggoy na ‘to! Siya na tinulungan. Ganito pa siya!

“Uy Nica! Tama na!” Humahalakhak pa rin siya.

Pero hindi ko siya tinigilang batuhin hanggang sa wala na akong madampot. I know my face went red. Nakakainis! Walang utang na loob! Wala pa rin siyang tigil sa pagtawa kaya hindi ako nag-atubiling maglakad at lagpasan siya. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Kinuha ko ang damit kong nakasampay sa isang alambre at patuloy pa ring naglakad.

Bwisit! Bwisit!

Humangin ng malakas at napayakap ako sa sarili ko. Mahigpit kong hinawakan ang damit ko. Mamaya magpapalit ako. Nakakahiyang sinuot ko iyong damit na hindi naman sa akin.

Pero nakakainis pa rin si Karl! Nakakainis!

Napapikit ako nang humangin muli at narinig ko ang nagkikiskisang mataas na damo. Malayo-layo pa bago ako makalagpas sa talahibang ito. Masakit na rin sa balat ang sinag ng araw. Siguro, tanghali na. Matagal-tagal din siguro akong nakatulog.

Pero nakakainis pa rin si Karl! Nakakainis siya! Sobra! Na gusto ko siyang sapakin ngayon! Argh!

“Nica!” He shouted.

Umiling ako at hindi siya pinansin. “Veronica!” He shouted again. I ignored him.

“’Girl’!” aniya. “Friend’!”

Hindi ko siya pinansin.

“Babe!”

Napairap ako at tumigil. Nakakainis!

Humarap ako at hindi ko inaasahang nasa harap ko siya. Nakalagay ang kamay niya sa kanyang tuhod. Marahil tumakbo siya para maabutan na lang ako ng ganito kabilis. “Dapat…sinabihan mo…’ko na aalis…na tayo,” aniya at hingal na hingal.

I roll my eyes.

Tumayo siya ng tuwid at agad na nagtapuan ng mata niya iyong akin. Magsasalita sana siya ulit ngunit sinapak ko siya sa panga. “Nica!” He winced. Napangiwi rin ako sa sakit dahil sa kamay ko. Winagayway ko ito, maibsan lamang ang sakit.

Putek! Tigas ng panga ng lalaking ‘to!

Pero hindi pa nakakaporma si Karl ay tinulak ko siya sa dibdib—sa nakakapaso niyang dibdib. Napailing ako at patuloy siyang tinulak. “Nakakainis!” Tinulak ko ulit siya ngunit hindi siya natumba. Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero hindi niya nagawa.

“Nica, stop it,” kalma niyang sabi. Hindi ko siya tinitigan kasi naiinis ako!

“Nakakainis ka!” I keep on reciting these words, twice, thrice, I don’t anymore the numbers. Tinulak-tulak ko siya pero hindi sapat iyong lakas ko para matumba siya. Nakakainis. Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit. “Sana pala hindi na kita tinulungan! Sana pinabayaan na lang kita! Nakakainis ka! Tapos ‘yun pa ang sasabihin mo sa akin na parang gusto pa kitang hawakan! Kapal! Ang kapal-kapal!” I pushed him hard. But my strength was not enough to make him fall. Pero sinubukan ko pa rin hanggang sa nahuli na niya ang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

“Fine! Okay, fine, Nica!” Ramdam ko pa rin ang init niya. I mean—may sinat pa rin siya ngayon. His cheeks are pink. Marahil ay kailangan pa rin niya ng pahinga. Napapikit siya. And his mouth twitched. “Ano namang nakakainis kung sabihin ko ‘yon? Nakakainis ba ‘yon?” Binitawan niya ang kamay ko. Napaatras agad ako.

“’Pake’ mo!”

“Of course, Veronica! I care. Dahil hindi ko alam kung bakit ka naiinis.” Dinilat niya ang kanyang mapupungay na mata. “Yon lang ba ang dahilan kung bakit ka naiinis o may iba pang rason? Tell me, God, tell me, Veronica,” Karl breathes. I breathe, also. Kumakabog naman ang dibdib ko. “Am I affecting you?” Napalunok ako. Lumapit naman ang mukha ni Karl sa aking tenga. “’Coz you’re affecting me so much that I couldn’t handle anymore.”

**

Napabukas ako ng mata ko. Tinignan ko ulit ang orasan at isang oras pa lang ang nakakalipas pagkatapos ko ‘tong titigan kanina. Ala-una na pero hindi ako makatulog. Iniisip ko—I mean, hindi pala. Kanina pa ume-echo sa akin iyong sinabi ni Karl.

Sinampal ko ang sarili ko at napatayo ako. Tubig. Nauuhaw lang siguro ako kaya hindi ako makatulog. Maingat akong lumabas ng kwarto na walang ingay na ginagawa. Patay na ang ilaw sa sala. Nagdiretso na ako sa kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig hanggang sa napahinto ako dahil may narinig akong yabag. Napatingin agad ako.

“Kez!” Napahawak ako sa aking dibdib. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Kumuha siya ng baso at nilagyan ito ng tubig. Uminom siya at humarap sa akin.

“So hindi kayo umuwi ni kuya kagabi.” Binaba ni Kez ang baso. Napasandal siya sa pader. He crossed his arms above his chest. Napatingin siya sa kanyang paa. “Anong ginawa niyo?” Umangat ang tingin niya sa akin.

Well, hindi ko alam pero parang curious naman ‘tong si Keziah.

Binaba ko ang baso at napasandal sa mesa. “Umulan kasi Kez—“

“Sana umuwi na lang kayo,” aniya at hindi ako pinatapos. Napatingin ako sa kanya. Umiwas naman siya sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader. “Para hindi kayo tumuloy doon sa kubo. Para hindi kayo—dalawa lang tuloy kayo.” Napalunok siya. Tumalikod sa akin. Kez shook his head. Napaawang ako ng bibig. “Nilalagnat na siya noong umalis kayo. Sana napansin mo. O hindi ka lang talaga nakakaramdam ng kahit ano?”

And he walks away.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon