Chapter 47

10.7K 207 18
                                    

Chapter 47

My name


"Saka uuwi na rin naman sila ngayon," ani Karl, habang pinagmamasdan ang pagkuha ni Ate Kat kay Dei sa kabayo. Sumunod na bumaba si Kuya Aaron. Kinuha ng tagapag-alaga iyong kabayo. Siguro'y ilalagay sa kwadra. Hindi mawala ang tingin ni Andrei doon.

Umagang-umaga'y pumunta kami nina Karl, Ate Kat, Kuya Aaron, at Dei sa Kaingin upang tignan ito. Sa plantasyon kami ng mais pumunta ng una, sumunod lamang 'tong pagkakabayo. Sayang nga't 'di namin mapupuntahan iyong isa.

"Saan? Sa Bulacan muna ba?" tanong ko. Tinignan ko si Karl, ngunit malayo pa rin ang tingin nito.

"Oo, kina mama at papa muna," aniya.

Tumango ako.

My brows furrowed. Malayo ang isip ni Karl.

"Anong iniisip mo?" I said curiously.

Tumingin siya ng seryoso sa akin. "Ikaw lang." He said and winked at me. I cringed. Lalong lumapad ang ngiti nito at nagpakita ang dimples nito sa inaasta ko. "Totoo naman. Ikaw lang iniisip ko."

Umirap ako. I make a face. I rolled my eyes again. Hindi ko na lang pinansin si Karl. Tumayo ako at nag-unat-unat. I yawned. Natapos ang aking pag-uunat nang makarating sa aming pwesto sina ate Kat, kuya Aaron, at Andrei. Saktong may tumawag sa aking telepono noong panahong iyon. Sinagot ko kaagad.

"Hah? Para saan?" Kumunot ang noo ko sa aya ni Stephen, kaklase ko noong kolehiyo. Nag-agaw pansin iyong kay Karl na nakakunot na nagtatanong base sa kanyang ekspresyon. "Nasa probinsya ako ngayon e. Hindi siguro ako makakapunta," sagot ko. Kinalabit ako ni Karl. Pinorma niya ang isang daliri, at pinadaan sa kanyang leeg. Napakagat ako ng labi para maiwasan matawa.

Nag-aaya kasi si Stephen sa kanyang kaarawan ngunit sa makalawa pa ako makakauwi ng Quezon City. Bukas aakikasuhin ko pa ang NBI Clearance dito sa amin.

"Sus, nag-inarte ka pa. Hindi ako makakapunta. Sige enjoy! Advance na lang!" ani ko sabay baba ng tawag.

Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo ni Karl, at pumunta sa aking pwesto. "'Yong Stephen ba 'yan?" Tangong tanong ni Karl.

Ngumiti ako. "Oo, bakit?"

Ngumiti rin si Karl. "Wala lang," aniya.

Dinunggo ko ang kanyang balikat ng aking balikat. "Weh talaga?"

Inakbayan naman ako ni Karl. Lumapit ang kanyang mukha sa aking tainga. "Mayroon ba akong dapat sabihin?" Nakiliti ako sa boses niya kaya para akong kinilig. "Halikan na lang kasi tayo, mas maganda pang gawin 'yon." Lumayo ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Effortless. Kahit saan pwede," dagdag niya. Kumindat pa ang loko.

Hinawi ko ang mukha ni Karl at tinuon ang atensyon kina ate Kat na abalang-abala sa pagkain. Nang mapansin nila akong nakatingin sa kanila. Parehas na ngumisi si ate Kat at kuya Aaron.

"Tapos na kayo?" biro ni ate Kat. "Take your time guys," she added.

"They miss each other, love," ani kuya Aaron.

Napangiwi ako sinabi ng mag-asawa. Naramdaman ko na naman ang pag-akbay ni Karl sa akin. Hindi ko siya tinignan ngunit tinuon ang atensyon kay Andrei na magiliw na kinakain ang indian mango.

"You like?" Dei offered a mango.

"Of course!" Kinuha ko ang inabot ni Dei.

Kinain ko kaagad ang manga. Nakakailang kagat palang ako nang kunin ni Karl ang kinakain ko.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon