Chapter 15

11.4K 289 30
                                    

Chapter 15

Nagseselos

Wala kaming lakad ni Karl ngayong araw dahil may pupuntahan daw siyang buong araw. Okay lang naman sa akin kasi ilang araw din kaming lumakad kung saan. Kaya ngayon nasa kwarto lang ako ng ate niya para mag-search na lang sa internet ng lugar dito sa Bulacan. Hiniram ko lang kay Karl ‘yong laptop. Pero isang oras na akong naghahanap pero wala pa rin akong nakikita na kaparehas. Tinitignan ko mabuti iyong kuhang photo ni Aly pero wala pa rin.

Saan kaya ‘yong lugar na ‘yon?

Kung saan-saan kami napapadpad pero wala pa ring resulta. Ilang araw na ba o linggo na ata hindi ko pa rin nahahanap si bes?

Napahiga at napapikit ako nang sumakit ang ulo ko. Argh! Kainis! Ba’t ngayon pa!

“Nica?”

Bigla akong napaupo nang may tumawag sa pangalan ko.

“Kez?”

Napalunok ako. Ano namang pinunta nito sa akin? Magsusungit na naman ba ‘tong si Kez sa akin?

“O!” Lumakad si Kez papunta sa pwesto ko. “Pinabibigay ni mama baka nagugutom ka na raw.” Inabot niya iyong dalawang biscuit na hindi nakatingin sa akin. Tinitigan ko lang kaya nagsalita siya ulit. “Kunin mo na.”

Napakunot ako ng noo. “Si mama mo? Di ba namalengke mama mo?” Kinuha ko ang biscuits sa kamay niya. Mabilis namang tumalikod si Kez kaya hindi ko na nakuhang makita ang reaksyon niya. But his back is rising and falling, slowly. Kez shakes his head and clears his throat.

“Binilin ka niya sa akin.” Mabilis niyang sabi at agad na lumabas ng kwarto.

Well, well, Nica. This is something. Pero baka nga binilin ka ng mama niya.

Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagse-search hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

**

“Pumunta ako sa San Miguel pero wala akong nakitang kaparehas nung sa picture, Nica.” Ani ni tito Joey at sumubo ng kanin.

Bigla akong nahiya dahil pati sila nadadamay na rito. I mean inaakikaso pa rin nila ‘yon. Pati nga si tita Beth nagtatanong na sa mga kaibigan niya.

Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian at nasingit ang usapang ito. Napakagat ako ng labi sa hiya. O, tignan mo, Veronica, nandadamay ka pa talaga!

“A, salamat po,” nahihiya kong sabi. I smile at tito Joey.

Grabe, hindi ko alam kung paano susuklian ‘yong pamilya ni Karl sa tulong na binibigay nila sa akin para mahanap si bes.

“Walang ‘yon. Napadaan din kasi ako don.”

“Salamat po talaga.” Napayuko pa ako at napatawa si tito Joey sa akin.

“Naku, okay lang, Nica! May project kasi si tito Joey mo sa San Miguel.” Ani tita Beth. “Marami-rami rin kasi siyang napagtanungan don kaya huwag ka ng mahiya.” Tita Beth smiles at me.

“Pero po…” I ran out of words.

“Kumain ka na, hindi mo pa nauubos ‘yong nasa plato mo.” Napatingin ako kay Kez. Umiwas siya sa akin kaya tinignan ko na lang ‘yong kinakain ko.

Oo nga hindi ko pa nauubos ‘yong sa akin habang ‘yong nasa plato nila paubos na.

I nod at no one. Inumpisahan ko ng kainin at ubusin iyong lamang ng plato ko. Nagsitayuan na si tito Joey at tita Beth. Si tito Joey pumunta sa sala habang si tita Beth inaayos itong pinagkainan namin. Pero itong katabi ko, si Kez, hindi pa rin tumatayo kahit ubos na ‘yong pagkain niya. Nang maubos ko ay siyang tayo niya agad. Tumayo na rin ako at uminom ng tubig pero hindi pa rin siya umaalis. Nanatili pa ring nakatayo si Kez na parang may sasabihin.

“Bakit?” tanong ko.

Napailing siya, “Wala.”

Magsasalita na sana ako ngunit nasapawan ako nang bagong dating. “Gwapo ba?”

Napairap agad ako. Yabang.

Hindi porket bagong gupit, pwede ng gumwapo.

Karl spread his arms. He wiggles his brows while walking. Huminto siya sa pwesto namin at uminom ng tubig. Tinapik niya sa balikat si Kez at napailing ang kapatid niya. Napatingin siya sa akin at sa collarbone ko. Umangat din ang tingin niya sa buhok kong nakapusod.

Napailing siya at napainom ng tubig.

“Hindi kita masasamahan ngayon, may pupuntahan pa rin ako mamaya,” aniya at nilagpasan ako. Tinignan ko siya over my shoulder at nakita kong kumuha siya ng mansanas. Hinalikan niya sa ulo ang mama niya.

“Okay lang,” ika ko.

“Kumain ka na ba?” tanong ng mama ni Karl.

“Yes, ma’am!” Sumaludo si Karl sa mama niya.

Nagpunas naman ng kamay si tita Beth sa bimpo na nakasabit sa refrigerator. Tumingin siya kay Karl at sa akin pagkatapos ay naglakad papunta sa sala.

“So?” I look at Karl. Kumagat siya sa mansanas na hawak niya. “Anong plano mo ngayon?” aniya habang ngumunguya.

“Ikaw anong plano mo?” Biglang napangiti si Karl sa sinabi ko.

“Anong plano ko?” Tinuro pa niya ang sarili. Umalis siya sa pagkakasandal at binaba sa mesa ang mansanas na hawak niya.

I give him a face. Nakakainis! Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ngayon dahil natapos ko na ‘yong pagse-search at wala akong makita.

“Aalis ako ngayon dahil may kikitain ako,” nanunuyang sabi ni Karl at hindi mawala ang ngiti sa labi. At ang nakakairita niyang dimples.

“Alam ko!” sagot ko agad.

O, Nica, bakit ka naman agad-agad na sumasagot?

“Alam mo?”

Ewan! Nakakaasar ‘yong tono ni Karl ngayon na parang nang-aasar siya na ewan! Hindi ko ma-explain!

“Narinig ko,” mahina kong sabi.

“Narinig mo?”

I scowl. Tinignan ko siya ng masama. Lumapit naman si Karl sa pwesto ko. “Oo. Kahapon, di ba? Namiss mo pa nga siya, di ba?” I roll my eyes.

I cross my arms above my chest. I arch one brow at him. “Di ba?” I repeated. Tinapik ko pa ang paa ko.

Napanguso naman ‘tong si Karl. He looks away and smiles. And, heck, his dimples.

“O, anong nginingiti mo?” I groaned.

“Masama bang ngumiti?” aniya ngunit hindi pa rin tumitingin sa akin. At kinagat na niya ang kanyang pang-ibabang labi para mapigilan ang pagngiti. “Ikaw lang naman,” he whispered.

Naiinis na ako. “HA?” Napataas ang aking boses. Bigla akong napatakip ng bibig dahil hindi ko namalayan na ganito na ‘yong inis ko.

Hindi mawala ang masamang tingin ko sa kanya. Nakakairita a! Nakakairita ‘yong gupit niya! In fairness pati ‘yon nakakainis tungkol sa kanya!

“Wala,” Karl shakes his head. Nag-umpisa na rin siyang maglakad at naging magkatapat na kami. “Sabi ko, aalis na ako ngayon. At pupuntahan ko na si Mira. Sana naman walang magselos na iba dyan,” Nilebel ni Karl ang tingin niya sa mata ko. “O baka nagseselos na dahil wala na ‘yong atensyon ko sa kanya.”

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now