Chapter 35

10.7K 277 19
                                    


Chapter 35

My Queen

Simula ng umuwi ako sa apartment binasa ko na mga ad sa dyaryo. Sobra kong pinagtuunan ang classified ads nito para sa paghahanap ng trabaho. Nag-text na rin ako sa ilang block mates ko dati kung may bakante pa ba sa pinagtatrabahuhan nila kung may trabaho man sila. Pero wala ni isa sa kanila ang nagre-reply sa akin. Nakailang dyaryo na ako pero wala pa ring pasok para sa akin.

Binagsak ko na lang ang aking sarili sa papag at napatitig sa kisame. Pinangako ko sa sarili ko na kapag bumalik na 'ko sa amin may ipagmamalaki na ako sa pamilya ko. Ayokong mauwi sa wala lahat ng paghihirap 'ko. Ayokong maging mawala na parang bula kung ano man ang sinabi ko kila nanay at tatay. Gusto kong may mangyari sa pagsisikap ko sa pag-aaral ko at sa pagtatyaga ng magulang ko sa akin. Gusto kong tumbasan lahat ng paghihirap nila. Gusto kong maging maginhawa ang buhay nila dahil naging worth it ako sa bagay na pinagkaloob nila. Gusto makamit iyon dahil sa sarili kong sikap na hindi umaasa. Kasi mas masarap ang tagumpay na pinaghirapan. Parang noong college, mas masarap maka-uno dahil alam mong ginawa mo ang lahat para sa grade na 'yon. Kaysa naman sa uno ka nga, umasa ka lang sa kaklase mo.

Sobrang nakaka-stress 'tong nangyayari sa akin. Napag-iisip na lang ako kung ano talaga ang plano ko sa buhay. Kung ito ba talaga 'yong kahihinatnan ng pimples at puyat ko noong kolehiyo? Ewan ko ba nawawala na 'yong pasensya ko at napu-frustrate na lang ako na gusto ko agad-agad ang mangyayari. Na makapagtrabaho na ako. Na kumita na ako ng pera. Na matupad na lahat. Putek talaga!

Papapikit na sana ako nang may kumatok sa pintuan ko. "Nica?" ani ng isang pamilyar na boses. Hindi pa ako nakakatayo ay bumukas na ito at bumungad ang isang unggoy sa harapan ko. Dali-dali akong napaupo sa pagkakahiga.

"Ano?"

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong niya.

Kahapon, kinukulit niya 'ko na lumipat sa condo niya. Umoo lang ako na sumama sa kanya dahil nga pumasok sa isipan ko 'yong trabaho na hanggang ngayon wala pa rin. Umoo lang ako sa kanya para ito 'yong maging palusot ko sa pagsisinungalin ko. Hindi ko naman akalain na gusto niya pala akong lumipat sa condo niya. Jusko naman! Ano bang gusto nitong si Karl? Magbahay-bahayan?

"Hindi nga. Ang kulit-kulit! Ayoko!" Napataas pa ako ng kamay sa reklamo ko.

"Bakit?"

Aba, may gana pang magtanong?

"Ayoko lang!"

"Nica naman..." Napataas ako ng kilay sa pakiusap niya. Ngayon ko lang napansin ang porma niya. Naka-business suit pa rin siya minus the jacket. Maayos na maayos ang kanyang buhok at ni isang butil ng pawis wala sa kanyang mukha. "Kapag nandito ka, hindi kita mababantayan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo. At least kapag nasa condo kita, malalaman ko kung maayos ka lang kaysa dito. Kaya pumayag ka na." Pinagdaop pa ni Karl ang kanyang palad. Nakikiusap ang kanyang mata pero ito ako, nagmamatigas.

Ayoko. Talaga.

Pakiramdam ko ang bilis naman kapag ganito. Saka, girlfriend/boyfriend pa lang naman a. Bakit ganito na agad? Saka ayoko rin, baka akalain ni Karl, wala akong balak sa buhay ko na nakatali lang sa kanya! Matayog pa ang aking pangarap. Marami pa akong tutuparin. Teka ano naman kinalaman nun, Nica?

"'Wag na kasi..." Napangiwi ako

Bumaba ang balikat ni Karl. Napabuntong hininga siya at nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Sandali siyang bumaling sa ibang bagay at saka itinuon sa akin. "Fine."  Nandoroon pa rin sa kanyang mata ang pagkalungkot sa pag-ayaw ko sa alok niya ngunit binalewala ko. "Let's just have our first date today. Hindi ka na makakahindi."

**

Tumigil kami panandali ni Karl sa condo niya dahil magpapalit lang daw siya ng damit. Naghintay na lang ako sa kotse dahil sinabi niyang sandali lang naman siya. Pero, kalahating oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siya o hindi pa lumalabas. Papapikit na sana ako nang may pansing red ang buhok na babae na papasok sa condominium. Naningkit ang aking mata sa pag-usisa sa babaeng iyon dahil mukhang pamilyar ang katawan. Halos makita ko na ang kuyukot sa iksi ng short niya. Panty-short ata suot nitong babae. At saka...si...si Lea 'to!

Napababa ako sa kotse ng wala sa oras. Papatakbo na sana nang mapansing napatigil si Lea sa paglakad at biglang napatili.

"Karl! Oh my gosh! You're back!" Mula rito sa pwesto ko rinig ko ang malanding tili ni Lea. Mas malaki pa ang tili niya sa busina ng kotse. Naglakad na ako papalapit sa pwesto nila at sa paglapit ko ay malapit na rin sumabog ang mukha ni Lea sa pagkapit niya kay Karl. Aba! Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang mukha ng hipon na 'yan! "You should text me, you know. I missed you." Pinalandakan pa ni Lea ang namamantal niyang labi na kulay pula. Yuck!

Napataas ako ng isang kilay nang mapansing hindi man lang inalis ni Karl ang kapit ni Lea sa kanya. Ngayon, alam ko, hinuhubaran na ni Lea si Karl sa kanyang isipan sa malanding titig nito sa kanya. Lalo na ngayon na ang sexy nitong porma. Karl is wearing a cap. Ngunit baligtan ang pagkakasuot nito sa ulo niya ngunit bagay pa rin sa kanya dahil nadedefine ang hulma ng kanyang mukha. Nakasimpleng gray shirt siya at itim na pantalon. HA!

"Karl, are you free?" Muntik ng idikit ni Lea ang kanyang mukha sa mukha ni Karl.

Napasinghap ako at napayukom ng kamay. Hindi pa rin ba siya nagbabago! Hindi pa rin ba siya makakahindi! Ito na ang kinatatakot ko! Bakit ganito at nag-iigting ang aking galit sa kanilang dalawa?

"Nica, babe, come here."

Napatalon ako sa pwesto ko sa tawag na iyon. Biglang bumaling ang atensyon ni Karl sa akin. Ngumiti siya agad nang makita ako. I blink many times. Kahit na hindi pa rin ako naka-recover sa tawag na iyon ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na makapunta sa pwesto nila. Pagkarating ko, inalis ni Karl ang hawak ni Lea at agad niya akong hinapit sa pwesto niya. Naramdaman kong binigyan ako ng halik sa buhok ni Karl at hindi ko maiwasan mamula sa ginawa niya.

"Ikaw!" Nangangasim ang mukha ni Lea sa akin. "What are you doing here? Babae ka rin ni Karl?"

I gasp.

Kahit kailan hindi nasagi sa aking isip na isa ako sa mga babaeng nagdaan kay Karl. And I can't consider myself one of his girls. Hindi ako ganong babae na dumadaan sa ganitong estado ng pagiging desperada. Kailangan ko na bang magduda?

Inalis ko naman ang hawak ni Karl sa akin dahil masasapak ko na ang mukha ng babaeng ito. Bumuka lang ang bibig nito magdudugo na ang namamantal niyang labi. Papupulahin ko talaga ang nguso niya ng sarili niyang dugo at hindi ng lipstick niya.

"Ikaw din!" I crossed my arms above my chest. "Hindi ako isa sa mga pastime ni Karl na babae! At hinding hindi ako makakapayag na maging ganon lang ako." Mapang-asar ko siyang tinignan. Tumodo ang pagkaasim ng kanyang mukha.

She laughs, hurtfully.

"Well, miss, itigil mo na 'yang pagiging ilusyonada mo," ani Lea.

I laugh. Medyo gaga rin 'tong babaeng 'to. Sarap pasabugin ang mukha.

"Karl will always be a playboy. His life is about 'no strings attached'. 'Di ba Karl? Ikaw din naman ang nagsabi non? Admit it, boy," Lea said.

Napaawang ako ng bibig. Bumaling na ang aking tingin kay Karl. Hindi ko inaasahan ang pagkuha niya ng kamay ko. Kumunot ang kanyang noong tinititigan si Lea. Pero biglang nawala at kumalma nang tumingin sa akin. "Yes." I gasp at Karl's answer.

Aalisin ko na sana ang hawak niya ngunit mahigpit niya itong hinawakan. "Yes, I was. I didn't want to commit myself in a relationship because I thought of it as a game and a fucked up distraction in my life. But somebody came to my life that made me realize of something else about relationship. That committing yourself to someone you'd love is the happiest moment of your life."

Lea shrieked. But Karl didn't mind her. Ganon din ako.

"Now, I really want to commit myself for this girl. I really want a lifetime relationship. And I would spend my life serving my queen."

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon