Chapter 12

13.3K 292 15
                                    

Chapter 12

Malayo

Napayakap ako sa sarili ko nang kumulog ng malakas. Pakiramdam ko tinamaan na ‘yung puno ng mangga sa labas. Wala naman akong nabalitaan na may bagyo a! Bakit ganito? Bakit ngayon pa?

Madilim na at wala pa kaming ilaw dito sa kubo. Ang lakas-lakas pa ng ulan sa labas at parang binabayo na ang kubo na ‘to. Sana naman kayanin. Napatingin ako sa paligid—dito sa loob—biglang nahagip ng mata ko iyong lampara sa mesa na gawa sa kawayan. Napalapit agad ako doon. At nakita ko agad ang posporo.

Thank you, Lord. Magkakailaw din po kami.

Sanay ako sa amin na ganito na sinisindahan itong lampara. Noong bata ako, ito ang ginagamit sa amin—sa San Mateo—kaya alam ko. Ngayon ko lang din napansin na may papag dito katabi nitong mesang gawa sa kawayan. May nakatira rito sa bahay na ‘to. Pero nasaan sila? Umalis na?

I shook my head. Kailangan ko ng sindihan itong lampara.

Nang masindihan ko ay bigla akong napaupo sa papag dahil biglang kumulog na naman ng malakas. Nakarinig din ako ng ungol sa isang gilid. Nanlaki ang mata ko nang maisip siya. “Karl!” Napatayo ako bigla at pinuntahan siya sa pwesto niya.

Halos nakahiga na si Karl. Kanina…kanina lang sinandal ko siya ngayon…ngayon hindi na. Napaluhod ako sa kanya at sinalat ang leeg niya at noo. Ang init niya! Muntik na kitang makalimutan! Ano namang gagawin ko!

Mabigat ang kanyang paghinga. I hear him whimper again. “Karl?” Tinapik ko ang pisngi niya. Napakunot siya ng noo. He breathes. Isinandal ko ulit siya.

Argh! Ano ng gagawin ko?

Mag-isip ka Veronica!

Napahawak ako sa ulo ko at iniling ito.

Ano na Nica!

Noong nagkasakit ako. Pinainom ako ni nanay ng gamot tapos…tapos mga tatlong kumot ata ang nilagay ni nanay sa akin para daw pawisan ako. Sobrang nanlalamig ako noong may lagnat ako.

Napatitig ako kay Karl at kitang-kita ko ang pagnginig ng katawan niya. Niyayakap na niya ang kanyang sarili. O Lord. I bite my upper lip. Basang-basa siya ang kanyang damit sa biglang pagbuhos ng ulan. Nakakadagdag ito ng lamig sa kanya. Kailangan kong hubarin iyong damit niya. Kung hindi ko gagawin iyon, ano ng mangyayari? Baka lumala pa ‘tong sakit niyang ‘to.

Napalapit ako kay Karl. “Huhubaran na kita.” Napalagay ako ng kamay sa hem ng shirt niya. Napalunok ako at tumitig na lang sa kamay ko. But Karl let a chuckle escape to his mouth then, he coughs. Iniangat ko ang tingin sa mukha niya. Hindi pa rin nawawala ang pagkapula ng pisngi niya.

“O, Nica…” He sobs. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya. Naniningkit siyang tumingin sa akin. “You…really…want…to see me…naked,” aniya at napatawa na may kasamang ubo. “Aren’t you?” Napaawang ako ng bibig.

Unti-unti kong naiyukom ang kamay ko sa shirt niya. Ganon! Ganon pala! E di magkasakit na lang siya dyan! Hindi ko kasalanan kung mamatay siya dyan!

Nagsasalita pa ‘tong unggoy na ‘to alam ng nahihirapan siya tapos ang daldal pa! Bwisit! Urgh! Hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko pa ‘tong unggoy na ‘to pagkatapos niyang sabihin iyon! Bwisit! Nakakainis!

“Isa pa! Magsalita ka pa, hahayaan na kita dyan.” I gulp.

Karl whimpers again.

O, No. Kailangan ko na lang talagang tulungan ‘to.

“Damn—okay—babe.” Aniya at pinikit ulit ang mata. Kunot-noo pa rin siya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hahayaan ko na lang kung anong sabihin niya. Bahala na. Kailangan makapagpahinga na siya para mawala ang lagnat niya. Bwisit kasi! Alam naman niya ata na may nararamdaman siya pumayag pa siyang na umalis kami! Argh!

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon