Chapter 19

11.5K 273 31
                                    

Chapter 19

Ikaw lang

"Bakit mo 'ko kinakausap? Sinabi ko bang kausapin mo 'ko?" Napataas ako ng kamay nang marinig na naman si Karl na magsalita. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong kausapin niya ako dahil wala akong pake sa nararamdaman niya at sa sasabihin niya!

Kasama ko lang siya para may maghatid sa akin sa Malolos pero wala siyang karapatang magsalita sa harap ko. Badtrip.

Badtrip ako sa kanya ng walang dahilan.

Badtrip, o!

"Ba't ka ba highblood? Lalong sumasakit ulo ko kakaisip kung anong ginawa ko sa'yo at ganyan ka na lang kaasar sa akin, Ha? Nica?" Napahawak ulit siya sa ulo niya. Napangiwi siya sa sakit ng ulo niya.

O, ayan, napapala ng lasing na lasing kahapon. Mabuti nga sa'yo na masakit 'yang ulo mong unggoy ka! Argh! Nakakainis at naalala ko 'yong kahapon. Nakakainis dahil wala naman dapat akong pakelam.

Bumaba kami ni Karl sa isang bayan dito. Ngayon, naglilibot kami sa isang kalye dito na medyo malubak at mapuno. May isang lugar daw dito na parang katulad nung nasa picture sabi nung mama ni Karl. Pero hindi raw siya sure, kasi nasabi lang nung kaibigan niya. Nagbakasakali na rin naman ako. Malay ko ba iyon na pala 'yon.

"Nica naman sabihin mo naman sa akin kung bakit ka ganito sa akin ngayon?" Napaharap ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Lagi naman akong ganito sa'yo a," pagtataray ko.

"Iba e. Para kasing may ginawa ako kahapon noong lasing ako. Gising ka pa ba nun? May ginawa ba ako?" tanong niya. Kunot-noo na si Karl pero wala pa rin akong pake. Napahawak ulit siya sa ulo niya.

"Wala ka na don!" sigaw ko at tumalikod sa kanya. Nag-umpisa na akong maglakad pero wala akong naririnig na yabag na sumusunod sa akin. Napatingin ako over my shoulder at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Nakahawak si Karl sa kanyang dibdib na par among nahihirapan huminga. Nakapikit ito at kunot na kunot ang noo niya. Pawis na pawis na rin ang noo niya. Napakainit pa naman ngayon at ang sakit-sakit sa balat ng sinag ng araw.

Napatakbo ako sa pwesto niya.

"Uy! Anong nangyayari sa'yo? Anong masakit!" Kumabog ang dibdib ko. Lagi na lang bang magkakasakit o ano man si Karl ngayong may lakad kami at hindi malapit ang kotseng sinakyan namin?

Grabe naman!

Napahawak ako sa noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Uy, ano na!" Napapadyak pa ako.

Kainis naman! Kinakabahan na ako lalo nang ang higpit ng hawak niya sa dibdib. Karl moaned at pain. Putek naman! Ano namang gagawin ko!

"Uy, Karl!" I cried.

Hindi naman siya nagsasalita e!

"Karl naman!"

"Ang sakit," aniya at napahawak sa dibdib. "Ang sakit sakit." he added.

"Uy, ano ba masakit? Uwi na tayo! O hospital na ba 'to?" tanong ko ngunit umiling siya.

Namamawis na ang kanyang noo pati na rin 'yong akin. Grabe naman! Sana naman sinabi niyang hindi maganda pakiramdam niya at hindi na kami tumuloy!

"Lagi mo na lang akong sinasaktan." Napabukas siya ng mata at tumitig sa akin. "Bakit ganon, Nica?" Nanlaki ang mata ko nang ngumisi siya. Nag-igting ang inis ko sa ginawa niyang panloloko sa akin. "Ang sakit-sakit sa puso na iniiwasan mo ako ngayon. Hindi ko kaya kaya na hindi mo ako pinapansin na parang may nawala sa akin."

Napaawang ako ng bibig. Agad akong umatras at ipoporma na ang kamao ko na tumama sa nakakainis niyang mukha.

"So nag-inarte ka na lang talaga!" I think my face goes red with anger. "Kapal naman nito na pag-alalahanin ako!" Bumagal ang aking paghinga sa galit na nararamdaman. Sobra akong nagngingitngit sa galit sa kanya. "Kahit kailan talaga Karl! Kahit kailan ka talaga papansin ka sa buhay ko! Kailan kailan! Bwisit!"

"I'd rather be a pain in your ass than not having your attention Nica. Gusto ko lagi mo akong pansin! Sana alam mo 'yon! At least doon, pansin na pansin mo 'ko!" Napasuklay siya ng buhok. "Kaya sabihin mo na kung bakit ka ganito sa akin." Napakagat siya ng labi na maaring dahil sa sakit ng ulo.

"Wala akong pake. Papansin ka lang sa buhay ko!"

Karl groaned.

"May isa lang akong naiisip kung bakit ka ganito. "

"La-la. I don't care." Napakanta at napairap ako.

"Maybe you caught Mira kissing me last night."

"How did you know?" sagot ko agad.

Sumilip ang maliit na ngiti sa labi ni Karl. "I didn't know. She what?" Napakunot siya ng noo. Umiwas siya at ngumiti. Napailing pa siya at sumilip ang dimples niya na makita ko. Urgh.

"Hindi mo alam? Hinalikan ka niya!" Napatingin ako sa labi niya. I look away.

"O, damn, no!" Karl cursed under his breath. Napakagat siya ng labi niya at kitang kita ko ang pagpipigil ng ngiti niya habang nakatitig sa akin. "Simula  ngayon," Napatigil siya. Sinabi niya iyon with conviction. Nanatili siyang nakatingin sa akin. I was about to scowl when he speaks, "Si Nica na lang ang may karapatan sa akin. Si Nica na lang makakahalik sa akin.  Si Nica lang wala ng iba. Simula ngayon," Napailing muli siya at napatawa. "Ikaw na lang." His dimples appeared when his smile widen.

**

Wala na. Sumobra na si Karl sa sinabi niya. At hindi ko na siya papansin ang unggoy na 'yon. Sobra 'yong biro niya. Nakakairita at hindi maganda! Akala niya siguro every day pwedeng biro. Akala niya siguro maganda 'yon.

Bwisit siya!

Kaya mula noong pauwi kami hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya! Bwisit! Bwisit!

Nanatili lang ako sa kwarto ng ate niya at lumalabas lang ako kapag naiihi ako at noong hapunan lang. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya kinakausap.

Mabuti na lang nasa akin 'yong laptop niya at pwede akong mag-facebook o twitter. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaka-twitter simula noong inaayos ko 'yong para sa graduation ko. Buwan na ata.

Mayroon akong 20 notifications.

Galing kay Talyn. Iyong kaibigan kong mahilig din mang-i-stalk! Urgh! Namiss ko tuloy iyong gawin ko noong college! Kapag nag-stalk ka, it's either matuwa ka o gumuho ang mundo mo dahil in relationship si crush.

@nicakagandahan Nica, parehas na ata kayong pa-graduate ni Victor!

@nicakagandahan Si R din, going strong sila ni Nikki. Masakit bebe!

Nasaan ka na bebe? @nicakagandahan. Miss you =(

Iyong iba favorites at retweets. Urgh, I miss you, too Talyn.

Hi, @TalynSiPoAko. I miss you, too! Pasensya na! Hindi na kita napakilala kay @lyssnrdrgz. Next time! See you soon. Date tayo :P

Nag-log-out na ako pagkatapos. Bigla kong namiss 'yong dati. Iyong pa-chill chill lang. Iyong walang ganitong problema. Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to. Lalo na sa bes ko. Sobra-sobra ko na siyang miss. Sobra-sobra ko ng namimiss 'yong bonding namin. Sobra talaga.

Alam ko, may rason Diyos kung bakit nangyari 'to.  Minsan lagi na lang natin na naiisip na ginusto ng Lord 'yong hindi magagandang nangyari sa 'tin. Hindi lang natin napansin na pinoprotektahan pa tayo Niya.

Why would you ask for something when God gave the best for you?

Biglang um-echo ang sinabi ni bes sa akin noong minsang nag-usap kami tungkol kay Lord. Kung gaano kami ka-bless sa isa't isa....sa mga binibigay ni Lord sa amin.

I miss you, bes.

Sana maayos ka lang.

I miss you so much.

Papahiga na sana ako nang may napansin akong papel sa may pinto. Napatayo ako at dinampot iyon.

Ikaw lang, promise.

Iyon ang nakasulat sa papel. Halos punitin ko 'yong papel sa sobrang inis. Peste ka, Karl! Nag-eemote ako dito 'tapos ganyan ka! Peste!

 


A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon