Chapter 22

11.6K 275 32
                                    

Chapter 22

In love with you

"ANO?" Napalakas ang aking boses sa narinig ko mula kay Kez. "Liligawan?" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Paano mangyayari 'to? Paanong agad-agad? Hindi naman pwede 'yon! I mean-paano ba? Hindi ko ma-explain! Gusto ko lamutakin itong mukha ko. Bakit ganito kabilis? Hindi naman ganito! AA! Hindi ko maintindihan.

"Oo,"aniya.

Bumilis ang tibok ng aking puso at iniwasan ko agad si Kez. Napatitig ako kung saan na hindi ko makikita ang reaksyon niya sa sasabihin ko. Hindi sa namamakelam ako ng nararamdaman niya pero mali 'to. Maling mali.

"Kez, no." Napailing ako.

I heard him gasp.

"Nica-"

"Hindi ganon kadali. Saglit pa lang tayo nagkakilala tapos ganito? Ilang linggo pa lang? Isa? Dalawang linggo? Hindi sa hinuhusgahan ko ang nararamdaman mo. Pero one week or two weeks pa lang akong nandito, you can't just name your feelings as this!" Bigla na lang akong napatingin kay Kez. Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig niya. And I know how his muscles tensed at my words.

"Bakit? Dahil ba kay kuya? Dahil matagal mo na siyang nakilala?" Napakunot siya ng noo pero mas kumunot ang akin dahil sa walang kwenta niyang banat. Nakita ko ang paggulo ni Keziah ng kanyang malambot at itim na buhok. Biglang may bumaba sa kanya na kita ko ang reaksyong binibigay ng bawat kilos na ginagawa niya.

"No!" Tila ba hingal na hingal ako sa isang salitang sinabi ko sa kanya. I spit this word as venom that will kill his feelings. I hope so. I really hope. "Kez-"

"Dahil nga kay kuya." Napatawa siya pagkatapos. At napaangat ng ulo. Kitang kita ko ang mahirap niyang paglunok sa pag-angat niya ng kanyang ulo. Peke lang ang tawang binigay niya sa akin.

"No!" I gulp. "Dahil sa naranasan ko! Dahil hindi naman love namatatawag 'yon. Na-attract ka lang na akala mo love na. Na once na umalis 'yong taong na sinasabi mong gusto mo, saka mo lang marerealize na hindi love 'yon dahil nalusaw at natunaw. At madali ka lang makalimot." Naramdaman ko ang pagnginig ng pisngi at labi ko. I felt my eyes starting to-I bite my lip to keep me from what I build to myself. "Love doesn't disappear easily." I added and looked at him. His eyes went wide in dismay. "I'm sorry." And I walk away.

**

"Nica-" I heard Karl shouted my name but I didn't look. Patuloy lang akong pumasok sa loob ng bahay nila hanggang sa makapasok ako sa kwarto ng ate niya. Nasa labas din pala siya ng bahay.

Napalamutak na lang ako ng aking mukha nang makapasok sa kwarto. Agad 'kong sinandal ang aking likod sa malamig na pader ng kwartong ito. Sinara ko ang pinto at muntik na 'kong mapaupo sa nararamdaman kong bilis ng tibok ng aking puso. This is shit. I closed my eyes.

"Hello, Nica." My eyes opened and went wide in shock.

May babaeng nakaupo sa kama at sa tabi niya ay isang natutulog na bata na lalaki na may gulang siguro na tatlo o apat? I don't know. Don't tell me si ate Kat 'to? Mahaba ang kanyang itim ng buhok. Bilugan ang kanyang mukha. Malaki at maganda ang kanyang mata.

"Tama ba 'ko, Nica? Nica ang pangalan mo?" Tumayo siya at ngumiti sa akin. And she has dimples like Karl. Hindi siya kataasang babae at parang mas mataas pa ata ako sa kanya. Ang ganda ng hulma ng kanyang labi kapag siya ay ngumingiti.

Bigla na lamang akong napatingin sa nakabukas na bintana. Nanlaki ang aking mata nang biglang pumasok sa aking isipan na mula sa pwestong 'yon ay kitang-kita kami ni Keziah na nag-uusap. Hindi ko alam kung maririnig ba 'yon.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon