Chapter 16

11.6K 279 23
                                    

Chapter 16

I like you

Pinagbuksan ako ni Kez ng gate kahit kaya ko namang buksan ito. Well, siguro likas na sa kanila na maging gentleman.

Sinuggest ni tito Joey na baka sa bukid may kaparehas nung nasa photo. Pero daw baka hindi na namin marecognize na kaparehas dahil medyo marami na raw nakatayong bahay. Nagbakasakali na lang ako-kami ni Kez na sasamahan ako ngayon (which is nagvolunteer siya imbes na ang papa niya)

Siguro dito na rin sa kanila 'yong hinahanap ko na lugar. Sana nga nandito na dahil ilang araw na rin akong nakakasagabal sa pamilya de Vera. Sumosobra na siguro ako. At saka kailangan ko na rin kasing tanggapin 'yong offer ng kompanyang papasukan ko.

"Mga 15 minutes siguro makakarating na tayong bukid," sabi ni Kez pagkalabas niya ng gate. Naglakad na siyang nakalagay ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Pinauna ko siyang maglakad dahil hindi ko alam 'yong bukid na sinasabi nila at ang awkward kahit hindi ko alam kung bakit ang awkward.

Pero kailangan maalis ko 'yung awkwardness na 'to na nararamdaman ko.

"Maglalakad lang tayo di ba?" ani ko at sumabay sa kanya ng paglalakad.

Napatingin naman saglit si Kez sa akin at umiwas din. "Gusto mo bang mag-tricycle na tayo?" He sounded so sincere.

"Hindi..." Napailing ako, "Mas gusto ko rin naman maglakad para malibot ko 'yung barangay niyo. At saka 'yong Bukid na sinasabi niyo."

Napatingin ako kay Kez pagkasalita ko. He is wearing a dark blue hooded jacket embracing his upper body and jeans. Saktong pagtingin ko sa mukha niya ay nakatingin din pala siya sa akin. Sabay kaming umiwas sa isa't isa at patuloy na naglalakad palabas ng compound nila.

"A! Akala ko gusto mong mag-tricycle na lang tayo." Nakita ko sa gilid na napakamot siya sa batok niya. May sinipa pa siyang bato sa harap niya.

Nang makalabas kaming compound ay tumawid kami. Napatingin si Kez sa akin nang makita niya iyong toda ng Taal. Siguro iniisip niya pa rin na mag-tricycle kami. Pero mas gusto ko talagang maglakad.

Pero sa paglalakad namin, wala naman kaming mapag-usapan. At ang awkward-awkward na naman. Ba't kay Karl, madali lang magsalita, bumara ng mga sasabihin niya pero dito sa kapatid niya ang hirap-hirap, ay mali, ang awkward-awkward!

May ilang tricycle boy na sumaludo kay Kez at tinawag na Engr. de Vera. Siguro kilala siya sa lugar nila. May ilan din nagtanong kay Karl at tinawag na Manager. Wow, so kilala nga talaga sila dito sa barangay nila.

Time to speak, Nica!

"Kilala pa lang kayo rito sa inyo," sabi ko na may halong tawa. Yuck, ang awkward talaga.

Tumingin ako sa kanya pero hindi siya lumilingon sa akin at patuloy lang sa paglalakad. "Si Mama kasi..." Napakamot muli siya sa batok niya. I saw his cheeks go pink.

"Proud na proud lang siguro ang mama mo sa inyo ni Karl." Okay, that was okay, Nica. Makakapagsimula na siguro kami ng tuloy-tuloy na usapan.

Tumango siya ng una pero bigla niya akong hinila sa kamay nang hindi ko mapansin na may papalabas na motor sa dadaanan naming daan.

"Tang-"

Napakagat ako ng labi sa nangyari. Hindi ko napansin. Ramdam na ramdam ko ang mainit na palad ni Kez sa nagpapawis kong palad. Okay, nakakahiya ka talaga, Veronica.

"Sorry," ani ko.

"Hindi mo naman napansin," aniya.

I nod. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak-I mean sa kamay niyang na nakahawak sa aking kamay.

"Uhmm...Kez?" Napatingin siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Well, para tuloy parehas sila ni Karl kapag nakakunot. Ang kaibahan lang mas mature siguro si Karl sa kanya.

"Bakit?"

Napatingin ako sa kamay niya. Napatawa at nagsalita, "'Yung kamay ko." Sana napansin mong hawak mo pa rin. Bigla niyang binitawan at naglakad ng walang sinasabing kahit anong salita.

Siguro dito palang makikita ko na ang kaibahan ni Kez at Karl. Parang mas seryoso si Kez kaysa sa kuya niya-I mean sa sinasabi kong seryoso ay parang masungit. Kung kay Karl siguro nangyari 'to pinagtawanan at inasar na naman niya siguro ako. Pero dito kay Kez, nagwa-walk out na lang siya basta-basta. Siguro talaga may problema sa utak 'tong dalawang 'to.

Napailing at nagkibit-balikat na lang ako. Naglakad na rin ako at hindi na sumabay kay Kez. Baka kung ano naman ang mangyari.

Dumaan kami doon sa kaliwang daan na papunta sa bukid. Iyong kanan kasi ay mga dikit-dikit na bahay at sa gitna naman ay may patubig. May iilang sasakyan na dumadaan palabas at papasok. Medyo lubak iyong daan kasi hindi pa naayos. Tapos doon sa gilid parang may dating riles. Napatingin tuloy ako doon. May dating riles dito sa kanila? PNR? I don't know. Pero wow, dahil dati may tren na dumadaan sa kanila.

Patuloy kaming naglalakad ni Kez hanggang sa kanan ay makita ko ang Taal Cemetery. Medyo mahangin dala na rin ng iilang puno na mayroon dito. May iilang bahay ding nakatayo sa kaliwa katapat ng sementeryo.

Kumaliwa kami at bumungad naman sa amin iyong palayan sa isang gilid. Nakita ko rin si lolo na inaani iyong palay. Hindi niya ako napapansin kasi sobra siyang abala sa pag-aani. May kasama rin siyang babae. Asawa niya siguro.

"Ito na 'yon." Salamat naman nagsalita na 'tong si Keziah.

"Pero..." Napalibot ako ng tingin. "Dapat may malaking bahay e. May nakita kasi ako doon sa picture na malaking bahay na maaring bahay ng lolo at lola niya." Napalagay ako ng daliri sa aking baba. "Pero siguro hindi naman palayan 'yong nasa picture. May kalabaw at baka din don. Tapos may malaki ring puno. Pero dito wala..." I said to no one.

"Patingin nga ng phone mo?" ani ni Kez. I fished out my phone. Hinanap ko na muna 'yong photo sa phone ko bago ko binigay sa kanya.

Habang tinitignan ni Kez 'yong phone ko ay nilibot ko na lang ang tingin ko. Masyadong maliit 'yong lugar. Base kasi doon sa picture nakatayo si bes sa malaking lupain tapos nag-iisa lang 'yong bahay don na malaki. May nakita rin akong kalabaw at baka doon. At yong malaki at matandang puno, wala naman rito.

"Hindi nga 'to."

"Hindi talaga. Well, 'better luck next time' again." Napatawa ako kahit hindi naman dapat.

Binalik na ni Kez ang phone ko sa akin. And he speaks, "Uwi na ba tayo?"

"Oo?" Napakunot ako ng noo.

Pero tinawanan lang niya ako. Okay, anong nakakatawa?

"Bakit ka tumawa?" Napaharap ako sa kanya.

"Uhm..." Napalagay naman si Kez ng daliri sa baba niya na parang nag-iisip. Wait...teka...anong nangyayari? "Well, Nica, I think you're cute." Napalunok ako bigla sa sinabi niya. At nakakainis dahil hindi umiiwas ng tingin si Kez sa akin ngayon. Pakiramdam ko rin, mamumula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Pu...pu...putek.

"Ha-ha." Pumeke ako ng tawa.

Perong itong si Keziah, hindi talaga siya umiiwas ng tingin sa akin. "No...I think," I saw his Adam's apple bobbing up and down. "You're beautiful." Anak ng! Alam ko na 'yon! Pero bakit parang ang gara naman nito!

Nagko-confess ba 'to ngayon? Ano ba 'to? O ngayon niya lang talaga na-realize na maganda ako? Grabe naman 'tong si Kez ilang araw na ako rito sa kanila pero ngayon niya lang napansin na may maganda o magpapaka-humble na ako na may dyosa sa bahay nila? Si bes nga alam na 'yon simula ng magkakilala kami e.

"Ha-ha." Tumawa muli ako ng peke. In fairness, gusto kong batukan ang sarili ko.

Bababa na sana ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang nagsalita. "I like you, Nica."

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon