Chapter 3

18.1K 317 9
                                    

Chapter 3

You don't really know me

"Nagpa-tarpaulin pa ang tatay mo sa Luwasan. 'Kala mo, nak!" natatawang sabi ni nanay.  Napangiti ako at napapaiyak na lang ako kung gaano ka-supportive ang mga magulang ko ngayong araw ng graduation ko. Katatapos lang nito at papunta na kami sa mall para mag-celebrate.

Lumuwas pa talaga silang Quezon City para sa akin kasama pa 'tong palaging-gutom kong kapatid na si Penpen.

"Magna Cum Laude ba naman! Paanong hindi ako magpapatarpaulin niyan! Pagkauwi ko nga alam kong kakantyawan ako nila pare na magpa-inom e!" Natatawang sabi ni tatay.

"Pero nak, bakit parang hindi ko nakita si Aly?" Biglang natuon ang atensyon ko kay nanay.

"Oo nga ate! E di sana may tao naman akong nasilayan kanina! Sawang-sawa na ako kay ate e!" Tumingin ako ng masama sa kapatid ko.

"Kapag ng mukha mo!" sabi ko.  Babatukan ko na sana pero biglang lumagay si Penpen sa likod ni tatay. Kapal talaga ng batang 'yon!  Inirapan ko siya at tumingin kay nanay. Paano ko ba sasabihin na hindi ko rin alam kung nasaan si Aly? Alam ko napamahal na ang nanay ko kay Aly pero ayoko namang pati siya nag-alala. "Out of town, nay." Pagsisinungaling ko. "Hindi na kasi nabago yung sched. ng flight." Napakagat ako ng labi.

Sorry Lord. Hindi ko naman po talaga gustong magsinungaling pero ayoko namang pati itong si nanay mag-aalala ng sobra.

Noong paakyat ako ng stage hindi ko napigilan ang luha ko. Naisip ko si bes. Naisip ko 'yung pangarap naming pag-akyat dito sa stage. Sabay na grumaduate. Pero wala siya e, umalis siya. Sobra na akong nag-alala sa kanya. Narinig ko pa naman iyong pangalan niya sa list ng mga Cum Laude. Napakasakit nito para sa akin. I felt like my heart shatter into pieces. Iba kasi si Aly. Siya iyong taong sobra magpahalaga sa tao. Na hindi niya iniisip iyong sarili niya para sa mga taong mahal niya. Napag-isip isip ako, siguro lumayo siya dahil sa nangyari. Pagkatapos nong aksidente ni Gideon, hindi na kami ganong nag-uusap.

"ATE! Tara na!" Bigla akong napatalon nang sumigaw si Penpen. Nasa loob na silang lahat ng jeep at ako na lang ang naiwan. "Gutom na ako!" sigaw pa niya at muntik ko ng ibato 'tong hawak kong papel sa mukha niya.

Kanina pa niyang bukang bibig na gutom na gutom na siya kahit may hawak siyang pagkain. Halos pumutok na nga ang polo niya sa sobrang laki ng tyan kakain. Iwanan ko siya rito sa Quezon City para mamayat.

"Taba mo!" asar ko nang makapasok akong jeep.

"Panget ka naman! NBSB!" Napalaki ako ng mata. Napatingin tuloy ako sa tao rito sa jeep. Lahat sila napaiwas nang tignan ko sila. Lahat sila may ngiti sa labi pati na rin si nanay at tatay. ABA! Sumusobra na 'tong si Penpen. "NBSB ka naman ate! Walang nagtatangka sa'yong manli—" Tinakpan ko na ang bibig. Putek talaga! Pinapahiya—I mean hindi rin naman nila alam iyong tungkol sa una ko—putek! Basta!

"Tumahimik ka! Baka hindi kita dyan pakainin kang baboy ka!" Tinignan ko siya ng masama. Nagsitawanan si nanay at tatay. Pen glared at me.

Hindi mo lang alam Pen hindi ako NBSB.

**

Pagkatapos naming magcelebrate ay umuwi na agad sila nanay, tatay, at Penpen. Dati pa nakaplano 'to na uuwi muna akong San Mateo pagkagraduate ko. Pero nawala lahat ng plano dahil mas gusto kong hanapin ang best friend ko kaysa magsaya bago pumasok sa trabaho. Tinanong din ako ni nanay kung mayroon na ba akong naiisipan na pagtrabauhan. Sabi ko may dalawang kompanyang nag-ooffer sa akin. Pero wala talaga sa isipan ko iyon dahil gusto ko talagang mahanap ang other half ko. Ang best friend ko. Si bes. Si Aly.

Sobrang namimiss ko na siya.

Napaupo ako sa kama ko. Nakakalungkot na parang may kulang sa'yo. Bes.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon