Chapter 43

11.5K 260 31
                                    


Chapter 43

Matulog


Napagpasyahan kong magpahinga muna bago bumalik sa Quezon City. Dinama ko muna ang simoy ng hangin sa Luwasan, San Mateo. Pinakinggan ko muna ang ingay ng alon sa mga oras na 'to. I wish life is peaceful as the sound of the wave right now. Most of time naman payapa ang dagat, that is life sometimes. At minsan, hindi mapakalma, that is also life, sometimes.

Sa buhay natutunan akong hindi sumabay sa alon. Hindi mo kasi alam kung saan ka dadalhin nito. Hindi pwedeng magpatangay ka na lang at hayaang idikta ang buhay sa ganoong pangyayari. You must take the lead. You must know what you're doing. It is the key to be happy with what you have and what you want. It is always like that.

Pumikit ako, at napahiga sa buhangin. Hindi masakit sa balata ng sikat ng araw. Binuksan ko ang mata ko at tinitigan ang langit. It is blue. It is something you want to keep in your pocket. It brings happiness in my life. Blue sky. Blue Ocean. White sand. That's it.

"Nica...alas-dos na..." tawag ni Nanay. "Sobrang gagabihin ka na niyan..." Napaupo ako, at pinagpag ang aking likod. Tumayo na ako, at tinanaw si Nanay na nasa tapat ng pinto. Hindi ko maiwasang mangiti kapag nakikita ang bahay namin. It is the success. It is the success of our hardwork.

Naglakad na ako papunta sa amin. Napansin kong may nadagdag na bahay dito sa aming bayan na Luwasan. Hindi na katulad dati na bilang pa ng daliri mo sa kamay. Ngayo'y hindi na siguro. Siguro sa mga susunod na mga taon, magiging bukas na ang Luwasan sa turismo. Hindi rin natin alam kung anong mangyayari. Mas lalong gumanda lang ang Grecia sa ngayon. Sobra.

"Tawagan ko na lang po kayo kapag uuwi na 'ko," ani ko ng makarating sa bahay. "Saan si tatay?" tanong ko kay Nanay nang makarating ako sa bahay. Naabutan ko siyang pinupunasan ang kamay gamit ang twalya.

"Natutulog. Katabi si Penpen. Mamaya kasi mangingisda silang dalawa...sabi sa akin ni Pen," aniya.

"Nay, 'di ba napag-usapan na natin 'tong pangingisda ni Tatay...bakit—"

"Nak, kahit gantong matanda na kami, hindi na naming maiwasan gawin iyong nakayanan namin. Hangga't maari mas gusto naming may gawin kaysa sa wala..." ani Nanay at kinuha ang bilao.

"Nay...sapat na ako na lang—"

"Nak," ani Nanay, nagsalita muli, "Okay lang kami." Nginitian ako ni Nanay.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige, nay. Una na po 'ko."

Tumango si Nanay sa akin. Naglakad na ako papunta sa kotse.

**

Kahapon, nakauwi yata ako ng Quezon City ng mga alas dyes ng gabi. Diretso tulog kaagad ako at nagpalit na lamang ng pantulog. Pagkapikit ko lang ng aking mata'y siguro nakatulog na ako. Sobrang pagod dahil sa byahe.

Tinignan ko ang aking orasan at mag-alas tres na. Nakabili na rin ako ng regalo ko kay Dei dito sa mall. Ngayon kasi ang kaarawan nito. I feel so disappointed, konti siguro, dahil wala akong text messages na natatanggap. I mean, I don't know, why I'm feeling this. I want to receive a text from him. Yes, from Karl, reminding me, reminding about Andrei's Birthday.

I breathed a sigh.

Nang makita ko ang exit, 'di na ako nagdalawang-isip na 'di na lang kumain at dumiretso na lang ng parking, upang makaalis na. Mabilis ang aking paglakad hanggang sa makasakay ako ng kotse. Nilagay ko sa likod ang regalo ko kay Dei, pagkatapos ay pinaandar na ang kotse. Papaandarin ko na sana nang bigla kong naisip kung paano ako makakapuntang Bocaue, Bulacan. Taon na ang lumipas simula nang makapunta akong Bulacan. At hindi ko alam kung paano ulit makapunta doon.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon