Chapter 24

12.3K 256 14
                                    

Chapter 24

Parehas

"Salamat po talaga, tita Beth at tito Joey. Sobra-sobra pong salamat! Pasensya na po sa abala."

Hindi ko alam kung ilang beses ko sinasabi ito sa kanila. Todo yuko pa ako sa at panay tawa naman nila sa akin.

"Bumalik ka ulit a!" ani tita Beth.

"Baka pagbalik mo rito may laman na 'yang tyan mo," humahalakhak na sabi ni tito.

"Po?" Nanlaki ang mata ko sinabi ni tito Joey. Maraming laman 'tong tyan ko! At hindi mawawalan kailanman. Pero alam ko naman 'yong sinasabi ni tito. Putek, bakit ba bigla na lang akong kinabahan?

"Joey!" Tita Beth gasps. Sinapo niya sa braso si tito Joey pero tumawa lang ito sa kanya. "Nagbibiro lang 'tong si tito Joey mo." Tita smiles at me. "O siya, okay na yata 'yong kotse. Sige na." Napatingkayad si tita para silipin si Karl. Ganun din ang ginawa ko.

Niyakap ko ng una si tito Joey at nagpasalamat muli. Ganon din kay tita at walang sawa niya rin akong pinayuhan. Na lagi ko raw pagbutihan sa lahat ng bagay dahil nakikita ng Panginoon ng kabutihang ginagawa ko at kung gaano kataas ang pangarap ko para sa pamilya ko.

"Ate Nica!"

Lumingon ako bago maglakad. Nakita ko si Dei na may hawak-hawak na stuff toy na unggoy. "For you," panguso niyang sabi dahilan para maging flappy 'yong pisngi niya o ako lang ata ang nagdescribe ng ganon.

"Thank you, Dei." Kinuha ko ang stuff toy na unggoy sa kanya. Niyakap niya ako pagkabigay sa akin at niyakap ko naman siya pabalik. Binuhat ko pa siya at inikot ng isang beses. "Mami-miss kita."

Nagpababa si Dei sa akin dahil nakita niya ang mama niya. "Mag-ingat kayo." Ate Kat said.

Agad na akong lumapit kay ate Kat at niyakap siya. "Salamat."

"'Til next time, Nica."

I nod at ate. Nagba-bye muli ako kay Dei, kay tito, at kay tita. Ganon din kay ate Kat na binuhat si Andrei.

"Ba-bye!" I wave my hand.

Naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa gate. Nilingon ko sila ulit at winagayway ang aking kanan kamay para magpaalam. At nakita ko rin ang pagsilip ni Kez sa bintana. Tinanguan ko siya at lumabas na ng bakuran ng mga de Vera.

Napabuntong hininga ako dahil bigla ko na lang naramdaman ang pagkalungkot. Well, natural naman siguro 'to. Ilang linggo ko silang nakasalamuha at ma-miss ko kung gaano kasaya ang aura ng pamilya ni Karl. Kung gaano ka-positive sa buhay. Ugh, I'm gonna miss them so bad.

"Tara na!"  said by Karl. Nasa loob na siya ng kotse at mula doon ay binuksan niya ang pinto ng kotse. Napangiwi ako nang makita siya. Kanina pa siguro nakapagpaalam itong si Karl sa pamilya niya. Sanay na siguro siya sa ganito. Ganon din naman ako, minsanan lang umuwi ng San Mateo dahil sa pag-aaral ko. Tiisan na lang siguro dahil alam ko naman balang araw kapag stable na ang lahat makakasama ko na sina tatay, nanay, at ang kapatid ko. At malapit nang mangyari 'yon, unti-unti ko ng tutuparin ang pangarap na binuo aking sarili. Iyong pangarap ko sa pamilya ko at mga pangarap ko. "Nica."

Napaghigpit ako sa stuff toy na hawak ko. Mabilis akong sumakay sa kotse. "Atat ka naman masyado," I whispered.

"Look who's talking."

Hindi ko na nakita ang kanyang reaksyon dahil umiwas siya sa akin at pinaandar na ang kotse. I scowl while looking at him. Sumilip naman ang ngiti sa kanyang labi at sobra akong naasar doon. Putek, Karl. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi a! Wala rin naman na akong gagawin dito sa inyo kapag nagtagal pa ako dahil wala naman si bes dito.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon