29. The Day She Left

Start bij het begin
                                    

Nang makapasok si Ray sa kuwarto, agad nitong ni-lock ang pinto. She switched off her mobile phone. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mga mata niya bago kinuha ang maleta na malapit sa may paanan ng kama. Kinuha niya lahat ang mga damit sa wardrobe nang isang higitan lamang na basta na lang niya isinalsal sa maleta. Kasama na ang mga hanger. Kinuha niya rin ang lahat ng mga gamit sa makeup table na basta na lang niya inihuho sa isang rucksack bag. Pati na rin ang mga damit sa CR, basta na lang niya isinuot sa maleta. Humalo na ito sa malilinis niyang damit. Parang ang mga luha niya na humalo na rin sa pawis sa mukha niya.

Tumutulo pa rin nga ang luha niya nang piliting isara ang zipper ng maleta. "Leche naman o, bakit ba ayaw mong magsara!" singhal niya sa maleta. Halos sumabog na ito dahil sa magulong pagkakalagay niya sa mga gamit. Bigla pang nag-flasback ang masasayang moments nila sa penthouse. Tulad noong unang gabi niya sa penthouse noong may sorpresang welcome party sa kanya ang mga ito. Sobrang saya niya noon. 

Hindi niya malilimutan ang pagiging welcoming at generous ni Tara. Lalong-lalo na nang ipakilala siya nito sa favorite niyang author na si JB Tomlinson. *Ang isa pang fino-follow ni Mark sa Pixtagram. Mami-miss niya ang pagtatampo at ka-kyutan ni Anxo. Mami-miss niya ang masasayang kuwentuhan nila sa tuwing sabay-sabay silang nag-aalmusal. Mami-miss niya ang service sa pagpasok sa trabaho at pati na rin sa pag-uwi sa penthouse. Mam-miss niya si Mang Geroge at ang mga luto ni Aling Tetay. Mami-miss niya ang tunog ng pintuan kapag binubuksan ito. At higit sa lahat, mami-miss niya si Mark. Mami-miss niya kapag naabutan itong nagsusulat sa laptop niya. Mami-miss niya kapag bigla na lang siya nitong ipagluluto ng agahan. Mami-miss niya ang minsang pagsusungit nito at ang paminsan-minsan din nitong pag-ngiti. At s'yempre, mami-miss din niya ang halik nito, ang yakap, at ang init ng katawan nito.

Pero nang salubungin siya ng ama kanina sa may parking lot ng Resto Asyano, mas lalo lang naging malinaw ang lahat sa kanya. Halos matumba ito sa kinatatayuan nang mabangga ang ama. "Ray, bakit umalis ka? Ipapakilala pa naman sana kita sa tita Alicia mo," nakangiti pang sabi sa kanya ng ama.

"Dad, no. Why? Sumosobra na po kayo, dad. Sirang-sira na tayo. Hindi na 'to maayos," bulyaw niya rito nang iwanan ang ama. Balak pa naman sana niya itong bigyan ng second chance, pero dahil sa nakita, lalo lang lumalim ang galit niya rito. Ibang-iba 'yung ngiti ng ama niya kanina. Tapos, pakiramdam pa niya, kaswal na kaswal lang dito ang pambababae niya. Harap-harapan pa. At gusto pa talaga itong ipakilala sa kanya? Sabi niya sa sarili, tama ang Tita Ana niya na resto owner ang kabit ng ama. 

Sinubukan siyang habulin ng ama pero dahil sa nakasakay agad ito sa cab, hinayaan na lang niya ito. Hindi na nga nito naiabot sa anak ang naiwang wallet.

Ilang minuto na itong nakasakay sa cab nang tumawag ang ina. Hindi niya kayang sagutin ang tawag nito nang umiiyak siya. Hindi niya rin kayang sabihin dito ang nakita niya sa resto. Hindi pa sa ngayon, sabi niya sa sarili.

Ngunit nang pababa na siya ng cab, noon na lang niya namalayang nawawala ang wallet. Muntik na niyang mapindot ang contact number ni Mark sa phone. Mabuti na lang at tumawag sa kanya si Rayco na nagtatanong kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag ng ina. Dito na rin siya nakiusap na mag-online transfer ng pera sa driver ng nasakyang cab.

***

Kumakain ng ramen sa pool area si Anxo nang makababa si Ray sa salas. Malakas ang volume ng naka-play niyang music sa phone na naka-connect sa bluetooth speaker nito habang sarap na sarap ito sa kinakain.

Kahit hirap na hirap sa pagbaba sa hagdanan, pinilit buhatin ni Ray ang maleta. Dahan-dahan para iwasang mapansin ng dalawa. Pero nang malapit na itong makababa, noon na ito napansin ni Mark na nasa salas lang. Kanina pa pala niyang hinihintay makababa si Ray. 

The Name In Your BookWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu