9. The Housemates

198 18 32
                                    

"Are you okay?" pagaw ang boses na tanong ni Caleb. Ngayon lang napansin ni Ray na pareho sila ng mata ni Anxo. Pero ang well-defined at chiseled jawline nito ang mas nagpasexy sa kanya. Visible din ang cheekbones nito na bumagay sa shape ng kanyang mukha. Isama pa ang maraming tattoo nito sa katawan. Pati na rin ang maliit na tattoo nito sa leeg. Parang natigilan si Ray at hindi agad nakasagot kay Caleb. Kung hindi pa siya nito aalalayan na ituwid ang katawan at ibalik ang bigat sa mga paa, baka nalimutan na niyang may dila siya at marunong siyang magsalita. "So-sorry. Sorry guys," bimbing sagot niya sa binata.

"Are you sure you're okay?" segunda pa ni Tara.

"Y-yes, yes. Thank you. Thank you sa inyo."

Inalalayan naman siya ni Anxo sa pag-upo sa kulay puting lounge chair sa pool deck nang tuluyan nang bumalik sa tabi ni Mark itong si Caleb. Malapit ang lounge chair sa gutter ng pool kung saan nakapuwesto sina Caleb at Mark. Hindi pa rin sila tumutubog sa tubig. At tulad kanina, nahuli na naman ni Ray ang tingin ni Mark sa kanya. At dahil hindi na naiiwas ni Mark ang tingin, pinili na lang niyang kausapin ito. "Be careful, okay?" sabi na lang ni Mark para hindi maging awkward ang pagtatagpo ng mga mata nila. Balak din naman sana ni Mark na saluhin si Ray kanina. Naunahan nga lamang siya ni Caleb na siyang mas malapit sa dalaga kanina.

"Okay po." Nahihiya ito sa tatlong binata. Pero dahil sa tingin ni Mark kanina, mas nahihiya ito rito. Gusto niyang malaman kung bakit ba ito tingin nang tingin sa kanya. Ano bang gusto nitong sabihin sa kanya? Nagulat nga rin siya na hindi na siya nito tinawag na Raymen Girl.

"So sinong kukuha ng tray sa pool?" tanong naman ni Tara habang nakatingin sa tatlong binata na nakapalibot sa pool.

Tatalon na sana si Mark sa pool ngunit naunahan na naman siya ni Caleb na bukod sa certified swimmer, hindi rin niya mabasa ang tumatakbo sa isipan. Bumalik si Anxo sa kusina para kunin ang natitirang baso at cake. Nang makuha naman ni Caleb ang tray, ipinatong lang niya ito sa tapat ng lounge chair na kinauupuan ni Ray. Walang sabi-sabi na bumalik ito sa kaninang kinatatayuan. Hindi man lang ito lumingon kay Ray.

"Thanks, bro," sabi ni Tara sa kapatid. Hindi naman sadyang gano'n ang personality ni Caleb. Pero sa ngayon, nasasanay na rin siya rito.

"Okay, shall we start?" sabi ni Anxo nang makabalik sa pool area. Dala na nito ang ilang red paper cups at ang isang medium size na strawberry cake na kinuha mula sa kusina. Napalunok si Ray. She didn't know what to expect. Anxo turned the Bluetooth speaker in full blast. Hindi upbeat ang unang song sa playlist niya kaya pumili siya ng bagong kanta. Nang maayos ang playlist, umupo siya sa tabi ni Ray. "Okay ka na? Gusto mo pa ng drinks?" tanong nito sa dalaga.

"Okay na ako rito." She was pertaining to the 330ml bottle of rhum in her hand. "Ikaw, sure ka ba na okay na? Kagagaling mo lang sa ospital."

"Nah, I'm fine now. Sorry pala if you've been dragged into this. It's all my fault," seryosong sabi nito nang bahagyang itungo ang ulo.

"'Wag mong sabihin 'yan. It's not like I was in the park because of you," she lied. "So don't blame yourself."

"But it could have been a normal day for you kung hindi ako nabaril sa park. Siguro nga, maging thankful na lang din ako na na-survive ko 'yon."

Tumango si Ray.

"By the way, I heard you were reading The Penthouse Lovers when that happened. What a coincidence!"

"Yes, hindi ko pa nga tapos basahin." Gusto niya rin sanang itanong kung nag-deactivate ba ito ng social media account niya dahil hindi na niya ito mahanap.

"Did you know that Rocket...?"

"No," putol ni Ray kay Anxo. "Wag mo 'ko i-spoil."

"Biro lang. But I love Rocket. I like her character and how she changed after meeting Hiro." He was pertaining to the main characters in Mark's novel.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now