15. The Secretary (2)

153 16 26
                                    

Nagulat si Ray nang iluwal ng pinto ang seksing EA ni Mark. Sopistikada ito sa suot na trench coat. Sinundan ito ni Caleb na may bitbit na apat na kahon ng pizza. "Sir!" bati pa ni Amber nang makita ang boss bago lumingon sa mga kasama ng boss sa salas. "Hello ulit, Sir Third. And ano ngang name mo, gurl?"

Lalo tuloy nairita si Ray sa bisita. Kagagaling lang nito sa penthouse kahapon at ngayon nandito na naman siya. Ni hindi rin niya alam kung ito na rin ang kasama ni Mark noong Linggo. Pero bago pa siya nakasagot sa tanong ni Amber, itong si Amber na rin ang sumagot sa sariling tanong, "Ah, Rayshel nga pala. What a unique name." Pero sa sweatpants naman ni Mark ito nakatingin at hindi sa kausap. First time niya bang makita ito na naka-sweatpants lang? May hinahanap ba siya sa sweatpants nito? Manipis ba ang tela noon? Sobrang fit ba no'n? All these questions crossed Ray's mind.

"Nadala mo ba?" tanong naman ni Mark sa EA niya kaya hindi na rin nag-reply si Ray.

Sa pool area itinuloy ng dalawa ang usapan. Hindi na bumaba si Tara dahil kausap pa raw nito si Edmund sa phone. Bukod sa nakahain na pizza, nagtimpla si Ray ng orange juice sa kusina. At sadya niyang inabutan ng baso si Amber.

"Sorry gurl, I don't drink OJ," tanggi ni Amber. 

"Akin na lang," sabi ni Mark nang agad kunin ang basong inaabot ni Ray.

"Ako rin, Ray," hirit naman ni Anxo kaya agad din niyang nilagyan ng juice ang baso nito. Labas ngipin na naman ang ngiti nito. Paano ba siya mahihindian ni Ray?

Nang matapos ang diskusyon nina Mark at Amber tungkol sa FATE na inabot ng halos tatlumpung minuto, tinanong ni Mark kung ihahatid na niya ito.

"Grabe ka naman, sir. Kakarating ko lang," biro pa ni Amber sa boss niya at mapapansin na parang nilalaro nito ang kanyang buhok. 

"Bakit gusto mo bang mag-swimming?" biro rin ni Mark. Rinig din iyon ni Ray kaya naalala na naman niya ang unang gabi niya sa penthouse.

"Why not?" agad na tugon ni Amber. Mukhang seryoso ito.

Wala na sa pool area si Anxo at abala naman si Caleb sa phone nito dahil sa kanina pang kausap doon habang si Ray ay nakaupo lang sa lounge chair na malapit sa pool.

"I don't feel like swimming," usal ni Mark. Nag-inat pa ito bago ilagay ang mga kamay sa likuran ng kanyang ulo. 

"Biro lang naman, sir," natatawang sabi ni Amber. May pagtapik pa ito sa dibdib ng boss niya.

"Nasa'n na nga ba si Anxo?" tanong naman ni Ray dahil kanina pa nila itong hindi nakikita. Sadya niyang nilakasan ang pagkakasabi para makuha ang atensyon ni Mark. Narinig pala siya ni Caleb kaya itinuro nito ang hawak phone habang kinakausap si Ray nang walang boses. Hindi naman nabasa ni Ray ang bukas ng bibig nito at inisip na lang na si Anxo ang kausap nito sa phone. 

Ngunit biglang dumilim ang paligid nang mamatay ang lahat ng mga ilaw sa buong penthouse. Napairit si Amber. Kinabahan tuloy si Ray. Pero pagkatapos naman ng halos limang segundo, agad ding nagbalik ang liwanag ng mga ilaw sa paligid. Nagulat na lang din sila nang biglang tumunog ang lock ng pintuan. Sadyang rinig iyon hanggang sa pool area. "Lumabas ba si Third?" tanong naman ni Mark nang agad itong pumasok sa loob para silipin kung si Third na iyon.

"Nawala siya e. Naputol ang tawag niya nang mag-brown out," sagot naman ni Caleb na agad ding sumunod kina Mark at Ray na nasa loob na ng penthouse. Naiwan si Amber sa pool area.

"Bumaba siya? Kasama niya ba si Kuya George?" aburidong tanong ni Mark.

"May bibilhin lang daw siya sa baba. Tapos tinawagan niya nga ako, may pinabibili rin ako, 'yun nga lang naputol ang call," sagot ni Caleb na nagulat din nang si Mang George lamang ang iniluwal ng pinto. Wala si Anxo.

"Putcha, nasa'n na 'yon," usal ni Mark, umasang kasunod lang nito si Anxo. "Kuya George, hindi n'yo ba talaga kasama si Third?" Dire-diretso naman ito sa labas para sumakay sa elevator habang hawak ang phone at sinusubukang tawagan si Anxo sa phone nito.

"Hindi po niya sinabi, sir, na bababa siya ng tower. E nawalan nga po ng kuryente kaya papasok sana ako para i-check kayo rito." Hindi na ito nakadiretso sa loob ng penthouse dahil agad na rin nitong sinundan si Mark na nagmamadali sa pagbaba. 

Nagtataka naman si Ray kung bakit ang OA ng reaksyon at kilos ni Mark. Pero dahil dito kaya kinabahan na rin siya sa nangyayari.

"Cannot be reached na ang phone niya. Putcha ano bang bibilhin niya, sana sa 'kin na lang niya sinabi," reklamo pa ni Mark nang magsara ang elevator. Bukod kay Mang George, kasama na niya sa loob sina Ray at Caleb.

Mabilis naman ang elevator at agad nilang narating ang ground floor. Kinausap muna niya ang nakasalubong na maintenance staff paglabas ng elevator para siguraduhing hindi nagkaproblema sa elevator at walang taong na-stuck sa ibang elevators. Wala naman daw. Naunang maglakad papuntang convenient store sina Mang George at Caleb habang si Ray ay nakabantay kay Mark.

Nang maabutan nila sina Mang George at Caleb sa loob ng convenience store, noon na lamang nakahinga nang maluwag si Mark. Nakatayo sa harapan nila si Anxo na may hawak na plastic bag sa kaliwang kamay at hawak naman ng kanang kamay nito ang iniinom na banana milk na may maliit na straw. "Gusto n'yo?" nakangising bungad nito sa apat. 

Lumingon muna si Mark sa paligid na tila ba'y hinahanap doon. "May choco flavor ba?" turan nito kay Anxo. 

"Nabili mo 'ko?" tanong naman ni Caleb.

Natawa na lang si Ray kaya agad nagtungo sa rack ng mga chocolates. Bukod sa sinabi ni Anxo na drained na ang battery ng phone niya, hindi na niya narinig ang usapan ng apat dahil sa nakalayo na siya sa mga ito. Ngunit nang mapalingon naman siya sa may pintuan ng store, noon niya natanaw ang  lalaking may suot na sumbrerong itim. Feeling niya, ito 'yung lalaking nakita niya noon sa harap ng Tell Adworks. Mukhang galing ito mula sa gawi ng mga elevator at ngayo'y parang papasok din sa loob ng convenient store. Hindi na niya naisuot ang eyeglasses na naiwan sa loob ng penthouse. Ramdam niya ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan niya. At lalo siyang nanghina nang lingonin siya ng lalaking iyon. Tumigil pa nga ito sa paghakbang at bahagya nitong itinaas ang suot na sumbrero. 

🥤🥤🥤

AN: Hello, Hunters! I hope all is well and safe.

And... we're halfway through the story. 15-20 more chapters, I guess. Again, thank you so much for continuously reading this story. Don't forget to VOTE by clicking the star button.

Ano bang mga ine-expect n'yo sa mga susunod na chap? Just comment your thoughts down below.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon