11. The Best Friend (2)

190 16 19
                                    

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Mark nang wala nang lumabas na alak mula sa huling bote ng beer na hawak niya. Noon na rin ito tumayo mula sa pagkakaupo. Inisip niya kung ano ang ibig sabihin ni Caleb sa sinabi niya. Tahimik na sa pool area dahil nga siya na lang ang naiwan doon. Naisip niyang maglakad-lakad muna. Pero dinala siya ng mga paa sa harapan ng guest room. Siguro dahil sa hindi rin maalis sa kanya ang mga sinabi ni Ray. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para silipin ang dalaga. Gusto niyang masiguro kung naihatid nga ba ito ni Caleb nang maayos. Pero hindi niya maintindihan kung bakit nalungkot siya nang makitang tulog na ito. Nang mapansin ding wala itong kumot, kinuha niya ang extra na kumot mula sa drawer at saka ipinatong sa katawan nito. Umupo siya sa tabi ng kama at bahagyang sumandal sa headboard nito. Naalala niya nang mahimatay ito sa ospital noong nakaraan at kung gaano niya katagal natitigan ang mukha nito. Napalunok ito. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga. Napatigil na lang siya nang biglang magbukas ang pinto ng restroom. "Bro," gulat niyang sabi at agad na tumayo mula sa pagkakaupo.

Nakalabas na si Caleb ng restroom nang magsalita. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa pinsan.

"I was looking for you. I know I'd find you here," palusot ni Mark.

"Ah naghilamos lang ako ng mukha. Tara?"

Naunang lumabas si Caleb dahil ito na raw ang kukuha ng natitirang alak sa kusina. Bago umalis si Mark, napatingin ito sa restroom kung saan nanggaling si Caleb. Nang mapako ang tingin sa doorknob, sumagi sa isipan niya ang isang plano. Naalala niya kasi ang mga sinabi nito sa kanya kanina at kahit na sa maliit na bagay, gusto niya ring makaganti rito. Gusto lang niyang mahirapan ito sa paghahanap ng maliliguan kinabuksan.

***

Dahil sa late na silang natulog ni Caleb pagkatapos magpakalasing kagabi, late na rin siyang nagising kinabukasan, but at least, a few minutes earlier than Ray. Marami siyang kailangang tapusin sa opisina. Pero noon pa talaga nasira ang heater sa shower room ng kuwarto niya kaya sa restroom sa baba na siya naligo. Sa pagmamadali, hindi na niya nai-lock ang pinto. Naalala lang niya ang masamang plano kagabi nang biglang pumasok si Ray sa loob nang katatapos niya lang magtapis ng tuwalya.

***

Mabilis ang oras sa opisina. Dahil sabik nang umuwi, pinilit niya na maagang matapos ang mga gawain. Nang makausap si Anxo bago ito umuwi, kinumusta nito kung paano nakapasok si Ray. Busy rin ito maghapon at hindi na nakausap si Mang George. Sinabi niya rito na isinabay na lang niya si Ray kanina. Noon nagbilin si Anxo na dapat si Mang George ang laging maghatid rito para mas safe daw ito. "Mas okay din siguro kung lagi na lang kami ni Ray sabay sa pagpasok," suhestiyon pa nito kay Mark. Noon na tuluyang naglaho ang kasabikan ni Mark sa pag-uwi sa penthouse. Minsan lang iyong mangyari, kapag bumibisita sina Mek at Aki sa penthouse. Pero dahil wala na rin naman siyang gagawin sa opisina, sumunod na rin siya kay Anxo pagkaraan ng ilang minuto.

Nang makarating sa penthouse, hindi naman niya inaasahang maabutan ang dalawa sa salas. Dumiretso muna ito sa sofa. Nang mapatingin naman kay Ray naalala niya ang eksena nila sa restroom kaninang umaga at ang pagbisita niya sa kuwarto kagabi. Bagay na hindi niya aaminin kay Ray.

Nang umalis si Mark para magpalit ng damit, sumunod na rin si Anxo rito. Pero hindi naiwang mag-isa si Ray dahil pagkatapos tumunog ng door lock, iniluwal ng pinto ang guwapong si Caleb sa itim na polo shirt nito. Doon din ito dumiretso sa dako niya at saka umupo sa sofa. "Kumusta?" bungad nito sa kanya habang nakaharap sa hawak na phone.

"Okay naman. Muntikan na nga lang akong ma-late kanina, 'buti naisabay ako ni Mark," bida niya.

Iniangat ni Caleb ang tingin para masipat ang mukha ng dalaga. "Hindi ka inihatid ni Manong George? Tulog pa si Mark nang ihatid niya si Third," pagtataka ni Caleb. "At malapit lang naman dito ang Tower 1."

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon