26. The Day He Wrote Her Name

172 9 10
                                    

Tahimik sa production area ng TA nang dumating si Ray. Rinig pa niya ang naputol na bulungan ng mga tao at ang ingay mula sa biglang pag-agit-it ng mga upuan nila. Sinilip niya ang cubicle ng manager niya at saka lang naalalang naka-leave nga pala ito nang hindi makita roon. Sinabayan pa ito ni Camberina kaya tuloy walang maingay na bumati sa kanya pagpasok ngayong umaga. Hinubad muna niya ang suot na plaid blazer nang mahila ang swivel chair na uupuan niya. Pinatong niya iyon sa taas ng upuan niya bago naupo. Sinilip niya ang mukha sa maliit na salamin sa desk niya nang makaupo bago inilugay ang buhok. Ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon. Kahit may nakitang maliit na tighawat sa may baba, ang ganda-ganda pa rin ng tingin niya sa sarili. It's not because she's wearing her favorite ruffled sleeve top and her high-waisted plaid plain skirt. Pero dahil s'yempre, kasabay niyang umalis ng penthouse si Mark kanina at kulang na lang ay maghalikan sila sa likod ng SUV. If only Mang George was not there, baka nga hindi na naman nila napigilan ang mga sarili.

Napakagat siya sa kanyang lower lip nang maalala ang nangyari sa kanila kahapon sa bahay nila. Pero kahit masaya sa nangyari, nando'n pa rin ang guilt na nararamdaman niya. Bukod do'n, iniisip pa rin niya ang ama at kung bakit nito nagawang lokohin ang ina. Nag-aalala siya sa ina. Nag-aalala rin siya kay Anxo dahil sa nakita si Nathan sa harap ng tower kagabi. 

***

Napaumis si Mark nang basahin ang text sa phone niya na agad namang napansin ng mga tao sa harapan niya. Nasa loob sila ng boardroom para sa isang mahalagang meeting. At bagay na bagay talaga rito ang suot na itim na polo shirt. Dahil sa pagiging okupado nito, inasar tuloy ito ni Caleb. Ang sabi pa nito, "At mukhang okay na okay kayo sa penthouse ah?" Pero nginitian lang siya ni Mark bago ibinalik ang tingin sa phone para mag-reply sa ka-text. 

Nang matapos ang meeting, seryoso ang mukha ni Mark nang sabayan siya ni Caleb sa paglalakad sa isang mahabang hallway. "Rayco told me," umpisa niya. "He texted me yesterday. Okay ba talaga kayo ro'n?"

Naalala niya nang pumunta siya sa bahay nina Rayco kahapon at nang bigla na rin itong umalis nang makita sa tapat ng bahay ang SUV na minamaneho ni Mang George. Umuulan kaya hindi na rin ito bumaba.

Iba naman ang naalala ni Mark. Bigla niyang naalala nang unang beses siyang makarating sa bahay nina Ray nung araw na masiraan ng sasakyan si Rayco. 

Pagpasok sa bahay, bumungad agad sa kanya ang malaking litrato ng mga magulang nina Rayco noong ikasal ang mga ito. Nakasabit iyon sa dingding na nakaharap sa pintuan. Bukod sa nagulat dahil sa nakita sa wedding picture na 'yon, natakam agad ito sa amoy ng nilulutong ulam ni Mrs. Ruiz. 

Kaya ngayong kasabay niyang kumain si Ray sa mezzanine ng FATE Tower, naalala rin niya nang pa-simple niya itong panooring kumain nang unang beses na nakasabay niya itong kumain sa iisang mesa—noon ngang isama ito ni Rayco noon. Hindi niya alam kung bakit aliw na aliw siyang panoorin ito. Nagulat nga lang din siya nang mahuling nakatitig din sa kanya si Ray. Lalo na nang sinabi rito ni Ray na pamilyar ito. Akala niya noo'y naalala na siya nito.

Nang matapos kumain, nilibot muna ni Ray ang tingin sa buong mezannine, bago tinanong ang binata kung bakit nakatitig ito sa kanya.

"I love watching you eat," may umis na sagot ni Mark. "Go on. Sorry."

"Kahit kulang na lang kamayin ko 'tong rice?" biro pa ni Ray. Bigla siyang na-conscious sa mukha. Baka kasi mapansin pa ni Mark ang tighawat niya. 

"Kahit pa kumain ka na parang aso sa plato mo, that won't matter. Because whatever you do, you will always be beautiful to me."

"Bakit sinasabi mo 'yan?" sagot ni Ray habang pilit itinatago ang kilig. "And just curious... why you'd been avoiding me in the past? Anong meron?" Gusto rin sana niyang itanong sa binata kung ano na nga bang meron sa kanila ngayon. Ngunit bago pa makasagot si Mark, agad namang nag-vibrate ang phone ni Ray at bumulaga sa kanya ang text ng manager. Ang sabi nito, may urgent meeting daw sila bukas at p'ede na siyang umuwi ngayon nang maaga. Masaya naman siya na maagang pinauwi ng boss dahil makakapunta agad siya sa ospital. Agad nitong chinat si Yurena at sinabi rito na maaga siyang pupunta sa ospital. Late na kasing naka-reply si Yurena sa text niya kahapon at nasa penthouse na siya nang ikuwento rito over the phone ang nangyari sa ina.

Nagpanggap na may sakit si Yurena kaya pinauwi na rin nang maaga ng boss nito. Kaya naman nakasama ito ni Ray na bumisita sa ospital. Suot pa nito ang uniform, proud and loud. Naka-tuck-in ang white polo shirt sa sedang pantalon. Naalala rin tuloy ni Ray ang internship days nila noong mag-suot din siya ng gano'ng uniform. Mabuti na lang at walang uniform sa TA. Kahit papano, nasusuot niya ang mga gusto niyang isuot. 

Napahinga nang maluwag si Mang George nang maihatid ang dalawa sa ospital. Kinausap nito si Ray bago ito umalis. 

Nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Mrs. Ruiz nang bumungad dito ang dalawang bisita. Dahan-dahan namang pinatong ni Yurena ang dalang fruit baskets sa side table bago kinumusta ang ina ng BFF niya. Nainis nga lang si Ray rito nang batiin pa nito ang ama bago ito lumabas ng kuwarto. Binati rin si Ray ng ama pero gusto niyang isiping hangin lang itong dumaan sa harapan niya. 

Nang lumabas ang ama, ayaw niyang isipin na pupuntahan nito ang kabit na iniisip niya. Pero yun 'yong sumasagi sa isip niya. Gusto niya sanang mag-soju kasama si Yurena para ikuwento rito ang lahat bukod sa nangyari sa kanila ni Mark. Pero iniiwasan naman niya ang maglalabas na hindi kasama si Mang George tulad ng bilin nito. Nahihiya na rin naman siya na lagi itong inaabala ga'yong kailangan din nitong bantayan sina Anxo.

Mabuti na lang talaga at bumisita si Yurena sa ina. Kahit papa'no, sumigla ito. Nakahahawa nga rin siguro minsan ang pagka-bubbly nito.

Ray was also relieved* nang malaman na malapit nang lumabas ang ina sa ospital. Gusto pa sana nitong ma-interview ang ina tungkol sa nangyari sa ama kaso naalala niyang ayaw na ng ina na pag-usapan pa iyon kahapon. At baka nga ngayon, hindi pa rin niya iyon gustong pag-usapan. That's what she thought. Sa mga panahong ganito siya mas naiinggit kay Rayco. Alam niyang hindi naglilihim ang ina sa kuya niya, sa paboritong anak. 

***

Nang maihatid ni Mang George si Anxo sa penthouse, naabutan na nito si Mark sa salas. Nagtaka pa nga ito kung bakit ang aga nitong umuwi ngayon. Lunes at alam niyang maraming trabaho sa opisina. 

Nagbihis muna si Anxo bago binalikan ang kapatid sa salas. Nagtagal pa nga ito dahil sa nag-shower na rin.

"I don't think alam na ni Ray," bungad pa sa kanya ni Mark nang muli silang magkita sa salas.

"Itanong ko ba sa kanya?" sagot ni Anxo, looking worried. 

"I was about to tell her earlier nang magkita kami pero..."

"Oo nga, mas maganda siguro kung sa 'yo manggagaling."

Bigla namang tumunog ang pintuan bago ito dahan-dahang nagbukas, at bahaghya pa rin silang nagulat sa dalawang iniluwal ng pintuan. 


AN: Part 1 of Chapter 26, everyone! What can you say? Planning to post the second part before Christmas. Fingers crossed🤞🤞🤞

I wish everyone a happy 2020 Christmas. We've all been through a lot this year and I still hope that this holiday reminds us to be ever mindful of our blessings and to always give thanks for our lives, the roof over our heads, the food on our tables, our friends, and our families for their presence, love, and support. 💛💛💛

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon