24. The Broken Glass

182 11 8
                                    

Nagunita ni Ray nang unang beses niyang makita si Mark na ngayo'y alam na rin niya kung bakit mabilis niyang nakalimutan. 'Yun ba namang duguan ito at akala'y hindi na makaka-recover mula sa aksidenteng 'yon. Bukod sa hindi matandain sa mukha, hindi rin naman sila nagkaro'n ng pagkakataong makapag-usap. Pagkatapos niyang isulat ang incident report, isulat ang pangalan doon, at mapirmahan, umalis na rin siya ng ospital. Tapos, paglipas ng isang taon, noong hindi pa niya naalala na ito ang lalaking naaksidente sa motor, muli siyang nakita ni Mark sa bahay nila noong isama ito ni Rayco at sabayan silang mag-dinner. Ang alam lang niya noon, ito ang lalaking nagsulat ng librong TPL. At noo'y katatapos lang niya itong i-search sa internet dahil sa kabibili niya lang na kopya ng libro nito, na binili lang naman niya dahil sa dedication page nito, dahil sa pangalang nabanggit doon. Kaya lalong hindi niya inaasahang makikita muli si Mark ng sumunod na araw. Doon pa sa parehong ospital kung saan nila ito dinala noon, ang ospital kung saan isinugod si Anxo dahil naman sa tama ng baril dito. Noon niya lang din nalaman na half-brother ito ni Anxo. At lalong hindi niya inaasahan na makakasama pa niya itong kumain ng ramen noong gabing iyon bago siya nito inihatid sa bahay nila. Mas lalong lumiit ang mundo nila nang pinatira na siya nito sa penthouse at noong nalaman niyang isa pala itong Rushton. At kahit gaano kasikat at karami ng fans at followers, finollow pa siya nito sa Pixtagram. At kahit pabago-bago ang pakikitungo nito sa kanya, hindi pa rin noon kayang higitan ang lahat ng tulong na naibigay nito sa kanya. Siguro nga'y hindi na niya namalayan na unti-unti na rin siyang nahuhulog sa binata. Hindi niya inaasahang mabilis darating ang araw na tuluyan niyang maramdaman ang init ng halik nito. Sa pareho pang araw na tinangka niya itong halikan. At marahil dahil sa bugso ng damdamin, sandali nilang nakalimutan na hindi lang sila ang tao sa penthouse. 

Kaya naman bukod sa nagulat si Anxo sa nasaksihan sa pool area, sobrang nagulat din si Mark nang muli na namang makarinig ng nagtatalsikang pira-piraso ng mga bubog, takot na baka may masugatan na naman. Agad nga nitong inilayo ang sarili kay Ray at halos matumba si Ray nang mabitiwan nito. Tumakbo ito palapit kay Anxo para sana pulutin ang mga nabasag na bubog sa may paanan nito. Hindi naman mabibitiwan ni Anxo ang hawak na baso kung wala sa likod nito ang ama, ang Chairman ng FATE.

"Dad?" nagulat na usal ni Mark nang makita ang ama na tumabi sa pagkakatayo ni Anxo. "Ba-bakit po kayo napabisita?" patuloy nito nang agad tumayo. 

"Gusto ko lang kayong makita dito sa penthouse," seryosong sagot nito kay Mark. Nakasuot ito ng berdeng polo shirt at khaki na shorts. Pareho sila ng mga mata ni Mark.

"'Eto namang si dad, para namang hindi po tayo nagkikita sa opisina," masayang sabi ni Anxo na kanina pang tinitingnan ni Ray. Ngunit hindi pa nito naibabalik ang tingin kay Ray. Naka-pokus lang ito sa mga bubog sa may paanan, iniiwasang maapakan kahit isang maliit na butil.

Habang si Ray naman ay hindi makatingin nang diretso sa Chairman ng FATE. Hindi niya inaasahang makikita ito sa penthouse. Iniisip din niya ang posibilidad na nakita nito ang nangyari sa kanila ni Mark kanina. 

"Sana po, nagsabi kayo, para naipaghanda namin kayo," naiilang na sagot din ni Mark nang muling yumuko para pulutin ang mga bubog sa sahig. 

Hindi pa nga nila napupulot ang bubog ng nabasag na plato, mayro'n na namang bago. Iyon naman ang iniisip ni Ray.

"Hindi naman ako magtatagal, ano bang nangyari dito?" seryosong sagot ng Chairman nang ibaling ang tingin kay Ray. Pansin nito ang mga bubog sa sahig.

Noon na lalong kinabahan si Ray. "Magandang umaga po," bati nito nang magtagpo ang mga mata nila ng Chairman. Agad nitong dinampot ang tasang ginamit ni Mark. "Kunin ko lang po ang walis sa kusina," dagdag nito nang mabilis na pumasok sa loob. 

Nang makarating sa kusina, agad niyang hinanap ang walis at dustpan. Naiinis siya sa sarili. Ang dami niyang tanong. Tulad ng bakit ngayon pa bumisita ang Chairman? Ngayon pa na nakabasag siya ng plato. Hiyang-hiya siya rito. Kaya nagulat siya nang salubungin ni Anxo nang babalik na sana siya sa pool area. She was also unaware na hindi niya naman dala ang walis at dustpan.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now