Chapter 4

71 7 0
                                    

At dahil tapos na ang Semi-Final, I decided na mag-advance study ako sa mga topics for Finals. This is it. My first year in college will be over and I have to maintain my grades even more.

No time for barkada, Maris. Kailangan nating makaraos sa buhay.

The motivation for Finals: I'll ask myself "Do you like being poor?"

I sighed.

Kasi hindi naman ako makakapag-aral sa bahay... ng Auntie ko. Kailangan kong gawin mga hour chores kahit papano naman hindi makikita ni Auntie nagpapabigat lang kami.

Nakauwi ako habang nakasulubong ko naman si Maro palabas ng bahay.

"Oh, saan ka papunta?" I asked.

"Why do you care?" He said. Tipid siyang magsalita, opo. Pero minsan nababastusan na din ako sa kanya. Minsan maaawa ako pero minsan maiinis talaga ako ng sobra.

"Kasi kapatid kita at pagabi na."

"May kailangan lang puntahan." Sabi niya. I nodded. Sige nalang. Hindi naman to first time. Uuwi naman siya before curfew.

"E sila Mama at Papa?" I asked.

I saw him flashed a smirk.

Umalis siya nang walang binitawang salita. Tumuloy ako sa bahay at nakita kong walang ibang tao kundi si Auntie lang.

"Mano po." Sabi ko at saka kinuha ang kamay niya at nagmano. Nagluluto siya ng sinigang na baboy. Nakaramdam tuloy ako ng gutom kahit kanina ko pa ini-ignore na gutom talaga ako.

"Magbihis ka na at kumain." Sabi ni Auntie.

"Opo."

Pagkatapos ng Dinner ay naglinis ako sa buong bahay. Yun lang naman ang kaya kong pambawi sa kanya habang si Ate naman ay nagbibigay din supporta kay Auntie sa Kurente at Tubig. Minsan hindi niya tinatanggap pero minsan tinatanggap niya at gagawin lang ding Ulam namin o kaya regalo.

Napahiga ako sa kama ko.

Napaisip ako.

"Palagi nalang ba ganito?" I asked myself.

I sighed.

Pumikit ako.

Lord, give me a sign na magbabago ang buhay ko. Yun bang makakaramdam ako ng kahit konting kasiyahan o kaya mas malaking sense of achievement. Yung bang kung ano man ang kulang ko sa buhay ngayon ay bibigyan mo ako nun.

Idinilat ko ang mga mata ko.

Nag-blackout.

Sure na ba talaga to, Papa God?

Biglang may nagpailaw sa corner at nakita ko si Ate na iniilawan ang kandila. May dala pa siyang bag at naka uniform pa.

"Ate."

"Anong ginagawa mo? Matutulog ka na pala?" Sabi ni Ate habang nilalagay niya ang bag niya sa gilid ng maliit na makalat na kwartong ito.

"Ah, napapikit lang." Sabi ko.

Andilim.

Pero hawak ni Ate ang ilaw.

"Baka pagod ka, magpahinga ka na." Sabi ni Ate. "Kakain muna ako sa baba ah."

"Sige po."

Pagkabukas ni Ate sa pintuan ay bumalik din ang kuryente.

"Oh, umilaw na. Tulog ka na." Sabi ni Ate at nginitian ako. Umalis siya at isinara ang pinto.

Napaisip ulit ako.

Sign po ba yun?

Thorns After Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon