-- Mask --

7 0 0
                                    


Nagrereview ako habang nag-iisip ng kung ano-ano kaya tinigil ko na muna.

Binuksan ko na lang muna yung bintana ko dahil gusto kong tingnan if uulan ba o hindi and the sky makes me calm.

Nakatingin lang ako dun and walang stars or moon and natawa na lang ako nung narealize ko na parang ako pala yun.

Walang nararamdaman, walang emosyon, pero napapakita ko yung tawa ko o ngiti ko. 

Napatulala na lang ako at naisip ko na tawagin na si Brix kasi siya lang ang alam kong makakatulong sa akin kahit kaunti.

"Fia, bakit?" tanong nya agad.

 "Aalis ka?" balik kong tanong kasi gusto kong umalis at alam ko din namang umaalis siya paminsan-minsan dahil sa business nila.

"Oo, bakit nga?" sagot nya.

 "Sama ako, dali. Please." at pinaliit ko pa boses ko para pasamahin nya lang ako.

"Oo na, paalis pa lang ako ng bahay namin." saad nya kaya nagpaalam na agad ako sa kanya para matapos  na nya ginagawa nya.



Nagsuot lang ako ng jacket dahil maayos naman na yung suot kong pangbahay.

Saglit lang ako naghintay dahil nagtext siya na nasa labas na raw siya kaya lumabas na ko.



"Anong sumapi sayo?" tanong nya agad sa akin pero nginisian ko lang siya at umiling.

 "May problema ka?" tanong nya pa at umiling ulit ako kahit na gusto kong magkwento or ilabas lang lahat ng nasa isip ko pero may pumipigil sa akin.

"Gusto ko lang umalis." sagot ko sa kanya.

 "Saan ka nga pala pupunta?" tanong ko kasi hindi ko naman siya natanong kanina. 

"Tagaytay, may kailangan daw ako kunin." sagot nya at hindi pa rin siya nag-iistart magdrive.

"Nagpaalam ka?" tanong nya pa kaya napatingin ako sa phone ko.

 "Magpaalam ka muna, baliw." saad nya kaya umakto akong nagtatype sa phone ko.

"Ay, bukas pa pala sila uuwi." sagot ko sa kanya kahit na wala namang sinabi kasi ayoko ng magexplain.

"Yan, tatakas ka pa ,ah." natatawang saad nya  kaya pinilit ko din yung sarili kong matawa.

"Sige na, baka malate or matraffic ka pa." saad ko kasi kahit gabi alam kong medyo traffic sa Tagaytay or baka ngayon hindi na?

"Ok ka lang ba?" tanong nya sa akin kaya tiningnan ko siya sa mata para hindi nya ako pagduduhan or what.

"Oo naman." sagot ko 'Hindi na! Hindi ko na kilala sarili ko.' kahit yan ang gusto kong isagot.



Ngumiti ako ng maliit sa kanya kahit na pinipigilan na ako ng utak ko dahil niloloko ko lang naman sarili ko.

"Sa susunod, ako na magpapaalam." natatawang saad nya kaya tinanguan ko na lang siya.

"Sige na, bye. Ingat." saad ko at nagmadali na kong bumaba sa sasakyan nya.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at dun na tumulo bigla yung luha ko.

'Bakit ba kasi ayaw mong magkwento?' naririnig kong tanong sa isipan ko pero umiling na lang ako para mawala yun sa isipan ko.

Gusto kong magalit, mainis, umiyak ng umiyak pero wala.

Tumutulo lang luha ko pero wala akong emosyon na nararamdaman.

Yung puso ko lang ang nararamdaman ko dahil parang yun ang kumokontrol sa pag-iyak ko dahil ganun din siya sa loob.

Saglit lang yun hanggang sa nakita kong nagmessage si Brix at sinabi nyang tatawag daw siya. Tumawag nga siya at buti na lang hindi naapektuhan ng pag-iyak ko yung boses ko.

"Bakit?" tanong ko then I faked a smile na parang kaharap ko siya.

 "May gusto ka bang sabihin kanina? Pwede naman na samahan muna kita dyan." sagot nya.

"Wala no'! Sige na, ingat sa pagdadrive. Basta yung promise mo,ah. Bye." dire-diretsong kong sinabi yan at binaba ko na agad.

Nakatitig lang ako sa pader namin hanggang sa paulit-ulit ko ng pinapalo dibdib ko.

"Bakit ba kasi...naging bato na 'to?" bulong ko kasi para ng bato yung puso ko sa sobrang manhid, pati isip.

Lahat ng sinasabi sa akin, gusto kong mag-explain, gusto kong sumagot pero hindi ko na ginagawa. Tango at iling na lang kasi hindi ko na alam, namanhid na lang ako bigla.

Gusto kong bumalik yung dating ako pero at the same time, ayoko.

Dahil I'm so sensitive na parang mapagalitan or mapagsalitaan lang ako ng masama ay naiiyak na ko.

Pero I just hope na one day, na mawawala na pagiging manhid ko but I'll make sure na hindi na ako magiging sensitive or magpapadala sa nararamdaman ko katulad ng dati.

Sa ngayon, I still need to lie na, masaya ako kahit nakakapagod pero kailangan,e. 

BEHIND THE LYRICSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ