-- Antok --

4 0 0
                                    

Kanina pa ako hikab nang hikab at malapit na rin bumagsak yung mga mata ko pero pinipigilan ko. Buti na lang nagbell na kaya pinagbreak na kami. 

Pagkatayo namin ay lumapit agad ako kay Jae para humawak sa braso nya and I also leaned my head on her shoulder.



"Antok ka na naman." saad sa akin ni Jae habang naglalakad kami and I just nodded at her. 

Pagdating namin sa baba ay dumiretso agad sina Bri sa canteen habang kami ni Jay ay pumunta na lang sa lobby kasi may mga upuan naman doon. 

Pagkaupo ay sumandal agad ako sa balikat ni Jae para matulog. Halos kakapikit ko lang ng marinig ko na sina Bri at mukhang kasama pa yata nila yung mga kaibigan kong lalaki. 

"Mikmik." pagtawag sa akin ni Bri kaya unti-unti kong dinilat yung mata ko. 

"Hmm?" tanong ko kasi tinatamad akong magsalita. 

"May jowa ka na?" tanong sa akin ni Ric, yung kaibigan kong lalaki. 

"Yes..." sagot ko at sinabayan ko pa yun ng pagtango. 

"Sino?" tanong ni Cres at inilingan ko siya. 

"I won't tell but he/she calls me 'mare'." sagot ko at natawa sila dahil doon. 

Alam kong trip lang nila 'to kaya ginagamit ko na lang yung crush ko na medyo sikat.

"Mare?" natatawang tanong ni Bri. 

"Yesh, at lalaki daw siya for the whole day except for madaling araw." sagot ko and I smiled kahit na antok na antok na ako.

 "Sino ba kasi?" tanong ni Rei pero umiling lang ako at kasabay nun ay nagbell na kaya tumayo na kami para bumalik sa room.

Isang subject na lang naman bago maguwian kaya titiisin ko muna pagka-antok ko. Pumasok na yung president namin at sinabi nya na absent daw teacher namin kaya natulog na muna ako ng saglit. 

Ginising ako ni Tia at uwian na raw kaya natawa siya ganoon din ako. Nakahawak siya sa balikat ko kasi baka daw bumagsak ako pero sinabi ko na ok lang.

Bumaba na kami at nung malapit na kami sa gate bigla ako pinigilan nina Bri. 

"Sino jowa mo?" tanong nya sa akin at tumingin ako sa gate namin. Nakita ko na nandun Linx at hindi naman ako hawak nina Bri kaya lumapit na ako kay Linx.

"What are you doing here?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya kaya napatingin na siya sa akin kasi may tinatype siya kanina. 

"Hindi ba obvious? Lika na." sagot nya at hinawakan na nya ako para hilahin but I stopped him. 

"Wait." saad ko and I looked back para makita kung nandoon pa sina Bri at tinaas ko yung kamay ko kaya natawa at ngumiti sila. 

Nagtatakang tiningnan ako ni Linx pero umiling na lang siya. 

"Pretend to be my jowa." saad ko kaya liningon nya ako at napaawang yung bibig nya.

 "J-Jowa? Are you serious?" tanong nya and I nodded while were walking.

"Kapag nandito lang." sagot ko nung sumakay na kami sa kotse nya and I think he's glaring at me. 

"Ewan ko sayo, Mika." naiiling na saad nya at parang gusto nyang sabunutan sarili nya.

"Manhid ka ba?" tanong nya nung nagdadrive na siya. I didn't answer him kaya tumingin siya sa akin saglit.

"Antok ka?" tanong nya sa akin nung nastuck kami sa traffic and I nodded. 

"I know you're more honest kapag antok ka." saad nya kaya tumingin ako sa kanya and I leaned my head sidewards para nakatingin ako sa kanya.

"Sino jowa mo daw?" tanong nya kaya kinunutan ko siya ng noo kasi kanina ko pa naririnig yang jowa na yan.

 "Wala." sagot ko pero binawi ko din. "Ay..."





Naramdaman ko na may yumuyogyog sa akin kaya dumilat na ako at nakita ko yung inis na mukha ni Jae. 

"Hindi nakakatuwa,ah!" sigaw nya at padabog siyang naupo sa tabi ko. 

"Huh?" tanong ko kasi kagigising ko lang naman at hindi pa rin ako makaget-over sa panaginip ko.

 "Nagsasalita ka habang tulog kaya akala ko binabangungot ka." inis na sagot nya at nararamdaman ko na naman na bumibigat yung mata ko.

 "I'll talk to you later. Antok pa ko." sagot ko at pumikit na ulit ako. 

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now