-- Let Go --

4 0 0
                                    

Lakad lang ako ng lakad kahit na naririnig ko siyang tinatawag pangalan ko. Naramdaman ko na hinawakan nya ako sa braso at hinarap sa kanya.

"ANO BA?! Bakit ba ayaw mo kong tigilan?!" sigaw ko at buti na lang walang masyadong tao dito. Hindi mahigpit pagkakahawak nya sa braso ko kaya natanggal ko agad yun.

I brushed my hair dahil naiinis na ko sa kanya.

"Cre--" pinutol ko na agad sasabihin nya.

"Tama na, please." mahinang saad ko then I glared at him nung hahawakan nya ulit ako.

"Bakit ba lagi mo ko sinusundan? I'm so tired. Bakit? Kasi gusto mo makita ulit na masaktan ako? Wren naman." dire-diretsong saad ko at naramdaman ko ng namumuo yung luha ko.

"Ayoko na. I already gave up. I'm actually letting you go...kasabay nung nararamdaman ko sayo noon." dagdag ko and unti-unti ng tumulo luha ko kaya inis kong pinunasan yun.

"Cres, I'm sorry." saad nya kaya natawa ako at napailing pa.

"Sorry? Baka matanggap ko yan if...you'll start to distance yourself from me." sagot ko and I stepped backwards.

"Just talk to me first." he said pero umiling ako.

"Ayoko na." sagot ko and I stopped walking para masigurado ko na titigilan nya na ako once na umalis ako.

"One favor, please." he said and I didn't answer kaya medyo lumapit siya and hindi na ako lumayo kasi mahihirapan na akong huminga kapag gumalaw pa ulit ako.

"I want your consent." he said and I just looked at him kaya mas lumapit pa siya and he hugged me.

"Kung alam ko lang na magiging ganito...I should have stopped myself,then." mahinang saad nya and he chuckled at ramdam ko din na umiiling siya.

"I'm sorry..baby..." he said and he buried his face in my shoulder.

Tumulo na yung pinipigilan kong luha at kinuyom ko yung kamao ko para doon mapunta yung atensyon ko.

"Cres...lahat ng sinasabi ko..totoo. Baby...I know this is too late...I have a lot of things to say..but it's too late. Fay, please believe me." he whispered and I felt his tears.

Tinanggal na nya yung pagkakapatong ng ulo nya sa balikat ko and inayos nya yung buhok ko na nasa mukha ko.

Someone tripped kaya napatingin kami sa kanya.

"Cut!" sigaw ni direk and pinalapit nya agad yung staff doon sa kasama ni Renz na babae and siningit lang naman siya for this scene.

Sigaw ng sigaw si direk dahil nagfail siya and linapitan naman agad siya ni Renz.



Pumunta ako sa gilid para malapitan din yung kaibigan ko na si Vin.

"Galing!" saad nya at hinatak nya pa ako papalapit sa kanya.

"Pwede na sa Hollywood." dagdag nya pa kaya natawa ako at siniko ko tagiliran nya kasi nakaakbay siya sa akin.

"Adik!" natatawang sagot ko and I looked at him kasi pinipindot-pindot nya yung balikat ko.

Tumingin siya sa akin and then sa malayo kaya tiningnan ko yun and I saw Renz with the girl.

Nahuli kong nakatingin dito si Renz kanina pero nung tumingin ako, nag-iwas siya and he smiled at his friend.

"Selos ka?" tanong sa akin ni Vin kaya inirapan ko siya.

"Why would I? Am I his girl? No, right? Tss." I answered and then he laughed so I glared at him.

He raised both of his hands like his surrendering.

"Libre na nga lang kita. Para hindi ka magalit." natatawang saad nya and then saktong may dumaan na staff sa harapan namin kaya kinalabit nya ito.

"Ate, takas ko lang siya saglit, pwede?" tanong nya at natawa yung babae before she nodded.

"Bilisan nyo lang, ah." sagot nya and we just both nodded bago ako hinatak palabas ni Vin.

May mga stores naman dito na nakaline up so hindi na namin kailangan lumayo pa. Tyaka nagshoshoot naman kami dito lang sa baba because of that scene.

"Usual." saad ko and he just nodded before siya pumila.

Do I ever think of him? Am I still the same Fay?

"Alis tayo mamaya." biglang saad nya and doon ko lang narealize na nakaatulala na pala ako.

"Naka-order ka na?" tanong ko and he just nodded.

"Alis tayo mamaya." pag-uulit nya "Saan pupunta?" tanong ko and I leaned on the wall behind me.

"Basta, after your shoot." sagot nya and I just nodded bago siya pumunta ulit sa counter.

Pagbalik nya ay inabot na nya sa akin yung order ko. "Siya?" tanong nya kaya kunot-noo ko siya tiningnan.

"I'm asking if you're thinking about him." he said and I just shrugged.

"Tara na, baka pagalitan ako. Ikaw ituturo ko talaga." saad ko kaya natawa siya and I started running at ganoon din siya.

Hinawakan nya braso ko so tumigil ako kasi madadapa ako or what kapag tinuloy ko yung pagtakbo ko.

"Ano?" I asked him. "Don't run." he answered at doon ko lang nagets na bawal nga pala ako mapagod.

Malapit na lang naman na kami kaya naglakad na lang kami. Hindi na siya nagsalita pa habang ako kung saan-saan na nararating yung isip ko.

Umiiling-iling na lang ako para mawala lahat ng iniisip ko about him. Kung ano yung sinasabi ko sa shoot namin kanina, dapat totohanin na.

I'm letting it go...I'm letting him go with my feelings for him.

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now