-- Promise --

4 0 0
                                    


I left our room when he texted me that he's already outside. Vacant naman namin tapos uwian na rin mamaya. 


 Pagdating ko sa may field ay nandoon na siya kaya tumakbo ako papunta sa kaniya. He's laughing when I stopped right in front of him at kaunti na lang ay muntikan na kong sumubsob sa dibdib niya. Inabot niya agad sa akin yung frappe na dala niya para sa akin. I took a sip while smiling at him. 


"Ayoko na magmemorize." biglang saad ko nung nakalahati ko na yung frappe. Inalok ko siya at uminom siya ng kaunti. Hindi naman kasi ako LC and sanay naman na ako sa kaniya.


 "Ilang months na lang naman. Tiisin mo na." sagot niya at inakbayan niya ako para makaalis doon kasi medyo natatamaan na kami ng araw. 


"Buti ka pa! Board exam na lang iniisip mo." and he laughed before he ruffled my hair kaya sinamaan ko siya ng tingin. 


"Okay na yan. Ikaw nga hindi na magtatake ng boards." sagot niya at hindi niya tinigilan agad yung buhok ko hanggang sa hindi gumugulo yun. 


He bit his lip to stop himself from smiling at nauna nang maglakad. Hinabol ko agad siya at sinabayan siya kahit na mas malalaki mga hakbang niya. Ginagaya ko siya nang bigla siyang tumigil. I innocently looked at him at ganoon din ang ginawa niya. Hindi ko na napigilan matawa sa kaniya kasi he even copied me, tilting my head. 



Pumunta kami sa isa sa mga parang huts ganoon. Umupo kami doon at may nilapag siyang paper bag. I furrowed my brows and raised my head to look at him. 


"Bakit hindi ko napansin yan kanina?" tanong ko kasi hindi ko naman nakita yun sa kaniya kanina. 


"Busy ka kakainom, eh." sagot niya at umupo na sa tapat ko. Binuksan niya yun and I smiled widely when I saw what's inside. 


"You're the best! Sana habang-buhay na kitang kaibigan." saad ko and he looked at me with an amused expression pero napalitan yun. 


"Ouch!" and he even playfully placed his fist on his chest. Tinawanan ko na lang siya at kinuha yung fork na kasama nun. There's nothing romantic going with us naman kaya I know that it's just a joke. 


 I sliced a piece of the cinnamon roll that he bought at sinubo yun. I also gave some to him kasi alam ko naman na hindi ko yun masyadong mauubos. Nagkwento lang siya ng mga ginawa niya at ganoon din ako hanggang sa nag-inisan kami. 


"Ang dungis mo!" and he even threw me a piece of tissue. I glared at him at pinunasan yung gilid ng labi ko. He's staring at me kaya nung napunasan ko na labi ko, tinuro ko din gilid ng labi niya kahit wala namang dumi. 


Tinuro niya sarili niya at tumango ako kaya sinubukan niyang punasan pero hindi din natuloy.

 "Huwag nga ako. Alam ko kung may dumi ako or wala." saad niya kaya tuluyan na kong napangiti. Natahimik kami kaya uminom na lang ako sa tumbler ko.



"Ay! Pwede mo kong samahan? Bawal tumanggi." saad ko at natatawang umiling siya sa akin kasi hindi ko talaga siya binigyan ng choice. Tumayo na kami at nagpunta sa may tindahan na medyo nasa tabi ng University. 



Pumasok kami doon kasi kailangan ko pa pala bumili ng mga kakailanganin namin sa report bukas. Ayoko na kasi pumunta sa mall, mapapagod at mapapabili lang ako ng ibang hindi ko kailangan.


 "Wala ka na bang stock sa inyo?" tanong niya habang nakatingin sa mga bitbit ko. I just nodded at tumahimik na siya nung nagbayad ako. We walked out of the store para doon ko ayusin yung bag ko.



"Aalis na pala kami after two months." he carefully said after a minute or two of silence. I quickly looked at him with a confused look, but after it changed to a sad one. Tinapos ko muna pag-aayos ng bag ko bago ko siya tiningnan ulit. 


 "Pwede ba kayong mag-stay until my graduation? Dali! Then let's just have my own graduation party. Punta tayo sa mountainside, ganoon?" I tried to put some joy in my voice and he showed a small smile.


 "Okay. I'll tell them." my lips parted hanggang sa napatalon ako sa tuwa and inakbayan siya kaya napayuko siya. 


"Pero paano yun? After mong mag-board, aalis na kayo?" tanong ko at nawala yung tuwa ko dahil doon. He smiled and slowly nodded. 


"That's the plan. It can change because I'll tell them later that I'll celebrate with you." dagdag niya kaya mas lumaki ngiti ko na halos nakapikit na yung mga mata ko. Nagplano na agad ako sa isip ko kahit na may ilang buwan pa.


"Let's make it memorable then! Tapos kung saan man kayo pupunta, pupuntahan kita kapag may layover kami." saad ko and he laughed. 

"Basta ba, sabihin mo kung saan, diba?" I added and chuckled kahit na medyo nalukungkot na ulit ako sa loob-loob ko. 


"Oo naman. Ikaw pa ba? Ako na magdedecide para hinding-hindi natin makakalimutan." and we laughed kahit na medyo nagtunog pilit parehas but we didn't bother to point it out.


 "Promise?" I asked because I want to be sure. He's the friend who's always been with me, even in my darkest days.


 "I'll... promise." he answered and I nodded, at least he assured me. 


"Tara na! May tatapusin pa ko." saad niya and I think it's about sa pag-alis nila. I just nodded at binitawan na siya kaya nakatayo na siya ng maayos. Natatawa ako habang nakatingin sa kaniya kasi iniistretch niya leeg niya. He just shook his head at me and I gave him a teasing smile bago kami umuwi.



I sarcastically smiled when I remembered that day. 


"Sabi mo ikaw magdedecide. Nagdecide ka nga. It's supposed to be a happy celebration even if it will hurt us both at the end. Pero bakit mo naman pinaaga yung sakit? You didn't even see me walk up the stage. Our celebration.. You...promised." I said while looking at the starless night.


 Nakakatawa lang kasi mahilig akong magsabi na 'promises are meant to be broken' sa iba but we all took that a joke, but,now. 

Well, siguro I thought that maybe he won't break it, pero hindi naman kasi lahat ng akala at naiisip natin ay nag-iistay ng ganoon. 


Maybe it really meant to be broken...to be hurt. 

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now