-- We Reached It --

4 0 0
                                    


Kumaway ako sa kanya kasi ang layo ng tingin niya. Nakangiti siya nung una pero nawala yun nung napansin niya na ako at nakanguso na ngayon. Naglakad pa rin siya papunta sa akin kaya mas lumaki ngiti ko. 


"Congrats! With awards ka pang baliw ka." saad ko when he stopped right in front of me. I looked at him from head to foot and I laughed.

 "Pwede nang sugar daddy. Pasagot ng tuition ko." dagdag ko at hinila niya ako papalapit sa kanya and he leaned his arm on my shoulder. 


"Anong 'sugar daddy'? Isang taon lang naman ang pagitan natin? Gagraduate ka na rin naman next year." tanong niya and he didn't hide his inis doon sa sinabi kong 'sugar daddy'. 


"Mukha kasi,eh." hindi pa rin ako nagpatalo 'no. Inilingan na lang niya ako and he even scrunched his nose when he turned his head to look at me.

 "Tyaka may law school pa. Ikaw magtatrabaho na." I teased him more because he's always the one who teases me at bibihira lang ako makaganti.


 "Tigilan mo nga ako. Doon ka na." at tinulak niya pa ako kaya tumawa na ako. 


"Bye!" I waved at him at umalis na doon because he's celebrating with his family tyaka hindi naman ako part nun pero future hehe. May ibang celebration naman kami bukas kaya okay lang.


 Sinigaw niya pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. He gestured a camera and I nodded before I ran back to him. Muntikan pa kong sumubsob kung hindi niya lang hinawakan braso ko.


 "Magkakasugat ka pa,eh." saad niya but I just giggled at tumabi sa kanya. Kinuha niya phone niya at nagselfie kami doon. 


"Tama na yan! Punta ka na don." saad ko at wala na siyang nasabi kasi tumakbo na ko papalayo.


Umalis na ako doon at nakipagkita sa kaibigan ko kasi may mga dapat pa kaming gawin. Magkaiba naman kasi kami ng Univ nung baliw na yun kaya hindi magkasabay yung pagtapos ng class namin.


Days passed at mabilis lang siya nakahanap ng trabaho dahil sa ewan ko kung ano ginawa niya.


 After two years, he'll start to take his licensure exam at kailangan pa kasing magtrabaho bago malapagtake ng boards kaya buti ng may tumanggap agad sa kanya.

 I focused more on my studies lalo na't madami pa akong kailangan aralin at kabisaduhin.



--


I'm smiling the whole time lalo na puro picture ang ginagawa nila. Picture kasama sila, picture kasama yung iba. But my smile grew wider when I saw him looking at the sky pero napatingin siya kung saan ako nakatayo.


 I ran towards him and he opened his arms for me. Natatawa akong nakayakap sa kanya at muntikan pa kaming matumba. 


"Congrats. Four more years, then you'll be an attorney." he said while smiling. He's holding my waist and he even tried to lift me up kaya nagpunta na sa balikat niya pagkahawak ko.

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now