-- Toxic --

5 0 0
                                    

"HOY! Bakit hindi ka gumagalaw dyan?" sigaw sa akin ni Jen na bigla na lang pumasok sa kwarto ko.

"Kasi ayoko?" patanong na sagot ko at hindi ko pa rin siya tiningnan at pinatong ko pa yung braso ko sa mata ko.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko kasi gusto ko lang maging tahimik buong araw pero parang imposible ata mangyari yun.

Hindi siya sumagot kaya umupo ako at nakita ko siyang naglalabas ng mga damit mula sa cabinet ko at namimili pa siya.

Naramdaman nya ata na nakatingin ako kaya lumingon siya and she smirked at me. Lumapit siya sa akin at hinila nya ako patayo.

"Ano ba yan?" inis na tanong ko pero tinulak nya lang ako papasok sa CR ng kwarto ko.

"Bilisan mo!" sigaw nya kaya wala na akong nagawa at sumunod na lang.

Buti na lang maayos na damit yung binigay nya sa akin kasi kapag hindi sasabunutan ko talaga siya na parang matatanggal na buhok nya.

Lumabas na ko at nakaupo siya sa kama habang may kinakausap. Hindi na ako nakinig kasi alam ko naman na wala rin akong maiintindihan kaya nag-ayos na lang ako.

Nung napansin ni Jen na tapos na ako ay hinila na agad nya ako palabas.

"Baka nakakalimutan mo na mas malaki ka sa akin." pagpaalala ko sa kanya kasi kanina pa nya ako hinihila.

"Hindi ko naman nakakalimutan yun." natatawang sagot nya at pinasakay na nya agad ako sa kotse nya.

Tumigil siya katapat ng pinag-iinuman nila lagi kaya napalingon ako agad kay Jen and she swinged her finger in front of me na parang sinasabi na 'I have no choice'.

Sumama na lang ako at buti na lang bakasyon namin ngayon kaya wala kailangan habulin.

Nagpunta kami sa gilid para mahanap sina Bia at mabilis lang naman namin sila nakita. Gulat na gulat ako pagkakita ko sa kanila kasi wala ng laman yung dalawang bucket na nakalagay sa lamesa nila.

"Ano bang meron? Parang gusto nya ata iumpog ulo nyo bukas." tanong ko at umupo na ako sa may gilid at yung mabilis akong makakalabas.

Tinawanan lang nila ako at uminom ulit sila sa mga hawak nilang shot glass at si Lay ay sa bote na umiinom.

"Wala na?" tanong ni Jen sa kanila at inilingan siya ni Ara.

"Bibili muna ako." saad ni Jen at magsasalita pa lamang ako pero sinamaan na nya ako ng tingin.

"Dyan ka lang." saad nya at umalis na siya habang nagtataka ko lang sila tiningnan pero ganun din ang ginawa nila.

Naalala ko bigla yung mga ginagawa kong pagtakas everytime na sinasama nila ako dito kaya nagets ko na ibig sabihin nila.

I just crossed my arms habang nakatingin sa mga tao nandito at sina Bia ay nag-uusap pero pabulong kasi lumalapit pa sila sa isa't isa kaya wala talaga akong ginagawa dito.

Bumalik na si Jen at ngiting-ngiti siya kaya alam ko na may binabalak siya pero hindi ako nagsalita.

She started distributing it at ako yung huli nyang inabutan at nagsitinginan silang lahat sa akin.

"Bakit?" tanong ko pero umiling lang sila at biglang ngumiti kaya I just shrugged at ininom agad yun ng buo.

Napapikit na lang ako dahil sa lasa at ngayon lang ako uminom nun kasi hindi naman talaga ako palainom.

Inabutan nila ako ng isa pa kaya sinamaan ko sila ng tingin pero binalik nila sa akin yun kaya nakipagsukatan ako sa kanila.

"Last na yan, tas mamaya ulit." she said then giggled kaya tumango na lang ako at ininom na yun.

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now