-- Overthinking --

8 0 0
                                    

"Mik-mik!" sigaw ni Jay, siya lang naman kasi ang may lakas ng loob na sumigaw dito sa bahay namin. 

Hindi ko siya pinansin at wala din akong balak lumabas ng kwarto kahit na alam kong pupuntahan nya rin ako dito.

 Nakahiga at tulala lang ako sa ceiling ng kwarto ko kasi kapag may ginawa ako baka sumabog na utak ko. 

"Hoy! Tinatawag kita." saad ni Jay pagkapasok nya sa kwarto ko at tumabi siya sa akin. 

"Ok ka lang? Problem?" tanong nya sa akin kasi tahimik ako and the usual kasi is sinasabunutan ko siya pagkapasok dito. 

"Jay, bukas o sa susunod na lang. Pahinga muna ako, please and wag ka ng magpapunta dito ng iba." saad ko sa kanya ng hindi ko man lang siya tiningnan.

 "Ok, basta kapag kailangan mo ng tulong chat mo lang ako." saad nya at tumango na lang ako sa kanya tyaka siya lumabas ng kwarto ko.

Kanina pa siya nakalabas pero nakatulala pa rin ako ang naiba lang ay nagpapatugtog na ko. Gusto kong umiyak, magwala, o ilabas 'tong nararamdaman ko pero wala parang mismong ako naggigive up na kasi walang lumalabas na luha. Gusto kong iiyak 'to para gumaan pakiramdam ko pero wala. 

Nakakatawa lang kasi yung mga salitang nabasa, narinig o kung ano pa man ay pinagtatawanan ko lang kapag nasa movies, o libro yun pero eto ako ngayon at ganun yung nangyayari sakin ngayon. Masakit pala talaga. 

Kung ano-ano naiisip ko dahil lahat ng nagawa ko noon, yung mga nangyari noon ay bumabalik sa isip ko ngayon.

Halos makain na siguro ako ng nakaraan ko kung hindi ko lang narinig na may kumakatok sa pintuan ko kaya napailing na lang ako kasi hindi sinunod ni Jay yung gusto ko.

 Hindi ko pinagbuksan ng pintuan yung kumakatok kasi imposible naman na sina mommy yun kasi alam kong umalis sila at kaming 2 lang ng kapatid ko naiwan, imposible din na kapatid ko yun kasi hindi marunong kumatok yun. 

Nung nakaramdam na yung kumakatok na wala akong balak papasukin o tanungin kung sino man siya ay tumigil na siya pero akala ko umalis na, yun pala ay binuksan na lang nya yung pintuan.

"Mika." pagtawag sa akin ni Trav pero hindi ko siya pinansin. 

"Hey, anong meron?" tanong nya "Bakit ka nandito? Pinapunta ka ni Jay?" balik kong tanong sa kanya at tinakpan ko ng braso ko yung mata ko kasi parang umiinit ganun. 

"Hindi. Just checking on you tyaka pinasamahan kayo sakin ng mommy nyo." sagot nya sa akin at nakalimutan ko na close nga pala siya sa family ko.

"Labas." saad ko kasi magtatanong siya and wala akong balak marinig o sagutin man yun.

 "Labas!" napasigaw na ako kasi naiirita na talaga ako at umupo na rin ako para maharap ko siya.

 "Please, lumabas ka na. Mamaya mailabas ko pa 'to sayo." pagmamakaawa ko at binulong ko na lang yung huli kong sinabi, umiwas na rin ako ng tingin kasi nag-iistart ng lumabas yung hindi ko mailabas kanina.

 "I'll leave in 5 minutes. Now, talk to me." saad nya and I don't know kung ano nararamdaman ko kasi naiinis, naiirita, nagagalit, masaya, naiiyak, hindi ko na alam.

Nakatitig lang ako sa pader na parang dun ko ibinubuhos lahat ng nararamdaman ko.

 "I don't want to talk to you o kung kanino man." sagot ko at yumuko para kung tutulo man luha ko hindi nya makikita. 

"May nakausap o naalala ka?" tanong nya and I know na mahirap magtago sa kanya kasi mas kilala nya ako kesa kay Jay na 5 years ko ng kaibigan.

 "Just leave, Trav." sagot ko.

BEHIND THE LYRICSWhere stories live. Discover now