KABANATA 25

723 23 1
                                    


LANCE POV

Pagkatapos sabihin ng huling prof namin sa panghapon ang magiging assignment ng buong klase saka lang siya nagpaalam.

"Goodbye class, see you on monday" mahinahong tono ni ma'am ventura.

Pagkatapos niyang magsalita mabilis naman na naglabasan ang mga kaklase ko. Mga atat na atat ng mga umuwi.

Nagpaalam naman samin sila Emman kasama sila Ryle at Glen na mauuna ng umalis samin. Lumapit naman sakin si Eunice.

"Lance, enjoy your weekend"

"Ikaw din" sagot ko at nagpaalam siya.

Naiwan kaming tatlo sa loob ng room

"Bes, pwede ba kong sumabay sa inyo"

"Oo, pwede naman"

"Natatakot kasi ako kay Bright, alam mo na baka makasalubong ko paguwi"

"Sus, natatakot ka sa kanya? Di ka naman siguro gagahasain nun no" biro ko.

"Loko ka! Hindi sa ganon, malay mo kausapin niya ko kung bakit pa ako nandito" sabi niya.

"Wag mo na nga isipin yun. Ako ng bahala dun" inaya ko na silang lumabas ng room.

"Afraid lang talaga ang facelak ko kay papi Bright. Tara na nga umalis na tayo baka maabutan pa tayo nun dito" sabi ni Dennis.

"Takot kana pala ngayon sa mga gwapo no" biro ko sa kanya.

"Hindi ah, basta sasabay ako sa inyo"

"Tara, intayin nalang natin sa labas yung driver nagpasundo nako" sabi ni Allen na nasa tabi ko.

Habang naghihintay lumilingon ako sa paligid baka kasi mamaya bigla nalang lumapit si Bright o lumitaw nalang sa kung saan. Hanggang sa dumating na ang sundo namin. At walang Bright na lumapit sa amin, nakakapagtaka ata kasi hindi man lang siya nagpakita sakin sa buong araw at kahit na anino niya wala.

Ano kayang nangyayari don?

Napangiti naman ako, mas mabuti na yon na hindi siya lumapit sakin at mas nakikita kong masaya si Allen.

Sana laging ganito nalang na wala siya sa paligid para good mood ang baby ko. At baka masaktan ko pa siya kapag nagpakita siya sakin ngayon dahil sa mga nalaman ko sa kanya.

Akala ko nagbago na siya hindi pa pala.

Nagulat ako ng pinisil ni Allen ang pisngi ko.

"Uyyy, sakay na. Tulala ka na naman dyan" sabi niya.

"Wala may iniisip lang" tapos sumakay na sa loob ng kotse, sumunod din siya.

"Sino naman ang iniisip mo"

"Sino pa bang iisipin ko. Ikaw lang naman ang tumatakbo sa isip ko" napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw ah, bumabanat ka dyan"

"Eh totoo naman kasi ikaw lang naman talaga. Ikaw lang Allen ko"

Ako ata ang kinikilig sa sinasabi ko.

Hahaha. Lels.

"Ano ba yan, napaka daming langgam dito sa loob ng sasakyan ang tamis kasi. Kaasar!" pagpaparinig sa amin ni Dennis.

Sabay naman kaming natawa ni Allen sa sinabi niya. Pati si manong driver natawa din.

* * *

Araw ng sabado, kumpleto kaming lahat sa lamesa at masarap na kumakain ng agahan. Masaya silang naguusap habang ako nakangiting tinitignan sila.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon