KABANATA 05

5.7K 81 4
                                    


ALLEN POV

Sa mga nakita ko lang kanina sigurado akong wala na kong laban sa kapatid ko, dahil nakuha niya na agad ang loob ng mga magulang ni Lance. Ang lakas talaga ng loob ni Abdul hindi katulad ko na mahina. Talo na ko sa puso ni Lance, mukhang wala na akong pag-asa sa kanya. Pero hindi pa naman huli ang lahat hangga't hindi pa sila, hanggang hindi pa sinasagot ni Lance ang kapatid ko may pag-asa pa ako.

Tama! Allen laban lang.

"Hoy! Nandyan ka lang pala" napalingon ako sa nagsalita. Si Lance. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"B-bakit mo ko hinahanap?" sabi ko at tinignan ang maamo nitong mukha.

"Basta! Alam mo kanina pa kita hinahanap, nalibot ko na nga yung buong mansyon pati sa garden. Wala ka. Nandito ka lang pala" seryoso nitong sabi.

"Hmm.. Oo, kanina pa ko nandito may sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito saka nagsalita.

"Wala naman. Bakit? May dapat ba akong sabihin sayo Allen"

Umiwas ako ng tingin sa kanya "Kung wala kang sasabihin sakin, ako meron akong sasabihin sayo" kita sa gilid ng mata ko na lalo pa siyang lumapit sakin.

"Ha ano? Anong pinagsasabi mo? Ano naman ang sasabihin mo sakin?" pagtataka nito. Ilang segundo akong natahimik bago ako nagkalakas ng loob para ipagpatuloy ang mahalagang sasabihin ko sa kanya.

"Lance, makinig ka sa sasabihin ko" napalunok ako, medyo kinakabahan sa magiging reaksyon niya.

"Sige makikinig ako Allen. Madali naman ako kausap" ngumiti siya kaya pakiramdam ko nawala ang namumuong kaba sa dibdib ko.

"Alam mo ba ng unang beses palang tayong nagkausap may gusto na ko sayo non. At noong unang beses na nakita kita sa picture ay tinamaan na ko sayo ng makita ko palang ang itsura mo sa larawan na nakalagay sa sala ninyo. Tapos ngayon hindi ako makapaniwala na nakikita na kita ng totoo at nakakasama. Nasa harap ko na ngayon yung taong pinapangarap ko" hinawakan ko ang kamay nito.

"Ikaw ang nagpapasaya sakin. Yung dati kong buhay na malungkot ay nag-iba na puno ng saya nang dahil sayo Lance. Aaminin ko sa lahat ng hindi pwedeng iwan ikaw yun wala ng iba, wala na atang makakapigil sakin ngayon. Mahal na talaga kita higit pa sa iniisip mo" mas hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa kamay niya.

"Kahit mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko para sayo. Basta kapag nagmahal ka, wag ka matakot sumugal dahil parang isang sugal ang umibig. Kapag nanalo ka masaya kaso kapag talo ka naman masakit pero kailangan tanggapin mo. Love is a ruthless game unless you play it good and right. At least sa huli may natutunan ka at hindi ka magsisisi na hindi ka sumubok. That's love, same man o kahit opposite sex pa yan. You have to give all your best shot. Kaso mahirap talaga ipaliwanag kung paano mahalin ang same sex lalo na ang sasabihin ng mga taong makakakita nito sa atin na nakikipag relasyon tayo sa kapwa lalaki" lumipat ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat.

"Alam kong yun ang iniisip mo na baka husgahan ka ng mga tao kapag nagmahal ka ng same sex. Para sa akin wala na akong pakialam sa magiging tingin o reaksiyon ng mga nasa paligid ko tungkol sa akin. Ayaw ko lang magsisi balang araw na hindi ako sumubok sa isang bagay na gusto ko talagang gawin. Iyon ay mahalin ang taong laman ng puso ko kahit na parehas kaming lalaki. Life and love are taking risk and taking chances and choices, Lance" mahabang sabi ko sa kanya.

"Tama ka pero takot lang naman ako masaktan ulit dahil ayoko ng maramdaman ang sakit na nangyari dati sakin. My heart was glass and someone get it, and he dropped it. Yun ang ginawa ng taong minahal ko sabi niya mamahalin niya ako at iingatan ang puso ko kaso winasak niya ito" may tumulong luha sa pisngi niya. Kaya medyo tumalikod siya sakin. "Gusto ko ulit magmahal kasi masarap ito sa pakiramdam pero medyo natatakot ako kasi baka may masamang mangyari ulit"

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon