KABANATA 08

4K 64 2
                                    


LANCE POV

Mabilis na lumipas ang mga oras sa loob ng university at natapos ang maghapon. Hanggang ngayon marami pa rin gumugulo sa aking isipan. Maraming tanong na kailangan ng kasagutan. At alam kong sina Allen at Abdul lang ang makakasagot ng mga tumatakbo sa isip ko ngayon.

Di ko namalayan na kanina pa pala nakalabas ang lahat ng kaklase ko at naiwan nalang kami ni Dennis kasama si Allen na nasa tabi ko.

"Hoy Bes! Napansin ko lang na kanina ka pa tulala dyan. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Dennis.

"Wala to, napagod lang siguro ako sa klase natin kanina" palusot ko.

"Siguro yung nangyari kanina yang iniisip mo, wag mo na isipin yun. Ako ng bahala sa kapatid ko" hinawakan ni Allen ang kamay ko.

"H-hindi, hindi yun ang iniisip ko. Iniisip ko yung gagawin natin sa sabado" pagpapalusot ko ulit dito sabay bawi ng kamay ko.

"Ayy! Oo nga pala Bes, bukas na yon diba. Party-party!! May susuotin na ba kayo?!" sigaw ni Dennis.

Malapit lang siya sa akin kaya medyo nabingi ako sa lakas ng boses nito.

"Mas excited ka pa sa inimbitahan no, remember ako yung inaya ni Kim. Right?" pangaasar ko.

"Edi ikaw na Mr. Christian Lance Santos!! Pwee" sabay simangot ng mukha ng aking kaibigan.

"Haha! Biro lang Dennis, di ka naman mabiro oh" tapos ngumiti sa kanya.

"I know right haha" tugon nito. Tumayo naman ako sa upuan at ganon din sila.

"By the way may isusuot na ba kayo para sa party at meron na ba kayong regalo para sa mother ni Kim?" singit na tanong ni Allen.

"Syempre meron na kong isusuot, at wag kang magalala dahil may regalo na ko para sa future mother-in-law ko" mabilis na sagot ni Dennis.

"Bakla ka! Wag ka nga assuming dyan. Alam mo naman na hindi ka magugustuhan ni Kim no" biro ko ulit sa kanya.

"Panira ka talaga ng moment ko. Nakakainis ka na, kaibigan ba talaga kita? Pangalawa mo na yan. Inaapi mo na ko, chos!"

"Tama na yan baka mag away pa kayong dalawa dyan ha" natatawang sabi ni Allen.

"Ganito lang talaga kami mag usap ni Dennis pero di kami nagaaway niyan diba" sabi ko.

"Alam mo pogi masanay ka na ganito lang kami ni Lance, mukhang nagkakapikonan pero hindi naman" sabay ngiti ni Dennis kay Allen.

"Okay. Basta bukas magkita nalang tayo sa surprise party ng mother ni Kim, at sabay naman kami pumunta dun ni Lance" ani Allen.

"Wait. Ganito nalang, sundoin nalang natin si Dennis tapos sabay-sabay na tayong pumunta dun. At baka kasi mapano pa itong kaibigan ko. Kitang kita pa naman ang kagandahan nito at baka marape pa sa daan" sabi ko.

"Di mo alam kong nangaasar ba o nanloloko eh. Pero maganda naman talaga ako chos! Sige kitakits nalang tayo bukas. Bye" paalam ni Dennis.

Pauwi na ng mansyon sila Lance at Allen. Hindi nila kasama umuwi si Abdul dahil sa nangyari kanina. At hindi na ito pumasok sa mga klase nila maghapon.

Nang nasa loob na sila ng mansyon ay sinalubong naman sila si Manang Ester at pinaghandaan sila nito ng hapunan.

"Nakita niyo po ba si Abdul?" tanong ni Lance sa matanda.

"Hijo, nasa loob na siya ng kwarto. Maaga nga itong umuwi kanina"

"Ganon po ba" maikling sagot ni Lance.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon