KABANATA 17

1.2K 37 7
                                    


Hindi pa din ako sumasagot sa tanong ni Bright kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas matimbang sa puso ko. Pero may napili na ang puso't isip ko nahihirapan lang sabihin ng aking dila.

"Anong ginagawa niyong tatlo dyan" sumulpot nalang si Dennis sa likuran namin.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Bes, kanina ka pa hinahanap sakin sa Music Club. Tara na" aya nito sa 'kin.

Lumapit naman ako agad sa kanya at sumama. Hindi na ako nakapagpaalam pa dun sa dalawa. Iniwan namin sila na nakatayo dun.

"Bes, salamat ah" tapos huminga ng malalim.

"Para saan naman yan" tanong niya.

"Salamat dahil nakatakas ako dun sa dalawa. Kanina pa kasi ako di makahinga dun"

"Bakit naman? ano bang ganap kanina"

"Ganito kasi pinapapili ako ni Bright kung sino ba sa kanilang dalawa ni Allen ang mas lamang sa puso ko" paliwanag ko.

"Hala eh may napili ka na ba? Anong sabi mo? Mahirap yan parehas pa naman silang masarap" sunod-sunod na sabi nito.

"Syempre hindi ko na nasabi sa kanila kasi nga tinawag mo ako. Madaling madali ka kasi"

"Kasalanan ko pa talaga. Pero may napili ka na ba?"

"Oo naman, meron na"

"Ok. Hmm.. pero alam mo given na sa kanila na gwapo silang dalawa at may pagkakaiba sila. At kung ako ang nasa katayuan mo ngayon wala akong pipiliin sa kanilang dalawa"

"Ha!? B-Bakit?"

"Dahil sabay ko silang jojowain" saka tumawa ito ng malakas.

"Gaga, loka-loka ka talaga! Nasisiraan ka na ba ng utak?"

"Ito naman biro lang. Heto na ang totoo seryoso na ko. Sana ang piliin mo sa kanila ay yung alam mong mahal ka at kaya kang ipaglaban. Alam ko naman na alam mo na yun."

"Oo naman alam ko na. Bilisan na nga natin maglakad"

ALLEN POV

Gusto kong suntukin ang pagmumukha ng taong nasa harap ko ngayon. Ang kapal lang ng mukha niya para halikan si Lance at magsinungaling na sila na daw.

Asa siya.

Hindi ako naniniwala sa kanya at di ko na din papatulan pa 'to. Magaaksaya lang ako ng lakas dito.

Paalis na sana ako para sundan si Lance pero hinarangan niya ako.

"Saan mo naman balak pumunta?" saka ngumisi.

"Wala ka na dun" sagot ko.

"Tsk. Alam kong ako ang mahal ni Lance kaysa sayo" ani Bright.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Wag kang pakampanti dyan sa sinasabi mo baka ikaw lang ang nakakaalam niyan" tumawa ako ng mahina.

"Sa tingin mo naman ikaw. Sa kagaya mo magkakagusto si Lance? Iba na pala ang taste niya ngayon no" pangmamaliit niya sakin. Di ako nakasagot sa sinabi niya.

"Allen, alam mo naba na ang pangit lang tingnan. Masakit sa mata. Hindi kayo bagay ni Lance, wala siyang future sayo. Mayaman siya kaya dapat sa mga kagaya ko siya nararapat. Samantalang ikaw isa ka lang hamak na hampaslupa kaya ang mga nababagay sayo dapat sa mga katulad mo din" dugtong niya.

Nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Sobra naman siya magsalita parang tinapakan niya na ang aking buong pagkatao. Parang hindi siya edukado.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon